Chapter 19:
"Kapag may nangyari sa baby at asawa ko, be prepared because i myself will kill you, bitch!"
"Asawa? Baby? Hahaha! I thought I was your wife I mean your FUTURE wife but you like this bitch more than me."
Hindi ko makita ang dalawang taong nag-uusap pero kilala ko ang mga boses nila dahil pamilyar sa akin. Sinubukan kong tanggalin ang nakapiring sa mata ko pero hindi ko magawa dahil pati ang mga kamay at paa ko ay nakatali sa inuupuan ko ngayon.
"Adrian?" Sinubukan kong tawagin si adrian dahil malakas ang pakiramdam ko na siya ang kausap ng babaeng kanina ko pa naririnig na sumisigaw.
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil may narinig akong mga yapak ng sapatos na papunta sa direksyon ko kaya ganon na lamang ang pag hawak ko ng mahigpit sa taling nakasuot sa kamay ko.
Nahihilo pa rin ako sa amoy ng panyong ginamit sa akin kanina na para bang nasusuka ako sa tuwing naalala ko ang masamay amoy non. Maya-maya ay may nagtanggal ng biglaan sa panyong nakatakip sa mga mata ko na pati ang leeg ko ay sumakit dahil kulang na lang ay sumama ito kanina sa biglaang pagtanggal ng panyo sa akin.
Hinanap agad ng mga mata ko si adrian na natagpuan kong nakaupo sa harapan ko habang ang mga kamay at paa niya ay nakatali sa upuan na katulad ng sa akin. Napalunok ako ng patago dahil nakita ko ang mga mata niyang nakatingin lang sa akin na para bang handa ng lumuha sa ano mang oras.
"Ang landi niyo talaga. Nakidnap na nga kayo, may lakas na loob pa kayong magtitigan sa isa't isa!" Sabi ni anika na napapasabunat na lang sa sariling buhok niya dahil sa inis na nararamdaman.
"Inggit ka lang!" Sigaw ko sa kanya bago ko siya nginisian.
*PAK!*
Isang malakas na sampal agad ang natanggap ko sa kanya kaya sinamaan agad ng tingin ni adrian si anika na nakangising nakatingin sa akin ngayon. Humigpit ang hawak ko sa taling nakasuot sa akin ngayon.
"One more slap on me, be ready, dahil kapag ako na ang nagsampal sa makapal mong mukha pati ulo mo matatanggal." Sabi ko sa kanya ng seryoso na tinawanan lang niya bago niya hawakan ng mahigpit ang buhok ko kaya napapikit agad ako ng maramdaman ko ang mga buhok kong nabubunot sa tuwing hinihigpitan niya ang paghawak doon.
YOU ARE READING
Love My Job Hate My Boss [On-going]
RomanceCeline Gonzalez is a kind of a beautiful and hot lady her family is one of the most prosperous in their city but one day they will lose all their resources. So she had to work to restore the wealth. She entered a company that was the richest of them...