Kabanata XXVII

173 7 1
                                    

Matalim kong tinititigan ang mangga na nasa platito, habang ako ay nakaupo.Kakatapos ko lang itong i-slice pero di ko pa natitikman dahil sa may bumabagabag sa isipan ko.

The woman... I think I saw her somewhere. Pilit kong inalala kung saan ko nakita ang babae na kausap ngayon ni Cali.

Matapos ang malalim na pagiisip, naalala ko na rin kung saan ko siya nakita. Sabi na, that's why parang familiar siya sakin kasi siya yong babaing nakaagaw ko noon sa isang lalaki sa bar. The one where we had a kissing battle.

But, anong ginagawa niya dito?

Magkakilala sila ni Cali?

Napakagat labi ako sa subrang frustration.  Sino siya sa buhay ni Cali? Siya kaya yong fiancee niya? The hell!

Para akong sinilaban sa pwet at tumayo kaagad sa upuan. Kabado kong tinahak ang daan na dinaanan nila kanina. Where are they?

Ilang liko narin ang nagawa ko bago ko narinig ang kanilang mga tinig sa di kalayuan. Pakiramdam ko, bawat hakbang na aking ginagawa ay pabigat ng pabigat. Kinakabahan ako ng subra, baka mahuli nila akong nakikinig sa usapan nila. I'll be dead by then.

"Babe ditch her!" napahinto ako sa paglapit nang marinig ang malakas na sigaw ng babae.

"Dapat noon palang tinapon mo na siya! Did you fall for her Cali?! Did you? Remember our deal! One wrong move Cali walang mangyayaring kasalan!" yong kaba na nararamdaman ko kanina ay tila naglaho at napalitan ng kakaibang emosyong di ko mapanggalanan.

Unti-unting napatakip ang aking kamay sa bibig ko para pigilan ang anumang ingay na nais kumawala sa bibig ko. Gusto kong magtanong kasi naguguluhan ako. But, I know they are talking about me and that idea makes me uneasy.

"Lower your voice Peny! She might hear you!" galit na bulong ni Cali.

"Bakit? Takot kang malaman niya ang lahat? Na ginagamit mo lang siya for me to marry you?" naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko at paghapdi ng gilid ng aking mga mata. Ano itong mga naririnig ko?

"I did this for you! Ito naman ang gusto mo diba? You want me to ruin her for whatever foolish reason you have!" parang nabibingi ako sa mga naririnig ko. Ramdam ko ang kabog ng puso ko sa dibdib ko. I glenched my fist.

"I told you to ruin her, not fall for her!"

"She's nothing," napasinghap ako ng bahagya and held my head to the sides with my two hands, disbelievingly looking at the door.

Tuloyan nang naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Gusto kong umiyak, sumigaw at magmura. Pero, ang tanging nagawa ko lang ay tignan ang pinto kung saan ilang hakbang lang ang agwat nila sakin.

"Then break her, I dare you!" dama ko ang inis sa boses ni Peny.

Sino ba siya? Bakit gustong gusto niya akong saktan? What did I even do to her?

I turned around at pinunasan ang luha na dumadaloy sa pisngi ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga, naninikip ang dibdib ko. I have to get out of here!

Nagmamadali kong tinungo ang kwarto ni Cali. With blurry eyes and shaky hands I give my best not to cry aloud habang sinusuot ang dress ko kagabi. Pilit kong pinigilan ang nagbabadyang mga paghikbi ko.

I knew we were playing fire, but I didn't know it was all planned. Pakiramdam ko pinaglaruan lang ako nilang dalawa just to get what they want.

Shit!

Nalilito na ako!

Why? Why do they want to break me? Anong atraso ko sa kanila?

Nagmamadali akong tumakbo palabas ng bahay at papunta sa kotse ko. Throwing lahat ng gamit ko sa loob. I got inside slamming the door shut at agad pinaandar ito.

Luscious Kisses of Dawn (KS #1) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon