Chapter 9: Good night
6 pm na ng tignan ko ang oras sa cellphone ko. Nakakainis nga e wala man lang dumadaan na taxi dito kaya sinubukan ko na lang maglakad baka sakaling makakita pa ako. Napahinto na lang ako sa paglalakad ng may humintong sasakyan sa harapan ko.
Naramdaman kong nag-umpisa ng magsitayuhan ang mga balahibo ko dahil sa takot habang pasimple kong tinitignan ang kotseng nasa harapan ko ngayon. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumakbo ng mabilis hanggang sa makakaya ko pero hindi pa rin ako nakatakas dahil sinubukan nanaman niya akong harangin ng kulay itim niyang kotse. Naglakad ako agad papunta sa bintana ng front seat kung saan siya nakaupo bago ko malakas na kinatok 'yon.
Napangiwi na lang ako dahil nakaramdam ako ng pagkahapdi sa mga daliri ko ng mapalakas ang pagkatok sa sobrang inis pero kahit na nasasaktan ako hinampas ko pa rin 'to ng sobrang lakas na ikinangiwi ko lalo. Naiinis na talaga ako dahil ayaw niya akong tantanan kaya sinubukan ko siyang sigawan kahit alam kong malabo niyang marinig dahil sa sobrang kapal ng bintana ng sasakyan niya.
"HOY, BUMABA KA NGA DIYAN! HINDI MO BA ALAM NA LAGOT NA NAMAN AKO SA BOSS KO PAG HINDI AKO NAKAPASOK NG MAAGA BUKAS NG DAHIL SAYO HA?!" Malakas na sigaw ko sa kanya habang nakakuyom ang mga kamao kong handa ng dumapo sa pagmumukha niya.
"Aray!" Napahawak na lang ako sa noo ko ng bigla niyang buksan ang pinto ng sasakyan dahilan para tumama sa'kin yun.
"Doesn't your mouth get tired of your chatter?" Inis na tanong niya sa akin ng tuluyan na siyang makalabas ng kotse.
Lumaki na lang ang mga mata ko ng mapagtanto kong si adrian pala ito, Ang boss kong masungit,seryoso at manyakis. Lumapit siya sa akin para kunin ang kamay ko bago ako hinigit papasok ng kotse. Napapangiwi na lang ako pagkatapos niyang bitawan ang kamay kong namumula na dahil sa paghampas ko kanina.
"Saan mo ako dadalhin?" Inosenteng tanong ko habang siya naman ay nakaupo na sa driver's seat.
"Just close your mouth or maybe you want me to close that?" He told me before he bit his lower lip.
Umiling agad ako bago ko dahan-dahan isinara ang bibig ko. Ang boring nga eh hindi ako nagsasalita buong byahe kaya kumakanta na lang ako sa isip ko. Napakunot na lang ako ng huminto ang sasakyan sa tapat ng 7/11. Napatingin na lang ako kay adrian ng bigla siyang nagsalita.
"do not leave here, I will just buy something." 'Yon lang ang sinabi niya bago lumabas ng kotse.
"Sinama niya lang ba ako para bumili? Abnormal talaga. Psh!" Bulong ko sa sarili ko.
Napaikot na lang ang mga mata ko sa kawalan bago sumandal sa kinauupuan. Nakatingin lang ako sa pintuan ng 7/11 habang hinintay si adrian na lumabas don. Napaayos na lang ako sa pagkakaupo ng makita kong lumabas na siya. May dala siyang dalawang malalaking plastik na sa tingin ko ay mabibigat ang mga nakalagay doon.
Sana naman may pagkain nagugutom na kasi ako eh.
Napatitig na lang ako sa kanya dahil ang angas pala niyang tignan pag iba ang suot niyang damit yung hindi kagaya ng business suit dahil nakasuot siya ngayon ng black na t-shirt hanggang sa suot niyang short at sa suot niyang cup na first time ko lang makitang isinuot niya.
YOU ARE READING
Love My Job Hate My Boss [On-going]
रोमांसCeline Gonzalez is a kind of a beautiful and hot lady her family is one of the most prosperous in their city but one day they will lose all their resources. So she had to work to restore the wealth. She entered a company that was the richest of them...