Kabanata III

355 49 38
                                    


"I-check ko lang to' Emma saglit. Susunod ako pagkatapos." sagot ko sa ka-team ko sa trabaho nang mag-aya itong mananghalian na.

Kunting tiis nalang, matatapos narin ang proyektong ito. Isang taon narin ang nakakalipas nang simulan namin ito.

Inusisa ko ang buong bahay kung may kulang ba rito o kailangang idagdag, isinulat ko ang mga detalye sa dala kong papel.

Sinigurado kong nasusunod talaga ang plano namin sa araw na ito. Mahalaga kasi na masiguro na maayos ang lahat at naayon sa nais ng kliyente kabilang na rin ang nakalaang oras na itinakda namin sa bawat gawain.

Bilang isang inhinyero, isa sa mga resposibilidad mo ang sumunod sa bawat panuntunan sa paggawa ng estruktura. Ito ay para malaman ang iba't - ibang salik na maaaring maka-apekto sa proyekto. Kinakailangan ring matalas ang pagisip mo sa paglutas ng problemang nakaugnay sa larangan, ito ay para mapigilan ang ano mang nagbabadyang kamalian sa hinaharap.

Sa paggawa kasi ng bahay, may pamantayan na kailangang sundin. Sa oras na bumagsak ang gusali na gawa mo ng hindi pa lumalagpas sa edad na limitasyon nito, siguradong magpapaalam ka talaga sa lesensiya mo.

Nang matapos na ay dumiritso ako sa opisina namin. Natanaw ko silang nakaupo na sa isang parisukat na lamesa. Dinaluhan ko ang mga ito sa pagkain ng lunch.

Natanaw ko si Emma nakatabi ko at kumakain ng pizza. Hindi ba siya nauumay kakakain niya niyan? Palagi ko kasi siyang nakikita na kumakain noon, iba-iba nga lang ang flavor na binibili niya araw-araw.

Kinuha ko ang baon sa bagpack na dala ko. Pagbukas ko ay sinalubong ako ng minodong ulam. Natakam agad ako sa ulam na hinanda ni mama. Love you ma!

Kung ulam lang naman ang paguusapan, tingin ko si mama ang isa sa pinakamagaling na tagaluto na nakilala ko. Hindi ko ito sinasabi kasi mama ko siya, bawat luto talaga niya ay malalasahan mo ang linamnam ng pagkain at pagkabalanse ng lasa nito. Dagdag marka na rin dahil anak niya ako.

Laging nagigising si mama ng maaga para lang ipagluto kaming magkapatid ng pananghalian. Siya rin ang naglalagay sa baunan namin, at sa sari-sarili naming bagpacks.

Ikinahihiya ng ibang mga anak ang ginagawa ng mga nanay nila lalo sa aspetong ito, pero hindi iyon sa aming magkapatid. Ang ipaghanda kami ng pagkain ni mama ay isa sa mga bagay na biyaya kung ituring namin ng kapatid ko. Bakit? Simple lang, dahil hindi lahat ng nanay kayang gawin ang ginagawa ni mama at di lahat ng ina katulad niya.

Tahimik lang akong kumakain habang sila naman ay nagusap-usap ng kung anu-ano lang. Napupunta sila sa usapang heograpya, kasaysayan, sekswaliti, pero karamihan patungkol sa usapang inhenyero ang paksa nila.

Nag-pokus nalang ako sa pagkain ko kaysa makisawsaw sa usapannila. Pagod rin ako, kaya wala akong ganang makipag-chichat ngayon.

"Bigatin talaga ang may-ari sa bahay na 'to!" saad ni Vincent saka umiling-iling.

Naalala ko noong una naming tinanggap ang proyekto. Noong panahon na iyon ay nahuli pa ako ng dating, sinugod kasi namin si mama sa ospital.

Pagkadating ko, hindi ko na naabutan ang taong nagpapagawa ng bahay na ito. Mabuti nalang at naintindihan ng kleyente ang sitwasyon ko, pinalagpas nito ang pagkawala ko sa meeting.

Kahit ako napapahanga sa disenyo ng bahay na binigay niya samin. Kakaiba ito, and has a strong abiance of manliness sa mga hugis na nakapaloob sa plano ng elevations. Tinanong ko kung arkitekto ba ang kliyente, pero ang sabi naman nila ay hindi nila alam kasi ang nakipag-meet daw ay representante lang nito.

"Oo nga eh. Napaka-perpeksyonisto ng may-ari. High class rin ang mga matiryales na inilaan para paggwa ng bahay na iyon." saad ni Emma saka sinubo ang isang kutsarang kanin sa bibig.

Luscious Kisses of Dawn (KS #1) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon