"Gagi! Mabuti naman at nakipagkita ka! Akala ko patay ka na. Sayang libreng tinapay at kape na rin iyon." pinalo ko ang braso niya nang mahina sa sinabing kalokohan."Iba-ban kita sa araw ng lamay ko! Hindi kayang pakainin ng pamilya ko ang matakaw na gaya mo!" biro ko pabalik sa kaniya at nasaksihan ang pag-haba ng guso nito na parang pato.
"Gagi! Same features fly together daw. Kaya huwag kang magtaka kung matakaw ako, dahil matakaw ka rin naman!" nagbelat siya sakin playfully. Parang bata lang. At-ano raw? Same features fly together? Nakakabaliw ang mga linyahan niya. Saan nanaman kaya niya ito narinig?
"Hindi 'same features fly together babe', 'birds of the same feathers, flock together'. Iyon ang pagkaka-alala kong tama na bersyon." pagwawasto ko sa kanya.
"Ay! Ganoon pala iyon? Malay ko ba? Narinig ko lang iyan sa kapitbahay naming balikbayan, akala ko naman tama ang grammar niya kasi naman... galing amerika! Pasikat lang pala iyon!" nakasimagot niyang saad habang magkasalubong ang mga kilay dahil sa pagkunot-noo nito.
"Mag-aral ka lang ng mabuti babe, matututunan mo rin ang mga iyan. Hindi mo naman kailangang magmadali. Isa pa nandyan naman si Daniel para suportahan ka." pagpapalakas ko ng loob niya.
Pitong taon na kaming magkaibigan ni Miyuki. Naging kapit bahay namin sila noon sa una naming inupahang bahay. Sa ilang pagkikita namin ay agad kaming nagkagaanan ng loob sa isa't-isa, kung kaya tumagal ang pagkakaibigan namin hanggang ngayon.
Anak siya ng isang bayarang babae. Pero kahit ganoon ang sitwasyon niya, hanga ako sa kanya. Napakatapang niya, higit sa lahat may pangarap siya.
Nagsikap siyang kumayod ng pera para sa pag-aaral niya, pati narin sa mga kapatid niya. Kaya nga lang, inuna niya ang mga kapatid na makatapos ng pag-aaral. Itinigil ang sariling edukasyon sa mga panahong iyon, para kumita ng perang ipantutustos sa kanila.
Sobrang saya ko nang malaman na may nakakitang isang tao, sa kung paano ko nakikita ang matalik kong kaibigan. Si Daniel, ang aussie niyang nobyo. Nalulugod ako, na may nagpapasaya na sa kaibigan ko.
Kahit na iba ang paniniwala ko pagdating sa bagay na ito, hindi ibig sabihin noon na ipipilit ko paninindigan ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Malaya silang gawin ang nais nila at tingin nilang tama, susuportahan ko sila hanggat kaya ko.
"Maiba ako, maligayang-bati nga pala sa bagong bahay niyo!"
"Salamat," malapad ang iginawad kong ngiti sa kanya bago inumin ang soda na kabubukas lang.
"Ngayong nakabili ka na ng bahay... anong plano mo?"
"Hmmm... Ede iyong dati," kibit-balikat kong sagot.
"Twine... hindi naman sa pinangungunahan kita o anuman, pero parang kabaliwan kasi iyang iniisip mo." napuna ko ang pag-aalala sa mukha niya.
Masaya akong malaman na, may kaibigan akong may pakialam sakin. Kaibigang nag-aalala para sakin. Kaya nga, isa siya sa mga naging inspirasyon ko at dahilan kung bakit ako nagsusumikap na malutas lahat ng suliranin ko sa buhay.
Naiintindihan ko naman siya. Alam kong, nag-aalala siya para sa kaligtasan at siguridad ko. Pero wala naman akong nakikitang malaking kapanganiban sa gagawin ko, nothing that I can't handle. Isa lang naman itong simpleng pakikipagtalik sa isang estranghero para mabuntis.
"Bakit mo naman nasabing kabaliwan ito? Babe, sa panahon ngayon ito na nag bagong reyalidad. Maaari kang mabuntis ng walang ugnayang mamamagitan, kailangan mo lang lumandi. So why not take advantage of it? Ang iba nga diyan binubuka lang ang mga hita nila at nagpapakalunod sa sarap, pero hindi naman kayang panindigan ang bunga. Iba ako sa kanila, handa akong mabuntis kahit walang manindigan sakin at hindi ko hahayaang magpakaama sila sa magiging bunga. It will be mine alone." tinitigan niya ako saglot bago huminga ng malalim at uminom sa soda niya.
BINABASA MO ANG
Luscious Kisses of Dawn (KS #1) [ON-HOLD]
RomanceA romance in a rollercoaster ride of twisted fate and bed of needles. Note: R-18, Read at your own risk fellas! ;-) Started: June 12, 2020