#MBSW19
CHAPTER 19
Alam kong kanina pa umalis si Zed. Kaya mabilis akong nag impake at naghanap ng taxi.
Mabuti nalang at may pera pa ako. Sahod ko ito kay Zed pero tinago ko lang ang iba.
Tinext ko sila nanay na may pupuntuhan lang ako at matagal tagal akong babalik dahil importante ang aking gagawin.
Pero ang totoo ay umalis ako sa condo ni Zed. Hindi ko kayang maging kabit!
Pakiramdam ko kasi magbabalikan na sila at ako ang kawawa.
Mas mabuti ng umalis ako at lumayo sa kanya.
Alam kong madali lang nya ang akong mahanap pero sisiguraduhin kong hindi!
Sobrang sakit na kasi!
Mahal ko na sya! At alam kong hindi iyon masusuklian ni Zed lalo na ngayong bumalik na ang asawa nya.
Pilit kong wag maiyak dahil kailangan ko maging matapang.
Hindi ko alam kung san ako pulunta pero kakayanin ko. Haharapin ko ang mga pagsubok.
Naalala ko ang lugar na ito. Dito kami noon nakatira nung di pa kami iniwan ni tatay pero wala na kaming bahay dito.
Kaya naisipan kong maghanao ng marerentahan. Mabuti nalang at may mga mura at magagandang renta dito kaya mabilis lamang akong nakapili.
Nilinis ko muna ang isang maliit na kwarto na kasya lamang sa akin.
Nang mapagod ako ay umupo ako sa kayawang kama at hinimas ang tiyan ko.
"Kapit ka lang dyan baby ha, stress masyado si Mommy." Mahinang bulong ko habang hawak ang maliit na umboo sa tiyan.
Napaiyak nalang ako dahil hindi man lang nalaman ni Zed na buntis ako at sya ang ama.
To be continued.
BINABASA MO ANG
TWS#1: Mr. Billionaire's Substitute Wife (COMPLETED)
General Fiction|unedited, grammatical errors| THE WIFE SERIES #1: MR. BILLIONAIRE'S SUBSTITUTE WIFE - Are you willing to take a risk for being a substitute wife of a billionaire? REACHED TOP #1 BILLIONAIRE