#MBSW18
CHAPTER 18
Tatlong araw na ang lumipas simula nung nagpakita ang asawa ni Zed sa amin.
Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakamove on!
Sa porma palang nito ay halatang mas lamang ay may pinag-aralan. Samantalang ako ay highschool lamang ang natapos dahil sa kahirapan.
Pero wala syang karapatang husgahan ako ng ganun!
Tatlong araw ko na ding nararamdaman ang panlalamig sa pakikipagtungo sa akin ni Zed.
Lage nalang itong busy at maraming ginagawa.
Hanggang ngayon ay di pa sya umuuwi at maaga naman itong umaalis.
Nakatulog naman ako sa kahihintay ay wala parin sya.
Tanghali na ng bumukas ang pintuan. Masaya ko dyang sinalubong ngunit parang hkndi yata maganda ang mood nya.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko rito.
Tumango ito sa akin.
"Sorry, I just need some things to fix. Can you wait?" Sabi nito kaya tumango ako.
Hindi ko alam pero nasasaktan ako! Hindi ako sanay sa ganito.
Nagmukmok lamang ako sa silid namin at sya naman ay nasa mini-library, sobrang busy.
Nang dumating ang gabi ay bumaba na ako para kumain pero may narinig akong nag-uusapan.
"At bakit?! Mahal pa kita? Hindi mo ba ako mahal?" Tanong ng babae.
Pamilyar ang kanyang boses!
Sinilip ko kung sino ang kausap ni Zed pero napatakip nalang ako ng bibig ng makita kong naghahalikan silang dalawa!
Mabilis akong tumakbo sa kwarto at umiyak ng sobra.
Bakit ang sakit? Sobrang sakit talaga!
Wala naman akong karapatang magalit sa babae dahil asawa nya ito at mas may karapatan sya sa akin!
Napaiyak nalang ako ng sobra, parang pinipiraso ang puso ko dahil sa sobrang sakit.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak.
To be continued.
BINABASA MO ANG
TWS#1: Mr. Billionaire's Substitute Wife (COMPLETED)
General Fiction|unedited, grammatical errors| THE WIFE SERIES #1: MR. BILLIONAIRE'S SUBSTITUTE WIFE - Are you willing to take a risk for being a substitute wife of a billionaire? REACHED TOP #1 BILLIONAIRE