chapter 11

11 1 0
                                    

Chapter 11: Love At First Sight

Mag-isa lang akong nandito sa loob ng opisina ng pinakamagaling at pinakamasipag kong boss na si ADRIAN. Mas pinili niya pa talagang sumama kay anika kaysa magtrabaho kasama ako. Actually, gusto ko na talagang sabunutan kanina pa yang anika na yan eh lalo na ng hinawakan niya sa leeg si adrian saa loob ng kotse.

Halos pabalik-balik ako sa opisina ng lolo ni adrian dahil nandoon ang mga ibang papeles at mga importanteng papel sa kompanya. Pati yong matandang yun umalis din kanina kaya sa akin muna mapupunta ang mga responsibilidad ng magaling kong boss. Hindi pa ako kumakain ng breakfast simula ng pumasok ako dito dahil sa pagtatago ko sa lolo ni adrian at kay anika.

Maya-maya may narinig akong sunod-sunod na kumatok sa pinto kaya binuksan ko agad ito baka kasi bumalik na ang masipag kong boss. Napasibangot na lang ako ng si anne ang nakita ko at hindi si adrian.

"Hi. Kain tayo?" Sabi ni anne bago ngumiti sa akin ng malapad.

"Hindi pa kasi ako tapos sa ginagawa ko." Sabi ko bago ako nagpilit ng ngiti sa kanya para hindi niya mahalata na nagugutom na talaga ako.

"Kung si adrian ang pinoproblema mo ako ang bahala sayo tsaka 12:46 na oh!" Pinakita niya sa akin ang suot niyang relo. "Hindi ka pa ba kumakain?" Nag-aalalang tanong niya sa akin habang hawak-hawak ang mga kamay ko.

Nginitian ko siya at tumango na lang dahil kilala ko si anne kapag nagyaya siya dapat sumama ka na lang dahil hindi ka niya tatantanan. Mabait si anne siya lang yata ang close friend ko dito sa building na 'to. Nagkakilala kami sa opisina ng lolo ni adrian sabihin na lang natin na secretary siya ng lolo ni adrian.

5'10 yata ang height niya dahil sa sobrang tangkad niya kaya minsan na lang siya nagsusuot ng heels dahil baka daw mauntog-untog siya. Maputi at makinis din ang balat niya habang ang buhok naman niya ay straight at mahaba na abot hanggang pwet niya. Para talaga siyang model kung titignan.

Dinagdagan ni adrian ang sweldo ko nung isang araw kaya may pambili ako ngayon ng pagkain sa isang mahahaling restaurant. Nagtaka nga akong kung bakit niya dinoble ang bayad niya sa akin pero ang sabi niya ay dahil daw yon sa pag-angkin niya sa katawan ko.

"Ang manyak niya talaga."

Napatigil na lang ako at napaawang ng unti ang bibig ko ng masabi ko ang dapat na nasa isip ko lang. Nanlaki ang mga mata ni anne sa sinabi ko kaya patago kong kinurot ang balat ko sa braso. Mabuti na lang at nandoon pa kami sa labas ng restaurant na pupuntahan namin kaya siya lang ang nakarinig ng sinabi ko.

"Sinong manyak?" Tanong sa akin ni anne na pra bang takot na takot habang tumitingin sa paligid namin.

Natawa ako ng mahina sa inakto niya, "Hey,hey,hey! Calm down. Joke lang yun. Ikaw naman masyado kang oa diyan." Sabi ko bago ko siya pabirong pinalo sa braso na ikinahinga niya ng maluwag.

Inayos niya ang suot niyang kulay asul na palda bago ako tinignan ng nakapout, "Wag mo nga akong biruin ng ganyan! Pasalamat ka love kita." Sabi niya bago ako hinila papasok sa restaurant.

Nagtatawanan at nagkwekwentuhan kaming dalawa habang kumakain hanggang sa may tinanong siya sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"So, kamusta kayo ni adrian? Nililigawan ka na ba niya ha?" Tanong niya sa akin habang tinutusok-tusok niya ang tagiliran ko na para bang nang-aasar.

Love My Job Hate My Boss [On-going]Where stories live. Discover now