“Cherry?! Leo?!” gulat na tanong ko sa kanilang dalawa. ‘Yong mata ko ay parang lalabas na sa sobrang laki at ‘yong baba ko ay naka-form ng “O”.
Lumingon naman si Cherry at agad na lumaki ang ngiti nung makita ako.
“Cleo! Andito ka pala! Halika! Ano ‘yang binili mo?” masiglang sabi ni Cherry samantalang si Leo ay nginitian lang ako.
Tiningnan ko si Cherry ng may mga matang nagsasabing ‘what-the-hell-are-you-two-doing-here?’ at ‘may-dapat-ba-akong-malaman?’ look.
Napansin naman ni Cherry iyon kaya napahalakhak siya.
“Hoy! Malisyosa ka ha! HAHAHAHAHA Lika nga dito! Ano ba ‘yang binili mo!” sabi ni Cherry sabay tawa ulit ng malakas. Nakakahiya talaga itong babaeng ‘to.
“Ahm...Hi Cleo. Huwag ka sanang mag-isip ng kung-ano. Nakita ko lang si Cherry dito kanina, hindi n’ya maabot ‘yong styro doon kaya tinulungan ko na.” sabi ni Leo.
Tiningnan ko ng maigi si Leo, namumula ang pisngi n’ya pati tenga n’ya samantalang si Cherry ay mukhang tangang sinusuri ang malaking libro na binili ko. Hmmm...I smell something fishy. Masyadong defensive si Leo and looking at him. Hmmm...hahahaha echosera ka Cleo ha! Hahahahaha
“Ano ba ‘to Cleo! Historical book? Wow! Magpapaka-manang ka? Tsaka, ang laki nito ha! Ano? Magpapaka-ermitanyo ka?” natatawang saad ni Cherry.
“Curious lang ako about sa history natin Cherry, ‘wag ka ngang ano d’yan!” sabi ko sabay snob sa kanya ng pabiro.
Wow. So friends na talaga kami? Wth? Ang bilis ko namang maging komportable sa warfreak na babaeng ‘to! Tsk! Go with the flow na nga lang!
Tinawanan lang ako ni Cherry, naitulak ko pa s’ya kasi sila na ang next para magbayad.
“Ano ba ang gagawin mo d’yan sa styro Cherry? Ang dami naman n’yan?” tanong ko kay Cherry.
Papalabas na kami ng National Book Store ngayon ng makita kong medyo nahihirapan siya sa pagdala ng mga items n’ya. Buti nalang talaga nandito si Leo at tinulungan s’yang bitbitin ‘yong ibang mga pinamili n’ya.
“Eh kasi yung kapatid ko may project. Humingi s’ya ng pera sa akin kasi nga bibili daw sila para sa project nila. Eh ayoko naman na gastusin n’ya sa ibang bagay ang pera kaya sabi ko nalang ako na ang bibili ng mga kailangan n’ya. Binigay n’ya naman sa akin ang listahan ng mga kakailanganin. Aba! Malay ko ba na sobrang dami pala ng mga kailangan bilhin, akala ko pa naman nagbibiro lang s’ya para makakuha ng pera sa’kin.” nakasimangot na saad ni Cherry.
Natawa naman ako sa kanya.
“Judgemental ka kasi HAHAHAHA” sabi ko sabay tawa.
Tiningnan n’ya naman ako ng matalim sabay simangot. Mas natawa tuloy ako hahaha.
“Oo. Gaya mo. Gaya ninyo. Judgemental kayo sa’kin.” mahinang sambit ni Cherry.
Napatigil naman ako sa pagtawa at napatingin sa kanya. Parang nasampal ako dun sa sinabi n’ya. Tama nga s’ya, I judge her without knowing her. Tinitigan ko si Cherry at kitang-kita ko ang pagkalungkot ng mga mata n’ya pero agad din namang napalitan ng masiglang mukha na parang wala lang. Na parang hindi s’ya nasaktan.
“Joke lang! HAHAHAHAHA” biglang sabi ni Cherry. Tumatawa s’ya pero hindi naman masaya ang mga mata n’ya.
Tinitigan ko lang s’ya. I don’t want to feel pity on her pero hindi ko lang maiwasan. Siguro self-defense n’ya ang pag-a-act as warfreak para hindi s’ya basta-basta nalang e-bu-bully. Parang nai-inggit ako sa kanya. Hindi kasi ako kasing brave n’ya. Hindi ko kayang maging masama para hindi ako maliitin.
Tiningnan ko si Leo, he’s laughing, but I can’t feel his emotion. Ibang emosyon ang nakikita ko sa mga mata n’ya. Kagaya ni Cherry. Masaya silang tumatawa pero malungkot naman ang mga mata nila.
“Huy! Okay ka lang? Gagang ‘to?! ‘Wag mo nga akong titigan ng ganyan! Baka ma-inlove ka sa’kin! HAHAHAHA” sabi ni Cherry sabay tawa ng malakas.
Nalukot naman ang mukha ko sabay acting na parang nasusuka.
“Sis! Nakakadiri ka! Huwag kang feeling! Lokang ‘to!” sabi ko sabay irap sa kanya.
Napangiti naman ako. Bwiset ‘to! Hahahaha
Naghihintay na kami ng taxi ng biglang umulan.
“Ay shit! Wala akong payong! Cleo, may payong ka naman siguro ‘di ba? Pasok na muna kami sa loob ni Leo baka mabasa pa itong mga pinabili ng kapatid ko!” natatarantang saad ni Cherry.
Natawa naman ako kasi tinutulak-tulak n’ya si Leo papasok sa loob ng Book Store kasi nasa kay Leo ang mas marami at ‘yong iba ay madaling mabasa.
Kinuha ko naman ang payong ko at agad na binuksan ito.
“Oo sige. Ingat kayo ni Leo.” sabi ko nalang.
Gustuhin ko mang makipag-share ng payong ay alam kong hindi kami kakasya sa maliit na payong ko. Lalo na’t may dala-dala silang mga kagamitan.
Nung nakapasok na sila ay pumunta agad ako sa may jeepney station na nagbababa at nagsasakay ng mga pasahero. Nang makasakay ako ay tiniklop ko agad ang payong ko.
Kasabay ng pagtiklop ng payong ko ay ang pagkakita ko ng dalawang bulto ng tao na tumatakbo sa kahabaan ng kalsada. Nakangiti sila sa bawat-isa at hindi batid kung nauulanan na sila. Biglang pumatak ang mga luha ko at sandali pa ay umagos na ang masaganang luha na lumabas sa mga mata ko.
“Joseph...
Katrina...” nasasaktang sambit ko.
Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanila at mabilis na pinahid ang mga luha ko. May napapatingin sa akin dahil hindi parin umaawat sa paglabas ang mga luha ko. May nagtataka kung bakit ako umiiyak at may mga naaawa sa aking pag-iyak kahit hindi nila alam kung ano ang iniiyakan ko.
Pagdating ko sa bahay ay mag-aalas syete na nang gabi. Nakita ko ang taxi ni papa na nakaparada sa labas ng bahay namin kaya kinabahan ulit ako. Nanginginig ako pero hindi ko alam kung para saan ang panginginig ko. Nanginginig ba ako dahil sa sobrang lamig ng panahon? O nanginginig ako dahil alam kong nasa loob na ng bahay si papa at kapag nagkita kami ay maaaring saktan n’ya ulit ako?
Nanginginig sa lamig? O nanginginig sa takot?
Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad agad sa harap ko ang malamig na titig ni papa.
“Papa...” sabi ko
Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Naghalo-halo ulit ang mga emosyon ko kaya kumawala ulit s’ya sa mga mata ko. Pinikit ko ang mga mata ko at pinalis ko ang mga luha na nagsilabasan dito.
Tiningnan ko ulit si papa. Nakakunot na ang noo n’ya ngayon. Marahil ay nagtataka siya kung bakit ako umiiyak eh wala pa nga s’yang ginagawa sa akin.
“Anong problema mo?” tanong ni papa na s’yang ikinagulat ko. Parang umurong ‘yong luha ko nang marinig ko ulit ang boses n’ya.
Ilang buwan ko ba s’yang iniiwasan? Mag-iisang taon na ata. Mag-iisang taon ko nang hindi naririnig ang boses n’ya. Ang boses ng ama ko.
Nakatitig lang ako kay papa nang dumating si mama. May dala siyang towel at payong.
Nung makita n’ya kami ni papa na magkaharap ay napatigil siya at gulat na napatingin sa amin. Namutla agad si mama nang makita n’yang namumula ang mata ko at may luha pa na umaagos dito.
“Lucio...a-anong ginawa mo sa a-anak mo? B-bakit s’ya umiiyak?” kitang-kita ko kung paano lumaglag ang luha sa mga mata ni mama.
Ako naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig nang makita kong tahimik na umiiyak si mama. Halaaa!!! Hindi ako inaway ni papa!
“Ma! Wala pong ginawa si papa sa akin!” sigaw ko kasi nagulat ako sa pinagsasabi ni mama tapos umiyak pa s’ya.
Shit! Ayokong magalit si papa! O di kaya mag-away sila dahil sa akin!
Nilingon ni papa si mama at nakita kong nagulat din sya sa pag-iyak ni mama. Ang OA naman ni mama! Hindi pa nga ako sinaktan ni papa tapos umiyak agad s’ya. Paano nalang kung saktan talaga ako ni papa ulit? Shit!
“Amelia! Wala akong ginawa sa anak mo! Tinanong ko lang kung may problema ba s’ya kasi umiiyak s’ya!” galit na sigaw ni papa.
Nakita ko namang napatigil sa pag-iyak si mama at nagtatakang tiningnan ako. Marahil ay magtatanong iyan kung bakit ako umiiyak. Hay naku!
“Pasensya na Lucio...akala ko kasi..—“ naputol ang pagsasalita ni mama nang magsalita ulit si papa.
“Na sasaktan ko ulit ang anak mo?” malungkot na tanong ni papa. Tiningnan naman ako ni papa sa mata. Para akong hindi-makahinga dahil sa pagtitig n’ya. At dahil din sa emosyong nakikita ko sa mga mata n’ya.
“Hindi na ba talaga pwede? Wala na ba talagang pag-asa anak?” malungkot na tanong ni papa.
Alam ko kung ano ang ibig ipahiwatig ni papa. At ‘yon ay ang kagustuhan n’yang maging lalake ako. Na magpakalalake ako kahit ayoko. Alam n’ya na hindi n’ya ako kayang baguhin dahil babae ako. Babae ako at wala s’yang magagawa doon.
Bakit kasi hindi sila nabiyayaan ng anak na lalake ni mama? Bakit kasi?
Ay oo nga pala...may anak nga pala silang lalake kaso namatay na. Matagal nang patay at saka naman ako nabuhay. Kaya talagang gusto ni papa na magpakalalake ako. Para buhayin ulit iyong anak n’yang lalake na matagal nang patay.
Naaawa ako sa papa ko, kasi alam kong hindi pa rin s’ya nakaka-move on doon. Pero wala eh. Wala s’yang magagawa. Dahil babae ang anak n’ya. Alam kong mas mahal n’ya iyong anak n’ya na lalake noon dahil gustong-gusto n’ya magkaroon ng apo na magdadala sa apelyido namin. Kaso wala, dahil babae ako.
“I’m sorry pa.” umiiyak na saad ko. Tumakbo agad ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Medyo nabasa ang kaliwang braso at tagiliran ko pero wala na akong pakialam. Humiga ako sa kama at nagtalukbong sabay iyak. Iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Binuhos ko lahat ng luha ko dahil gusto ko, bukas, pagkagising ko, ay wala nang natirang sakit sa akin.Wala na.
BINABASA MO ANG
HE RAPED ME (Completed)
Romance"A journey of LOVE and IDENTITY." Date started: June 11, 2020 Date finished: June 13, 2020 Date edited: June 25, 2020