Chapter 17:
CELINE P.O.V
Umiiyak akong nagmamaneho ngayon habang pilit kong hinahabol si adrian kahit na hindi ko alam kung nasaan na siya. Nanginginig na ang mga kamay kong nakahawak sa manibela dahil sa takot na hindi ko na makita ang lalaking minahal ko ng sobra.
Napatingin ako sa rearview mirror ng magsalita si mateo, "Ako na lang kaya magmaneho," halata sa mukha niya ang kabang nararamdaman habang mahigpit na nakahawak sa seatbelt na nakasuot sa bewang niya ngunit inikutan ko lang siya ng mata at mas minabuti ko pang bilisan ang pagmamaneho ko ngayon kahit na alam kong hindi ko pamamay-ari ang kotseng ginagamit ko ngayon.
Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ng umalis si adrian kaya hindi na aao nagpatumpik pa, kinuha ko na kaagad ang susi ng kotse ni mateo na nasa bulsa lang niya kaya agad akong patakbong pumunta sa kotse niyang nasa garahe na ng bahay nila kaya ng mabuksan ko ito ay dali-dali na ako pumasok sa loob ng kotse ngunit hindi ko pa nasisimulan paandarin ito ng biglang buksan ni mateo ang pinto ng kotse sa backseat at doon padabog na umupo kaya ng tignan ko siya sa rearview mirror ay matatalim na tingin agad ng mga mata niya ang natanggap ko.
Tumigil na ang mga mata ko sa kakaiyak ngayon habang seryoso ng nakatingin sa daang tinatahak hanggang sa marinig ko nanamang nagsalita sa likod si mateo.
"Iikot mo celine," kinakabahan niyang utos sa akin habang panay ang tingin niya sa likod kaya ginawa ko kaagad ang inutos niya kahit na nakakadagdag ng kaba ang inaakto niya ngayon sa nararamdaman ko.
"Ihinto mo doon sa gilid ng puno." Sabi niya habang nakaturo sa mataas na puno.
Bumilis agad ang pintig ng puso ko ng may makita akong isang kotse na halos basag na ang salamin nito sa harap habang may makakapal na usok ang nagmumula sa harap ng kotse na sa tingin ko ay nasira na din sa pagkakabunggo nito sa puno.
Lumabas na agad ako sa loob ng kotse pagkatapos ko itong ihinto. Nakakailang hakbang pa lang ako ng may mapansin akong isang lalaking walang malay habang ang nakaratay sa lupa kaya tumakbo agad ako papalapit sa kanya kahit na patuloy sa pagtibok ng mabilis ang puso ko ngayon dahil sa kaba at takot na nadarama.
Napaluhod agad ako sa lupa ng makilala ko kung sino ito.
"A-adrian?" Nanginginig kong hinawakan ang noo niyang may dugo bago ko siya niyakap sa baywang ng sobrang higpit.
Hinanap agad ng mata ko si mateo,"Mateo! Si adrian!" Pagtatawag ko sa kanya bago ko sinubukang buhatin si adrian.
"Fuck!" Narinig kong mura niya habang papalapit sa amin.
"Dalhin na natin siya sa hospital," sabi ko habang pagtuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.
"A-anong gagawin mo?" Tanong ko kay mateo ng buong lakas niyang buhatin si adrian.
"Ano pa ba? Edi dadalhin sa hospital!" Sabi niya bago niya dinala sa loob ng kotse si adrian.
Natawa na lang ako ng mahina ng bigla siyang mag stretching ng pagkatapos niyang ilagay sa loob ng kotse si adrian.
"Wag mo akong tawanan kung gusto mo pang umabot ng buhay si adrian sa hospital." Seryosong sabi niya bago siya umupo sa driver's seat.
YOU ARE READING
Love My Job Hate My Boss [On-going]
RomanceCeline Gonzalez is a kind of a beautiful and hot lady her family is one of the most prosperous in their city but one day they will lose all their resources. So she had to work to restore the wealth. She entered a company that was the richest of them...