chapter 6

24 2 0
                                    

Chapter 6: Hate him

CELINE P.O.V

Pagkatapos naming naglaro sa arcades lumibot libot muna kami, kung saan saan nga kami napadpad na halos ikutin na namin tong mall sa paglilibang pero sulit naman dahil walang tigil sa pagkwento si liam tungkol sa kuya niya habang naglalakad kami.

"Alam mo ba nung simulang lumipat siya ng ibang university naging malungkot siya halos hindi nga siya nakakafocus sa mga pinag-aaralan niya kasi ikaw lagi laman ng isip non." Kwento niya sa akin habang nakangiti.

"Paano mo naman nasabi yan?" Tanong ko sa kanya.

Inakbayan niya ako bago tumingin sa akin ng nakangiti,
"Lagi kasi ikaw ang laman ng isip non kaya pangalan mo lang ang laging lumalabas sa bibig non!" Kinikilig na sabi niya sa akin bago ginulo ang buhok ko.

"E ikaw bakit hindi ka pa nagkakaroon ng jowa? Gwapo ka pa naman!" Sabi ko bago tumawa ng mahina.

Nakita ko yung gulat sa mukha niya pero napalitan naman agad yon ng isang nakakalokong ngisi habang nakatingin sa akin.

"Sayo ko lang sasabihin sayo to ha?" Sabi niya bago lumapit sa tenga ko,"Pinagsasabay ko kasi silang lahat kaya hindi ko alam kung sino sa kanila yung true love ko." Dagdag pa niya kaya natawa ako ng malakas.

Tumawa ako ng tumawa bago tumingin sa kanya na seryoso na bago siya pinalo sa braso,"Gago ka ba?! Palibhasa mapaglaro talaga ang mga lalaki, psh!" Sabi ko sa kanya bago sumibangot.

"Wag ka ng malungkot, Biro lang yun!" Sabi niya habang tinutusok ng daliri niya yung braso ko.

"Gusto ko lang malaman mo na hindi magandang biro yon!" Seryosong sabi ko sa kanya.

"Sorry na, alam mo namang hindi ko magagawa yun diba?" Sabi niya sa akin bago nagpuppy eyes.

"Oo na! Oo na! Pinapatawad na kita basta libre mo ko non!" Masayang sabi ko sabay turo sa isang restaurant.

"Gutom ka ulit?" Tanong niya sa akin bago natawa.

"Pinagod mo ako eh." Sabi ko sa kanya bago nagcross-arm.

Narinig kong natawa naman ito bago tumayo para kunin ang kamay ko bago hinila papunta sa restuarant na tinuro ko pwro papasok na sana kami ng biglang may tumawag sa akin.

Love My Job Hate My Boss [On-going]Where stories live. Discover now