Kabanata XXI

235 33 0
                                    

Napagdesisyonan namin ni Cali na magdinner date mamayang gabi sa isang bagong bukas na resto. Kaya naman hindi ko mapigil ang ngiti ko na siya namang napansin ng mga katrabaho ko.

Sabi nila parang may kakaiba daw sakin these past few days. Parang mas gumanda at naging blooming daw ako. Nginingitian ko nalang sila at nagthank you sa mga complement na binibigay nila sakin. While I push off their questions, ayaw kong sagutin ang mga tanong nila.

"Who is the lucky man, Twine?" nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko. Nasa mini kitchen ako ng office namin, nakaupo sa two sitter table at nakatanaw sa mga building at kalangitan mula sa glasswall.

Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Vincent na nagtitimpla ng kape. Hindi ko siya pinansin at nagfocus lang sa tanawing nasa harapan ko.

"Siguro mayaman siya at maraming pera? Gwapo ba?" dagdag pa niya at naupo sa upuang nasa harapan ko.

I lean back the chair at tinignan siya. Pilit kong sinasala ang sinabi niya. Iniinsulto ba niya ako?

"Bakit ka nagtatanong?" I asked him at pinagcross ang braso ko sa harapan ko.

"Just curious kung anong klase ng lalaki ang makakakuha ng atensiyon mo, na kahit ako hindi ko maabot-abot," I saw him smirk.

"Sinabi ko na sayo ang dahilan ko kung bakit kita binasted,"

"Ah, you don't want a boyfriend or a man beside you 'yon ba?" uminom siya ng kape niya habang tinititigan ako.

"Precisely,"

"Then what about him?" taas ng kilay niyang tanong sakin.

"I don't know kung sino ang tinutukoy mo,"

"Don't play dumb Twine, I saw you with that man in the bar. Nakita ko kayo sa isang restaurant," siguro nakita niya kami while having a dinner date outside.

"So?" inis kong saad napataas narin ang kaliwang kilay.

"Iba pala gusto mo," napakunot noo ako sa sinabi niya.

"You like high profiled men like the rest of the women I've met. I know what kind of woman you are. Ang mga katulad mo ay ganid sa pera at pipili ng lalaking mabibili lahat ng hingin niya," nang-uuyam niyang saad.

Nainsulto ako ng subra sa sanabi niya. Si Cali ba ang tinutukoy niya? Alam kong mayaman si Cali but, it was never my intention to dig golds from his treasure chest. I only know Cali, his attitude and dreams. Hindi ako nagtanong kung sino ba talaga siya o kung saang pamilya siya nabibilang. It was unecessary kasi isang buwan lang naman kaming magsasama.

Thinking about our agreement my mood turn sour. Isang linggo at dalawang araw na lang pala ang natitira before we go on our separate ways.

"Ano Twine? Di ka makapagsalita dahil totoo?" he leaned his back on the chair habang nakatingin sa akin ng may pagmamaliit at panunuya.

I smiled genuinely at him na pumawi sa mapangmaiit niyang tingin sakin, his jaw clenched.

"Oh? Siguro nga ganid ako. Pero... Sino ka ba para insultuhin ako?" malumanay kong tanong sa kanya. Ayukong patulan ang paguusap na wala namang kabuluhan.

He chuckled "Oh Twine I really love your attitude," ngumiti siya sakin na ikinakilabot ko.

"Nababaliw ka na ba?" wala sa sarili kong tanong.

"Perhaps, you made me fall so hard Twine." hindi ako magsalita sa sinabi niya. "Tell me, why can't it be me?" he looked at me in the eye and I saw it, the pain. Pighating hindi ko kayang pawiin. Bakit ba kasi nagustuhan niya ako?

Luscious Kisses of Dawn (KS #1) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon