Chapter 14: Double date
Maaga akong nagising kaninang umaga kaya siguro mga 7:15 ay nandito na ako sa opisina ni adrian. Nakaupo lang ako ngayon sa swivel chair habang hinihintay si adrian. Naboboring na ako kaya nilibang ko muna ang sarili ko sa cellphone. Isang text message agad ang natanggap ko galing kay adrian at mateo. Magrereply na sana ako kay adrian ng biglang bumukas ang pintuan sa opisina kaya agad akong napaayos ng upo.
Napatigil ako ng makita ko si mateo na kasama si adrian na seryoso lang nakapamulsa habang nakatingin sa akin. Nakakailang man pero sinubukan ko pa rin silang batiin ng good morning.
"Good morning sa inyong dalawa." Ngumiti ako ng pilit.
"Never good in the morning." Seryosong sabi ni adrian bago naglakad papunta sa table niya.
"Good morning din. Kumain ka na ba? Gusto mo--"
"Papasok ba 'yan ng maaga kung hindi nag almusal." Pagpuputol ni adrian bago umupo at tignan ng seryoso si mateo.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko." Sabi naman ni mateo habang matalim na nakatingin kay adrian.
"I don't even care." Sabi ni adrian habang pinapaikot sa daliri ang ballpen na nasa kamay niya.
"B-bakit ka pala nandito mateo?" Sabi ko bago lumapit sa kanya na ikinakunot ng noo ni adrian.
"P-pwede ba kitang i date mamayang lunch?" Nahihiyang sabi ni mateo kaya ngumiti ako bago tumango. Liliwanag na sana ang mukha niya sa saya ng umepal nanaman si adrian.
"You want to date my girlfriend?" Sabi ni adrian bago tumayo para lapitan si mateo kaya agad akong pumagitna sa kanilang dalawa dahil baka magkaroon pa ng world war 3 dito sa loob ng opisina.
"Girlfriend mo si celine? Since when? Ang nabalitaan ko kasi kanina ay ikakasal ka na daw sa panganay na anak ng morales." Ngumisi ng nakakaloko si mateo kay adrian kaya susuntukin na sana siya ni adrian ng biglang bumukas ang pinto at bumungad si anika na may dalang paper bag na dalawa.
Nakita kong napatigil at nagulat siya sa nakikita niya ngayon pero binalewala niya na lang ito at mabilis na pinuntahan si adrian na parang hindi nakita ang kamao niyang nakataas.
Niyakap niya ng mahigpit si adrian kaya agad akong napaiwas ng tingin. "Hi, babe! I have something for you." Sabi ni anika habang nilalabas ang nasa loob ng paper bag na dala niya.
"Are you anika morales?" Tanong ni mateo kay anika ng makalapit siya.
Tumigil sa ginagawa si anika para tignan si mateo. "Yes, and you are?" Tinignan ni anika mula ulo hanggang paa si mateo.
"I'm mateo alvarez, celine's real boyfriend." Sabi ni mateo bago nginisian si adrian habang kami naman ni anika ay nagulat sa sinabi niya.
"W-what do you mean? May kaagaw ka kay celine? My god! Ang haba din pala ng buhok neto." Sabi ni anika kaya patago ko siyang inikutan ng mata.
"Yeah." Mateo said while still looking at adrian.
"So, who's the fake one?" Tanong ni anika bago pinagpatuloy ang ginagawa.
"Siya." Sabi ni mateo habang nakaturo kay adrian. Nagulat kaming dalawa ni adrian kaya bago pa makita iyon ni anika ay binaba ko na agad ang daliri niya. Mabuti na lamang ay naka talikod siya dahil siguradong hindi lang world war 3 ang mangyayari dito kundi end of the world na.
YOU ARE READING
Love My Job Hate My Boss [On-going]
RomanceCeline Gonzalez is a kind of a beautiful and hot lady her family is one of the most prosperous in their city but one day they will lose all their resources. So she had to work to restore the wealth. She entered a company that was the richest of them...