chapter 12

9 0 0
                                    

Chapter 12: Hugging you

Kumain muna kami sa isang mamahaling restaurant bago kami pumunta sa red ribbon para bumili ng cake. Gusto niya kasi akong makasama ng matagal kaya sinama niya muna ako sa bahay nila ngayon. 6 pm na ng gabi ng tignan ko ang oras sa bago kong cellphone na binili sa akin ni adrian nung isang araw pagkatapos niyang hinulog sa fourth floor ang cellphone ko. Ngayon ko lang din nakita ang mga messages ni adrian sa akin na halata ang inis sa bawat text niya. Natatakot na tuloy akong pumasok bukas.

From: BOSS KONG MASUNGIT
WHERE ARE YOU?!

From: BOSS KONG MASUNGIT
BAKIT HINDI KA NAGPAALAM SA AKIN?! NASAAN KA NGAYON? PUPUNTAHAN KITA!

From: BOSS KONG MASUNGIT
WHEN I KNOW YOU ARE WITH LIAM NOW, GET READY FOR ME! I'LL PUNISH YOU FOR THAT MS.GONZALEZ.

"Boss kong masungit?" Napatingin ako kay mateo ng bigkasin niya ang contact name ni adrian sa cellphone ko kaya agad ko iyon pinatay.

"So, is it true what liam told me that your boss is really rude?Kapag nakita ko talaga yang boss mong may gawin lang sayong masama sisiguraduhin kong sa sementeryo ang bagsak niya." Nagtatagis ang bagang niyang sabi habang ang mga kamao niya ay nakakuyom na sa galit.

I held his clasped hands so it automatically opened at closing and he looked me seriously in the eyes.

"Report him to me immediately when he hits you or he makes you cry okay? Ako ang makakalaban niya. Remember that! He don't deserve a girl like you." Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin kaya nakita tuloy kami ng mama at papa niya.

"Aba! Aba! Bakit nagyayakapan? Baka may hindi pa kayo sinasabi sa amin? Anak?" Tita mace and tito leo smiled teasingly at us so I immediately averted my eyes because I felt like my heart would come out in no time with too much beating.

Tumayo agad ako para magmano ng lumapit sila sa amin. Kung titignan mo ay mas madaming nakuha si mateo kay tita mace bukod sa moreno niyang kulay ay nakuha niya din ang mapupungay nitong mata habang ang kay tito leo naman ay ang tangkad at mapupula niyang labi.

"Good evening po. Namiss ko po kayo." Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit dahil malapit talaga ako sa kanila noong bata pa ako. Dito kasi ako laging pumupunta sa tuwing wala akong kalaro noong bata pa ako at dito ko din naging kaibigan sila mateo at liam. Sila ang tumayong magulang ko sa mga panahong wala sa tabi ko ang mga tunay kong magulang.

"Namiss ka na din namin. Jusko! Nagmana ka talaga sa mama mo. Alam mo ba na ganyan na ganyan ang itsura niya noong dalaga pa kami? Hindi na ako magtataka kung bakit dumadamoves na sayo itong panganay namin." Sabi ni tita mace habang tinutuksong ngitian si mateo na nasa likod ko ngayon.

"Ma!" Nahihiyang sabi ni mateo habang napapakamot sa batok na tumitingin sa akin.

"Bakit? Anak, kung may balak ka pang ligawan si celine wag mo ng patagalin dahil baka maunahan ka pa ng mga lalaking nagkakandarapa sa kagandahan niya. Sige ka, papangit ang magiging apo ko kapag hindi siya ang napangasawa mo."
I secretly laughed at what he said so mateo just walked into the kitchen because of embarrassment.

Love My Job Hate My Boss [On-going]Where stories live. Discover now