CHAPTER 14
"Date tayo." Sabi ni Zed habang yakap yakap ang hubad kong katawan. Bago pa lang kaming natapos at ilang rounds din ang nagawa namin.
Nabigla ako sa sinabi nito? Totoo date?
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
'Wala lang, ayaw mo?" Tanong nito sabay ngisi.
"Bukas na ba yan?"
"Oo. Ano gusto mo ba?" Tanong ulit nito kaya tumango nalang ako.
"Matulog na tayo para maaga pa tayo bukas." Tumango ulit ako at sumiksik sa sakanyang leeg at natulog na.
-
Nagising ako na para may hinalukay sa tyan ko.Mabilis akong tumakbo sa lababo at sumuka. Ang bigat ng pakiramdam ko.
Naramdaman kong may nag-alalay sa akin at hinihimas ang likod ko habang nagsusuka.Nang matapos ay naghilamos nalang ako at napatulala.
"Ayos ka lang?"
Tanong ni Zed na ngayoy nag-alala na sa akin.Tumango lang ako at ngumiti.
"Medyo mabigat lang ang pakiramdam ko."
Kinakabahan ako sa naisip kong dahilan kung bakit ako nagsusuka.
"Tara na kain na tayo." Sabi nito at hinila ako pababa patungo sa kusina.Nakahain na ang pang umagahang pagkain sa lamesa.
"Ikaw ang nagluto?" Tanong ko at ngumiti sya at tumango.
"Ang sarap naman." Sabi ko habang nguya ang steak, ang sarap sarap naman nito!Di lang ako ngayon nakatikim nito pero bat parang sumarap pa lalo?!
"Gusto ko pa ng steak." Sabi ko sabay nguso kaya binigay ni Zed ang steak nya sa akin.Agad ko itong kinain at nilamnam!
"Ang takaw mo naman ngayon." Sabi nito at tumawa ng mahina.
"Nagugutom lang ako!" Sabi ko at tumawa lang ulit sya.
"Bilisan mo dyan at aalis na tayo. Tagal mong gumising,tanghali na." Sabi nito.
"Pinagod mo kasi ako kagabi." Namula naman ako bigla.
Kinikilig ako!
Iba talaga ang feeling ko ngayon e!
Kaya pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami.Nagsuot lamang ako ng kulay white na dress na hapit sa katawan ko at white na doll shoes.
Alas 2 na ng hapon ng makarating kami sa mall.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.
"Manonood tayo ng sine." Sabi nito.
"Pero bakit close pa? Alas 2 naman na?"
"Don't you know that I am a billionaire, do you?" Tanong nito kaya nagulat ako!
"Ganto ka kayaman?!" Manghang sabi ko. Tumango lang sya at pumili na ng movies.
Pagpasok namin ay kami lang talaga ng dalawa!
@DullRainbowxx
BINABASA MO ANG
TWS#1: Mr. Billionaire's Substitute Wife (COMPLETED)
General Fiction|unedited, grammatical errors| THE WIFE SERIES #1: MR. BILLIONAIRE'S SUBSTITUTE WIFE - Are you willing to take a risk for being a substitute wife of a billionaire? REACHED TOP #1 BILLIONAIRE