chapter 16

12 1 0
                                    

Chapter 16: Promise?

ADRIAN P.O.V

Nakaubos na ako ngayon ng limang bote ng alak sa loob ng mini bar kung saan lagi akong pumupunta kapag sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Napapahampas na lang ako sa mesa sa tuwing naaalala ko ang mga katagang sinabi ko kanina kay celine lalo na ng marinig ko ang iyak niya na kahit hindi ko siya nakikita alam kong nasaktan ko siya ng sobra-sobra.

Nakasuot ako ngayon ng black cap at black face mask dahil ayokong nakikita ng iba ang kahinaan ko at ang mga luhang pumapatak sa malungkot kong mga mata na tanging kay celine ko lang ipapakita. Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang umilaw yon kaya agad ko itong kinuha at mabilis na sinagot yon na nagbabakasakaling si celine ang tumatawag.

"Adrian? Where are you?! Pumunta ako ngayon sa mansion niyo pero wala ka don. Text me your location, I will follow you." I felt my tears dripping when I did not hear celine's voice that she should be the one sending me home but because of what I did to her it will never happen again.

"Pabayaan mo na lang ako anika, please? Just go to sleep and please don't tell lolo that I'm not at home yet." Walang lakas na sabi ko sa kanya habang nakayuko dahil nakakaramdam na ako ng pagkahilo.

"Okay but just make sure you don't go to celine if you still want to see her alive. By the way, bukas na pala tayo maghahanap ng simbahan for our wedding kaya dapat maaga tayo bukas dahil may gagawin----"

"Fine, I'll be home early. Bye." I immediately turned off my cellphone before I broke it with just my hand. I tightened my grip on it until the screen shattered.

Tatlong bote pa ang ininom kong alak kaya walo lahat ang naubos ko ng hindi lo namamalayan. Kumuha pa ako ng dalawa para saktong sampo na. Naantok na ako pero gusto kong makita at mahawakan manlang si celine ngayong gabi dahil baka mabaliw na ako kapag hindi na kinaya ng sarili ko.

Agad akong napahawak sa pader ng biglang lumabo ang paningin ko pero hindi dahilan yon para hindi ko mapuntahan si celine ngayong gabi kaya mariin ko munang ipinikit ng ilang segundo ang mga mata kong namamaga na sa kakaiyak bago ko ulit iminulat yon para maglakad palabas ng bar. Minaneho ko kaagad ang kotse ko patungo sa bahay ni celine kahit na lumalabo ang paningin ko dahil sa pagkahilo.

I drove even faster until I got to the front of celine's mansion. I immediately got out of my car but I immediately stopped walking when I felt dizzy again. I was wondering that I did not see a single light turned on inside celine's mansion so I did not hesitate to go inside.

"Celine? Celine? Celine?!" Pagtatawag ko sa kanya pero walang lumabas na celine na kahit anino wala akong nakita kaya napasipa na lang ako sa sofa dahil sa inis.

"Bullshit!" Napasigaw ako ng wala sa oras. Nag-echo naman ang boses ko sa loob ng mansion kaya dali-dali akong lumabas para puntahan si celine sa bahay ni mateo dahil alam kong nandoon siya sa bahay ng lalaking yun.

Nakakuyom ang kamao ko habang naglalakad bago ako padabog na sumakay sa loob ng kotse. Sobrang sakit na ng ulo ko habang ang mata ko naman ay lumalabo pero pinilit ko pa ring hanapin si celine para humingi ng tawad at kausapin siya ng masinsinan kahit na alam kong hindi siya papayag sa gusto kong mangyari.

Napahinto agad ako sa pagmamaneho sa harap ng isang kanto ng makita ko sila celine at mateo na nagyayakapan habang masayang kumakain ng hawak nilang ice cream kaya napahawak agad ako ng mahigpit sa manibela habang ang mga mata ko ay umiiyak nanaman.

Minaneho ko ng mabilis ang kotse ko at doon mismo sa harapan nila ako tumigil. Kitang-kita ko agad ang gulat sa mukha nilang dalawa habang hinihintay akong bumaba kaya ng binuksan ko ang pinto ng kotse ko ay agad akong sinalubong ng isang malakas na suntok ni mateo hanggang sa maramdaman kong may dugo ng lumalabas sa bibig ko.

Love My Job Hate My Boss [On-going]Where stories live. Discover now