Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Isiniksik ko ang mukha ko sa malambot na unan para maiwasan ang pagkasilaw mula rito. At nalala ko ang kahapon na parang bagyong tumupok sa akin.
Napakabilis ng mga pangyayari. Parang noong byernes lamang nagusap pa lamang kami para magdinner date, pagkatapos noon nag-away pa kami kasi nakalimutan niya ang usapan namin.
Akala ko noong nagbati kami, finally it was a new chapter for us. Magsisimula na kami sa bagong yugto ng pagsasama namin. Kung saan magiging totoo kami sa isa't-isa. But turns out I was only dreaming. Lahat ng iyon ilusyon ko lamang. Mga gunita na gusto kong magkatotoo, but will never be.
Bakit ko nga ba nakalimutan na ikakasal na siya? Dapat hindi iyon naalis sa isipan ko para hindi ako nahihirapan ng ganito. Kung pinigilan ko lang sana ang sarili ko siguro hindi ako masasaktan ng ganito ngayon.
Pero ano nga bang magagawa ko? The damage was done. Ang nangyari sa aming dalawa ay pawing bakas na lamang ng nakaraan.
I rubbed my tummy gently. "Baby promise ni mommy alagaan kita. I will love you with all I can. Patawarin mo si mommy kung, lalaki kang walang ama. I hope hindi ka magalit sa plans ni mommy anak. I love you."
Naramdaman ko ang paghapdi ng aking mga mata, at nagsimulang tumulo ang mga luha mula rito. Kahit nakapikit ako pakiramdam ko dilat na dilat ang sistema ko. Subrang sakit ng mga pangyayari na parang hindi ako nakatulog kahit saglit lang.
I lost someone na di ko ini-expect na magkakaroon ng big impact sa buhay ko. I never tought na iiyak ako dahil sa kanya. Alam kong darating ang oras na ito and I should have been prepared for this.
Dapat ngayon masaya ako kasi magkakababy na ako and at the same time makakasal na siya and that means hindi na siya maghahabol pa sa anak ko. His wife won't want my child kaya di sila magbabalak na kunin ang anak ko.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at minulat ang aking mga mata. The rays of the sun greeted me. Tinanggap ko ang pagkasilaw na nagmumula dito, until my eyes adjusted to the light. Naramdaman ko ang init mula rito na banayad na humahaplos sa aking mukha.
Wiping my tears, I finally decided to let go of the past and feel the present. Iyong kasalukuyan na kasama ko na ang anak ko.
Naghanda na ako na umalis mula sa hotel. Pumunta muna ako sa kotse ko bago dumaan sa receptionist, nasa sasakyan kasi ang wallet ko.
"Good morning ma'am," bati sa akin ng receptionist.
"Good morning, I would like to pay my stay at room 125."
"Please wait a moment ma'am," tumango ako sa kanya.
Matapos ang ilang minuto "Ma'am your room was already paid," saad nito at binigyan pa ako ng black card na galing daw sa asawa ko. Scoundrel!
I finally found a new purpose to live tapos heto siya, manggugulo? Bakit pa siya magbibigay ng black card sakin? Does he see me as charity?
Inis akong lumabas ng hotel. Hopping in my car grumpily at minaneho ito pa uwi.
Tapos na kaming dalawa at hindi ako papayag na magkaroon pa ng kahit anong ugnayan sa pagitan namin.
Inaamin ko na may part sa akin umaasa na pipiliin niya ako, pero alam ko naman na mas madali pa sigurong pumasok sa butas ng karayom kaysa mangyari ang inaasahan ko. He used me to get to that woman and there's no way na ipagpapalit niya ang babaing iyon just to be with me.
Like I said before, anak lang ang kailangan ko. I don't need a husband. Pero ngayon I feel like compromising. I don't need a husband, I want one. At gugustuhin ko lamang magkaroon noon kung... siya ang magiging asawa ko.
BINABASA MO ANG
Luscious Kisses of Dawn (KS #1) [ON-HOLD]
RomanceA romance in a rollercoaster ride of twisted fate and bed of needles. Note: R-18, Read at your own risk fellas! ;-) Started: June 12, 2020