chapter 4

18 3 0
                                    

Chapter 4: BT21

ADRIAN P.O.V

"your 5 minutes late, where have you been?"

Pagpasok ko pa lang ng office ni lolo sermon agad niya ang narinig ng tenga ko. Umupo na lang ako at seryosong tumingin sa kanya.

"By the way, nabalitaan kong nakahanap ka na daw ng bago mong secretary. Pwede ko ba siyang makilala?" Sabi ni lolo at ngumisi ng nakakaloko.

Alam ko ang binabalak niya kaya mabilis akong umiling dahil pagnakilala niya si celine baka pagnasahan pa niya sa taglay niyang ganda.

"At bakit naman?" Inis na tanong nito.

"Dahil sekretarya ko siya hindi sa inyo kaya wala kayong karapatang makilala siya." Seryosong sabi ko na ikinagalit niya.

"I don't like your manners adrian!" May pagbabanta sa tono nito.

"It's okay! I don't like your attitude too."

Tumayo agad ako at malakas na sinara ang pinto. Galit na galit ako sa mga taong pakialamero sa buhay ko. Wala ba silang kanya kanyang buhay para doon ilaan ang atensyon nila.

"Adrian! Adrian!"

Papasok na sana ako sa elevator ng may tumawag sa akin. Nilingon ko ito at nakita agad ng mata ko si liam na tumatakbo papalapit sa akin.

"Anong problema mo nanaman?!" Tanong ko sa kanya ng makalapit na siya.

"Diba sabi mo ipapakilala mo yung secretary mo sa akin ngayon? Halika na!" Hingit niya agad ako papasok ng elevator.

Maya-maya tumunog na ang elevator kaya naglakad ako ng mabilis para sana saraduhan si liam ng pinto pero naunahan na niya ako dahil tumakbo agad siya papunta sa opisina ko.

Nainis ako dahil baka landiin niya si celine. Ewan ko pero may side na nagagalit ako pag may dumidikit sa kanya. Padabog kong binuksan ang pinto at hinanap ko agad si liam na nasa tabi na ni celine habang nakikipag usap.

"Bro, akala ko kung sino na ee si celine lang pala psh!" Sabi niya at inakbayan si celine na nagtataka.

"Kilala mo siya?" Tanong ko kay liam.

"Oo naman, highschool classmate ko siya ee."

Tumango lang ako at tinignan ang braso niyang naka-akbay kay celine bigla na lang akong lumapit kay celine at mabilis na hinila siya papunta sa akin.

"Sir adrian, may problema po ba?" Takang tanong ni celine.

Imbis na sagutin ko siya hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak ko sa bewang niya pagkatapos tumingin ng matalim kay liam.

"Don't dare touch my girl again!" Pagbabanta ko kay liam na ikina-ngisi niya.

"Girl? What the fuck adrian, She's just your secretary!"

Pagkasabi niya yon mabilis kong nilagay sa likod ko si celine at mabilis na hinawakan ang kwelyo ni liam.

Love My Job Hate My Boss [On-going]Where stories live. Discover now