"What do you think you're doing? Put me down!" sigaw ko kay Cali at hinampas ang kamay niyang bumuhat sakin pero hindi ito nagpa-awat at binuhat lang ako habang naglalakad."Bingi ka ba? Are my words a joke to you?" I gripped his shirt down sa inis, narinig ko ang tunog ng bahagyang pagkapunit nito pero parang wala lang iyon sa kanya at hinigpitan pa ang pagkahawak sa akin.
Pumasok kami sa isang hotel at hindi naman lang siya nag-abala na pumunta sa receptionist, deritso lang niyang tinahak ang daan papunta sa destinasyon niya.
Tumigil kami sa isang pinto, he swiped a card at pumasok kami. May pagiingat niya akong binaba sa kama.
Iba-ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Pero nangingibabaw sa lahat ang galit ko at ang mas nakakainis sa lahat ay ang katutuhanang hindi ako dapat nagkakaganito.
So what if they used me? Ginagamit ko rin naman siya. Naggagamitan lang naman kami.
Pero kahit alam ko ang katotohanang ito, di ko pa rin mapigilan ang nararamdaman ko.
"Twine, why did you walk off just like that?" napatingin ako sa kanya mula sa pagkakayuko.
Bakit? Bakit parang nakikita ko ang pagaalala sa mukha niya? Is he really worried about me?
Genuinely worried?
Pinikit ko ang mata ko. Baka namamalikmata lang ako. Bakit siya magaalala?
I am nothing to him. Ginagamit niya lang ako and that is the fact.
"Bakit kailangan ko pa bang magpaalam sayo?" my voice sounded bitter nang sabihin ko yon.
Tinignan niya ako na parang di makapaniwala sa narinig niya mula sakin. Kumunot ang noo niya at hindi nagsalita, parang iniisip nito ang tamang sabihin sa ganitong sitwasyon.
Tama naman ako at some point. Ako na nga ang nasaktan tapos magpapaalam pa ako kung saang lupalop ng pilipinas ako pupunta? Para naman akong tanga kung gagawin ko yon.
Bakit ba naman kasi hinanap-hanap niya pa ako? What's the point? Hindi ba pwedeng pabayaan niya nalang muna ako. Kailangan ko ng space para mag-adjust sa lahat ng to.
"Baby, what's this all about?" nagsimula siyang humakbang palapit sakin.
"Don't you dare take another step Cali," banta ko sa kanya.
Nagtitigan kaming dalawa. No one move, no one utter a word sa mga sandaling iyon. Pilit naming iniintindi ang sitwasyon or more like it was just me trying to understand everything.
"Baby... Is this all about Peny? Siya ba ang reason why you're acting like that?"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. He was careful with his words, pero hindi ko parin mapigilang hindi mainis just hearing her name.
"What about her?"
Hindi ko ipapakitang apektado ako sa babaing yon. She will never be my equal. Kahit faincee pa siya ni Cali, so what? I will never stop low sa ganyang klase ng babae.
"Are you jelous?" tinignan ko siya ng matalim sa sinabi niya.
"W-what! Huh, ako nagseselos? Nabaliw ka na ba? Why would I be jelous to that woman?" inis kong saad sa kanya habang tinuturo ang sarili ko.
"Well... you are acting like one right now," nagsimula ulit siyang humakbang.
"I said don't dare take another step! Hindi ka lang baliw, bingi at bulag ka pa! Bwisit ka, sige lapit ka dito at sisipain ko yang itlog mo!" banta ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Luscious Kisses of Dawn (KS #1) [ON-HOLD]
RomansaA romance in a rollercoaster ride of twisted fate and bed of needles. Note: R-18, Read at your own risk fellas! ;-) Started: June 12, 2020