Chapter 7: Punishment
CELINE P.O.V
Tumingin agad ako kay liam kasabay ng paghinto ng sasakyan niya sa tapat ng mansyon namin.
"Thank you pala sa paghatid sa'kin." Nginitian ko siya ng malapad.
"Matulog ka ng maaga dahil ililibre mo pa ako bukas." He said with a smile as I nodded before opening the car door
Hindi pa ako nakakababa ng bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya nilingon ko siya na may ngiti pa rin sa labi.
"Bakit?"
"Ahmm... Good night."
Napangiti na lang ulit ako sa kanya dahil sa inaasta niya ngayon ang cute niya kasing tignan.
"Good night din." Sambit ko bago tuluyang lumabas.
Kinawayan ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Pagtalikod ko pa lang binuksan ko na agad ang gate bago ako tumakbo ng mabilis papasok sa mansyon. Napatigil na lang ako ng makita kong hindi nakabukas ang mga ilaw.
"Binuksan ko naman 'to kanina ah" Bulong ko bago ko ulit binuksan ang ilaw.
"Shit!"
Napasigaw na lang ako ng may makita akong nakaupo sa sofa. Maya-maya nilingon niya ako kaya dahilan para makilala ko kung sino 'to, halos pigilan ko na ang paghinga ko dahil sa nakikita ko ngayon.
"Kanina pa kita hinihintay." Seryosong sabi ni adrian habang matalim na nakatingin sa akin.
"A-anong g-ginagawa m-mo dito?" Nilalaro ko ang kamay ko sa likod dahil sa nararamdaman kong takot.
Tumayo siya para lapitan ako, "Rule no.1, Rule no.3, Rule no.5, Rule no.6 and Rule no. 9." Sinabi ni adrian malapit sa mukha ko kaya naamoy ko ang mainit at mabango niyang hininga.
I was shocked as he closed the door behind me loudly.
"May balak ka bang sirain ang mansyon ko?!" Sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang inis at halong pagod na nararamdaman.
"Fuck!"
Napamura na lang ako ng bigla niya akong buhatin at dinala sa kwarto ko. Napangiwi na lang ako ng pabagsak niya akong hiniga sa kama bago sinara ang pinto. Lalo akong kinilabutan ng makita ko ang nakakalokong ngisi sa labi niya.
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko hanggang sa lumapit siya sa akin para hawakan ang braso ko at isandal ako sa pader.
"You should have punishment for breaking my rules."
Bigla na lang niya ako sinunggaban ng maalab na halik. Halik na parang mapupunit na ang labi ko sa sobrang rahas ng paggalaw nito. Mahigpit din ang pagkakahawak niya sa kaliwang braso ko at sa likod ng ulo ko para mas lalong lumalim ang halik namin.
"Hmmmp! Tama n--!" Hindi ako makapagsalita at tanging pagtulak sa kanya ang nagawa ko.
Minulat ko lang ang mga mata ko ng maramdaman kong hindi na magkadikit ang labi namin sa isa't isa. Nakita ko ang pagtataka at inis sa mukha niya bago siya umatras palayo sa'kin.
Napasabunot na lang siya sa buhok niya dahil sa inis na nararamdaman,"Bakit kapag kay liam lumalabas ang pagkamalandi mo ha?! Tapatin mo nga ako, may gusto ka ba sa kanya?!" Sigaw niya sa akin.
YOU ARE READING
Love My Job Hate My Boss [On-going]
RomanceCeline Gonzalez is a kind of a beautiful and hot lady her family is one of the most prosperous in their city but one day they will lose all their resources. So she had to work to restore the wealth. She entered a company that was the richest of them...