chapter 5

19 3 0
                                    

Chapter 5: Unexpected

CELINE P.O.V

"Sukatin mo to sa fitting room" Sabi ni adrian habang inaabot niya sa akin ang kulay asul na dress.

Tumayo ako sa pagkakaupo at tinignan siya ng nagtataka,"Bakit ko naman susukatin yan ha?" Sabi ko habang naka-cross arm.

"Susukatin mo o ako ang magsusukat nito sayo?" Sabi niya bago ngumisi ng nakakaloko.

Lumaki ang mata ko kaya mabilis kong kinuha yung dress bago naglakad papasok sa fitting room.

"Bwisit!" Bulong ko sa sarili ko bago sinukat ang dress na binigay sa akin ni adrian.

Sobrang ganda nito na bumagay sa hugis ng katawan ko abot hanggang tuhod ko lang ito. Mahilig ako sa mga dress kaya pagnakakita lang ako non papabili ko agad kay mama dahil siya ang madalas kong kasama pagbumibili ng mga damit ko.

"Magaling naman pa lang pumili si adrian ng damit eh." Sabi ko habang naka-harap sa salamin.

Susuotin ko na sanaang palda na suot ko kanina ng biglang bumukas ang pinto. Lumaki na lang ang mata ko at mabilis na tinakpan ang walang saplot kong katawan bago siya tinignan ng masama.

"Tangna! Hindi ba usong kumatok?!" Inis na tanong ko sa kanya.

Imbis na umalis siya sinarado lang niya ang pinto at umupo sa mahabang upuan bago ako tinitigan ng seryoso.

"Gago ka ba?! Umalis ka nga diyan,kita mo namang nagbibihis ako eh!" Bulong na sigaw ko sa kanya dahil baka may makarinig pa sa amin at malaman nilang may kasama akong lalaki dito.

"Kahit itago mo pa yan makikita at makikita ko pa rin yan." Sabi ni adrian bago ngumisi ng nakakaloko.

Napaawang na lang ang bibig ko at mabilis na kinuha yung damit ko na nasa gilid niya. Isusuot ko na sana ito ng bigla akong hatakin ni adrian papunta sa kanya na halos pigilan ko na ang paghinga ko dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't- isa.

"B-bitawan mo nga ako." Nauutal na sabi ko pero imbis na bitawan niya ako mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa bewang ko.

"Paano kung ayaw ko?" Sabi niya bago kumindat.

"Susuntukin kita!" Buong tapang kong sinabi sa kanya na ikina-tawa niya ng mahina.

Sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap niya sa akin ng nagtagumpay ako nagbihis agad ako kahit na ramdam ko ang mainit na titig sa akin ni adrian.inayos ko muna ang sarili ko bago tumingin sa kanya ng seryoso.

"Tapos ko ng sukatin." Sabi ko na ikinatayo niya sa pagkakaupo.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sa akin kaya tumango ako bilang sagot.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad palabas ng fitting room bago ulit pumunta kung saan nakita ni adrian yung dress na pinasukat niya sa akin kanina.

Love My Job Hate My Boss [On-going]Where stories live. Discover now