Kabanata XXV

168 11 0
                                    

Tinitigan niya ako ng masinsinan. Dama ang sakit sa mga mata niyang tumutusok sa puso ko, iniwas ko ang tingin sa kanya. I can't look at him, its breaking me.

"For me," pabulong niyang saad pero narinig ko parin kaya binaling ko ulit ang tingin ko sa kanya.

"What about me Cali?" paos kong saad.

Inisip niya ba ako? Nasasaktan din ako. Gusto kong manatili pero hindi pwede. Prensipyo ko ang kalaban ko. Pati ang mundo tutol sa kung anong mayroon kami. Bakit nga ba nauwi sa ganito?

I never expect to fall in love uncontrollably, na sa pagkakataong ito ay gugustuhin kong manatili. Abandoning my promise to myself just to give us a chance.

"Twine," nagmamaka-awa ang tinig niya. I wanted to but, I can't.

"You're asking me to stay? But if I stay, Cali anong para sakin?" napahikbi ako at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. "You need me, that's why I'll stay? Napaka selfish naman noon. P-paano kung mawala na ang pangangailangan mo? Saan ako lulugar Cali. Saan? I can't be your wife! Mayroon nang nagmamay-ari ng pwestong iyon. At kung ako man ang magiging asawa mo I swear I'll never let anyone have you, you're only mine! Also, I-I can't be a mistress, ayukong maging klase ng taong isa sa kinamumuhian ko! What choice do I have than to leave you?"

Yinakap niya ako ng mahigpit at pinugpog ng halik ang ulo ko. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sakin.

I hate his repeatative sorry. I hate what I feel about him. At namumuhi ako sa sarili ko dahil nagpapadala ako sa emosyon ko.

"Cali—I think its time to bid goodbye," lumayo ako sa kanya at pinalis ang luha sa pisngi ko. I smiled at him. Isang totoong ngiti para sa lalaking nagpatibok ng puso ko at gumulo sa aking systema ng subra.

"No, Twine..."

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinipilit manatili gayong alam niyang imposible iyong mangyari. The only path for us it to separate ways.

"You know I can't Cali,"

Linapit ko ang mukha ko sa kanya. Palming his cheeks in between both my hands, I kissed his forehead down to his nose and finally to his lips. Hinabol pa niya ang labi ko nang lumayo ako sa halik na ginawad ko.

"The contract is not yet over, you can't leave."

Determinado ang mga mata niya habang nakatanaw ito sakin. Tila may nabuhay na kung ano sa misteryusong mga matang iyon. We still have a week, can I hold on till the end?

Gusto kong itigil na namin ito sa lalong madaling panahon. I'm afraid that if I stay longer in this situation, I'd be broken beyond repair. Kung sa pag-iwan pa lang nga ni papa nasaktan ako ng labis, ano pa kaya kong direkta na akong kasali sa sitwasyon. Gaya nalang ngayon.

Pero kahit na ayaw ng isip ko, iba naman ang gusto ng puso ko. I want to stay and risk everything for this man. How foolish have I become?

Tinitigan ko siya and sighed heavily.

"Cali—"

"Twine this argument stops now. Let's pretend it never happened." pinal na saad niya.

Sa pagsasama namin for days madali kong nakuha ang ugali niya. When he put his final remark its better to keep quiet than to argue with him.

"Okay," Sagot ko nalang. At nagtangka akong umalis sa kandungan niya.

"Stay baby. Subo-an mo ako ng luto mo. It looks delicious." may ngiti sa labi niyang saad.

"Hindi yan para sayo, manigas ka!" pagtataray ko sa kanya.

"Then for whom is it baby?" tanong niya pero makikita pa rin ang mapaglarong ngiti sa labi.

Luscious Kisses of Dawn (KS #1) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon