Chapter 1: Meet my boss
Nakatingala ako ngayon sa mataas na building kung saan ako magtratrabaho. Papasok na sana ako sa loob ng biglang may nanguna sa pagpasok ko at binunggo pa ako.Dahil sa ginawa niya nahulog ko ang hawak kong folder na may lamang papeles at nagkalat iyon sa sahid.
"What the----hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Look what have you done. Stupid!" Matapang na sabi ko pagkatapos pinulot ang mga nagkalat na papel sa sahig.
Pagtayo ko buong tapang kong hinarap ang bumunggo sa akin. Napatitig na lang ako dahil sobrang gwapo pala nito ngunit pinilit ko parin magsalita at magreklamo sa ginawa niya kanina. Dahil sa ginawa niya baka hindi ko na maabutan yung boss nila dito.
"Ano? Magtititigan na lang ba tayo dito ha?!" Pasigaw na sabi ko ngunit seryoso lang itong tumingin sa akin na para bang wala akong kwentang kausap.
Naka-business suit to halatang dito siya nagtratrabaho pero wala akong pake kahit dito pa siya nagtratrabaho dahil mas nangibabaw ang galit na nararamdaman ko.
"Fyi, your the one who staring at me so stop being idiot." walang emosyong pagkakasabi niya.
I rolled my eyes, " Bahala ka nga diyan bakla." Sabi ko lalampasan ko na sana siya ng bigla niyang hilain ang braso ko.
"What did you say?" Maotoridad na tanong niya.
"Ang alin yung bakla? Oh wait don't say na hindi mo alam ang ibig sabihin nun. Sige explain ko sayo ha? Yung para bang barbie. Ganto oh!" kinaway kaway ko ang kamay ko habang nasa bewang naman yung isa na para bang nagmomodel."Like this oh. Ay, barbieee! Ganern!" Sabi ko habang tinapik-tapik yung dibdib niya.
Ay, ang tigas!
Natigil ang pagtapik ko sa dibdib niya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Walang sa sariling binawi ko ang kamay ko na nakahawak sa dibdib niya dahil naramdaman kong nagsimula na ang pag-init ng pisngi ko.
"Don't you dare to touch me again barbie." Sabi ko habang umiiwas ng tingin sa kanya.
"Nevermind." Sabi niya pagkatapos tumalikod sa akin at nagpatuloy na sa paglakad.
"Problema nun? Barbie talaga, hays." Bulong na sabi ko pagkatapos lumapit na ako sa elevator na malapit lang sa direksiyon ko.
Pinindot ko agad ang number 5 pagkatapos pumwesto ako sa gilid ngunit wala pang isang minuto bigla na lang bumukas ang pintuan ng elevator at niluwa nito ang masungit na lalaking bumunggo sa akin.
Minamalas nga naman.
Pinindot niya ang 5 na ikinataka ko dahil doon din ang pupuntahan ko. Hindi ko na lang iyon pinansin pagkatapos niyang pindutin yun. Nahuli ko siyang lumingon sa akin kaya agad ko siyang inikutan ko ng mata. Naglakad lang siya ng seryoso papunta sa likod at doon pumwesto.
"So, dito ka pala maga-apply ng trabaho?" Pagbabasag niya sa katahimikan.
YOU ARE READING
Love My Job Hate My Boss [On-going]
RomanceCeline Gonzalez is a kind of a beautiful and hot lady her family is one of the most prosperous in their city but one day they will lose all their resources. So she had to work to restore the wealth. She entered a company that was the richest of them...