CHAPTER 2
Nagising ako sa ingay ng selpon ko. Nakatulog ako dito sa sofa kaharap ng hospital bed ni inay.
Unknown number calling...
Agad ko itong sinagot.
"Go to my condo 7PM. And wear your best dress." Ito yung boss kanina, di ko pa din alam ang pangalan nya.
"Wala akong dress..." Sagot ko dito.
"What? My god for real?" Shock na tanong nito kaya napalabi ako, di naman kasi ako mahilig dun tsaka wala akong pambili.
"Right. Come to my condo 6PM, you'll change there."
"Okay salamat. Para san pala yan?" Tanong ko, bakit kailangan nakabihis.
"We'll meet my parents later,so don't be late." Kalmadong sabi nya.
"Ano?! Bakit ngayon agad? Di pa kita kilala ano nalang sasabihin ng magulang mo?!" Mahinang sigaw ko dahil natutulog si nanay.
"The dinner will start at 9PM so we have enough time to practice." Luh? Practice talaga? Meganun?
"Oh sige, k-kinakabahan ako!" Nanginginig kog sambit.
"Don't worry kasama mo ako." Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero naging panatag ako sa sinabi nya.
"Sige uuwi muna ako ng bahay maliligo muna ako." Sabi ko.
"What? Where are you now? You're not in your house?" Medyo inis na sabi nito."Wala, nasa hospital ako. Binabantayan si nanay."
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kapatid ko galing skwelahan.
"Mabuti nandito ka na Ellise, ikaw muna magbantay kay nanay ha. May pupuntahan lang ako." Sabi ko.
"San ate?" Tanong ng kapatid ko.
"Trabaho." Sabi ko tsaka ngumiti. Tumango ito tsaka ngumiti din.
Nang nakauwi ako ay agad akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay sumakay na ng jeep patungo sa condo ng boss ko.
Nang nakapasok ako ay bumungad sa akin ang dalawang bakla at hinila ako.
"Suotin mo 'to Darling, para mamake upan ka na namin." Sabi nung mahabang buhok na bakla.Nang itulak nya ako sa kwarto ay agad akong nagbihis.
Maganda ang dress, kulay dark blue na nakahapit sa mahubog kong katawan. Medyo di ako sanay dahil halos lumuwa ang dibdib ko dito. Pero ayos pang maganda naman ang dress. May slit pa ito sa leg leg kaya kita ang makinis kong balat.
Biglang bumukas ang pinto at inuluwa non si boss. Napanganga pa ito sa itsura ko.Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. Makikita mo talaga ang kislap sa mga ito.Lumapit ito sa akin.
"You look beautiful... and stunning." Sabi nya kaya pinamulahan ako ng pisngi.
@DullRainbowxx
BINABASA MO ANG
TWS#1: Mr. Billionaire's Substitute Wife (COMPLETED)
General Fiction|unedited, grammatical errors| THE WIFE SERIES #1: MR. BILLIONAIRE'S SUBSTITUTE WIFE - Are you willing to take a risk for being a substitute wife of a billionaire? REACHED TOP #1 BILLIONAIRE