Nagpunta ako sa mini kitchen ng office namin para magtimpla ng tea. Pagkatapos ay naupo ako sa desk ko leaning in the swivel chair.
Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang agreement namin ni Cali. He treated me like I'm his girl taking me to dates and of course we had sex. Three times a week lang dapat namin ginagawa iyon but, it did't turn out that way.
Halos gabi-gabi kaming nagtatalik. Nagdadahilan nalang ako kay mama na kailangan kong magovertime at sa office nalang matutulog dahil malapit na ang deadline ng project namin dahil sa pangungulit ni Cali. Hindi naman naghinala si mama at pinaalalahanan ako na huwag subrang papagurin ang sarili.
To be honest nakukunsensiya na ako sa kasinungalingang pinagsasabi ko kay mama.
I looked at the files na nasa mesa ko. Nakaramdam ko ang pagod sa apat na araw naming ina-asekasong adjustments sa proyektong bahay na ipapasa namin sa may ari.
Maganda ang desenyo ng bahay or more like mansyon kasi malaki talaga siya, pero may mga design na dapat baguhin. Kagaya nang paglagay ng glass na bobong sa pool area, na ayon sa gusto ng may ari dapat flat lang yung glass na gagamitin kakapalan nalang para hindi mabasag. But that wasn't the problem, ang problema ay ang pagkakabitan nito. Hindi bagay at delikado ang gusto niyang mangyari.
Kung posibilidad lang na magawa ang gusto niya, kayang-kaya. Pero kung kalidad ang titignan masyadong delikado. A small vibration would cause it to shatter in big peices and its a pool area na maaring palaging tambayan ng mga titira sa bahay na yon.
"Twine pasuyo naman, pakibisita sa site. Ito yong listahan ng mga materyales na kailangang i-check para sa paghahanda sa susunod na linggo." inilahad niya sakin ang papel sa kamay niya.
"Sige, ako nang bahala." sagot ko at tinungo ang mesa ko para kunin ang susi ng kotse, at naglakad na patungong elevator. Nakatagpo ko pa si Mark at Jeffry na siguro ay galing doon para magsupervice sa progress.
Five man team kami, si Vincent ang tumatayong leader namin ako, si Emma, Jeffry, at Mark naman ang kabilang sa grupo. Sa totoo lang, sa proyektong ito ko lang sila nakasama. Lahat kasi ng magagaling sa firm ay pinaghalo-halo para gawin ito.
Masyadong maingat ang mayaari, he choose the best of the best. Nagulat nga ako nang sabihing mapapabilang ako sa proyekto. Oo may talento ako pero may mas deserving pa kaysa sakin. But I'm thankful though dahil sa mataas na kikitain namin pag natapos na ang proyekto.
Huling buwan na namin ito. Just a few finishing task at makikita na namin ang bunga ng aming pinaghirapan.
After 10 minutes drive ay narating ko na ang destinasyon, nagpark ako at lumabas dala ang mga papel. Nagsuot ako ng gear namin at puminta na sa site.
Nagikot ako and goes down into the list, filling it with information na kailangan. Nakipagusap rin ako sa ilang trabahante. Medyo nangawit narin ang paa ko sa kakalakad at basa narin ang likod ko sa pawis dahil alas dos palang ng hapon. Mainit ang sinag ng haring araw pakiramdam ko nasusunog ang balat ko.
"Ma'am sa taas!" nagulat ako ng may biglang sumigaw kaya napatingin ako sa taas.
Parang tumigil ang mundo ko sa parating na mga tubong tatama sakin. Isang marahas at mabilis na paghigit at pagbuhat ang naramdaman ko. Nakita ko ang pagbagsak ng tubo sa lupa na gumawa ng malakas na ingay. Napatingin ako sa humigit at kumarga sakin palaso sa eksena.
"Puta Twine ba't di ka tumakbo! Para kang tuod na nakatayo lang doon! Anong hinihintay mo? Ang matamaan ka ng mga tubong yon? Putangina!" sigaw sakin ni Vincent habang frustrated na hawak ang helmet niya at tinapunan ako ng tingin.
"Tangina naman ayusin niyo diyan sa taas!" galit na sigaw niya. Nakarinig kami ng ilang trabahanting humingi ng tawad sa nangyari.
Nanginginig parin ako at di makapagsalita. I was sure I was going to die. But, I'm alive.
BINABASA MO ANG
Luscious Kisses of Dawn (KS #1) [ON-HOLD]
RomanceA romance in a rollercoaster ride of twisted fate and bed of needles. Note: R-18, Read at your own risk fellas! ;-) Started: June 12, 2020