Tinitigan ko siya sa sinabi niya. Parang naghintay lang ako sa wala. Kanina pa ako nagugutom pero tiniis ko kasi nga dinner date!
"Ganoon ba? Sige," kumain na siya para saan pa ang dinner date na yan? Isa pa naiinis ako, siya nag-paalala sakin sa planong ito tapos ako pa ang ma-iindyan?
"Kumain ka na? Sorry, hindi ako nakauwi ng maaga para sa dinner date sana natin. Marami kasi akong kinailangang tapusin sa opisina kaya nawaglit sa isipan ko kanina." naalala niya naman pala ang usapan namin, nga lang ngayon lang ata.
"Okay lang. Hindi rin naman ako nag-effort maghanda. Nakakatamad rin kaya," nag-aalangan kong tawa, ang peke talaga.
Wala akong narinig na kahit ano sa kanya kaya tinalikuran ko na para magpunta sa silid niya. Kakainin ko ng mag-isa ang lahat ng niluto ko! Hindi ko siya bibigyan kahit isang piraso!
Hinarap ko siya na nakasunod sakin sa may pintuan ng kwarto niya "Dyan ka lang," banta ko at binuksan ang pinto.
Matapos pumasok ay siniraduhan ko iyon sa mukha niya tapos ini-lock iyon.
Naglakad ako sa walk in closet at kumuha ng damit pamalit niya. Tumingin siya sakin ng may pagod sa mga mata nang harapin ko siya ulit. So? Ano naman kung pagod siya? Ano naman sakin iyon?Pagod rin ako, sa oras na ito ayuko siyang makita!
Tinulak ko sa dibdib niya ang damit niyang hawak ko. "Sakin ang kwartong ito ngayong gabi, bawal ka rito." malamig kong sabi sa kanya.
Hindi ako galit, inis? Oo inis na inis! Kanino? Sa sarili ko siguro.
"Twine, what's this all about?" mahinahon niyang tanong pero hindi ko iyon pinansin at siniraduhan ang pinto ng pwersahan na gumawa ng malakas na ingay saka nilock ulit.
Isinaksak ko ang series at napasimangot sa nakita "Hindi ko na talaga ito gagawin sa susunod. Why did I even bother doing this?" naiiling na kausap ko sa sarili.
Naglakad ako papunta sa lamesa at sinindihan ang kandila bago tanggalin ang takip ng pagkain. Nang maupo ako ay nilantakan ko na agad ang pagkain, nagugutom talaga ako!
"Baby," nagulat akong napatingin sa pinanggalingan ng boses.
Nakatayo si Cali sa may pinto ng balcony at nakatingin sakin bago nilibot ang tingin tapos nahulog ulit iyon sa akin.Hindi ko na maayos ang paghinga ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman. Nahihiya rin ako sa pinaggagawa ko.
Ibinaba ko ang tingin sa paa ng manok na hawak ko "Paano ka nakapasok? Diba sabi ko huwag kang papasok dito ngayong gabi! Anong ginagawa mo dito?" inis kong kausap sa kanya.
Nang ibaling ko ulit ang tingin sa kanya nakita ko siyang papalapit na naglakad, kaya naman pakiramdam ko sinisilaban ang pwet ko na gusto ko lang tumakbo palayo rito pero, nagugutom ako. Anong pipiliin ko?
Umupo siya sa harapang upuan ko nang hindi sinasagot ang tanong ko.
"Labas Cali!" inis kong utos sa kanya.
"This is my house," malumanay niyang saad.
"Nga naman. Sige alis na ako," tumayo ako kahit nagugutom pa ay ininda ko iyon. Kaysa naman mawalan ng dignidad para lang sa pagkain. Ano nga palang pinaglalaban ko sa argumentong ito? Tama, ang effort ko!
Nagsisimula palang akong ihakbang ang paa ko pero hinigit niya ako na siyang ikinasigaw ko sa gulat. "Ano sa tingin mo ginagawa mo?" kinakabahan ako pero pinanatili ko ang naiinis na tuno sa pagsasalita kahit nahihirapan akong gawin iyon.
"I'm just being sweet to my baby," bulong niya sa tenga ko na ikinatindig ng balahibo ko at pakiramdam ko sumasayaw ang mga bulate ko sa tiyan sa mga oras na ito. Doublebwesit!
BINABASA MO ANG
Luscious Kisses of Dawn (KS #1) [ON-HOLD]
RomantizmA romance in a rollercoaster ride of twisted fate and bed of needles. Note: R-18, Read at your own risk fellas! ;-) Started: June 12, 2020