Chapter 21

416 30 5
                                    

Chapter 21

Nagising ako na sobrang sakit ng buong katawan ko. Hindi ko magalaw ang katawan ko pati ang mukha ko kaya tinawag ko nalang si mama.

“M-mama...” paos na saad ko.

Naramdaman ko namang may gumalaw sa gilid ko pero hindi ko matingnan kasi hindi ko magalaw ang mukha at katawan ko.

“Anak? Anak! Nurse! Gumising na ‘yong anak ko!” dinig kong sigaw ni mama.

Narinig ko ulit s’yang umiiyak hanggang sa dumating na ang mga nurse at doctor.



‘Yon ang unang beses na muntik na akong mapatay ng papa ko. Grade 3 pa lamang ako ng maranasan ko na ang malupit na galit ng ama ko.

Sabi nila’y miracle child daw ako. Dahil bukod sa ako lang ang naka-survive sa lahat ng mga magiging anak dapat nila mama ay nabuhay din ako matapos akong binugbog ng papa ko.

Nakulong si papa sa kasong Child Abuse dahil doon at ilang taon din siyang nasa loob ng selda. Tuwing bumibisita kami at kasama ako ni mama ay hindi lumalabas si papa kaya malungkot nalang kaming uuwi dala ang pasalubong dapat para kay papa.

Saktong graduation ko sa elementary  nung nakalabas si papa sa kulungan.

Honor student ako noon at sobrang saya ko. Hindi ko pa alam na nung araw na iyon pala ang labas ni papa.

Hinintay ko parin si mama kahit nagsisimula na ang program. Naiiyak na ako habang malapit nang tawagin ang pangalan ko.

Tinawag nalang ang pangalan ko ay hindi ko parin nakita si mama. Ilang beses pa akong tinawag ng guro namin habang ang mga tao ay masayang nagpapalakpakan. Ako naman ay hindi pa rin tumatayo dahil hinihintay ko si mama. Nilapitan nalang ako ng adviser namin at s’ya na ang sumama sa akin sa taas ng stage. Umiiyak ako that time habang malungkot na tumingin sa akin ang adviser ko at sinabitan ako ng medal. Salutatorian ako pero parang walang silbi ito dahil wala si mama. Iyak ng iyak lang ako habang nasa stage at pinipicturan. Akala ng iba ay umiiyak ako dahil sa saya.

Ngunit ang totoo’y umiiyak ako sa sobrang lungkot na nararamdaman ko. Pagbaba namin sa stage ay niyakap ako ng adviser namin. Kaya mas lalo akong nasaktan at mas lalong napaiyak.

Hindi ko akalaing wala ang mama at papa ko sa dapat na pinakamasayang araw namin.

Natapos na ang graduation namin at nasa labas lang ako ng gym habang umiiyak na hinihintay si mama. Si Joseph ay kasama ko nung time na’yon habang naghihintay si Mang Ben sa malayo. Pinapatahan ako ni Joseph at sinasabing baka may binili lang si mama para sa akin. Sinasabi n’ya ring darating si mama at susurpresahin n’ya ako sa kanyang nabiling regalo.

Ngunit nabigo ako nung makita ko ang tita ko na papalapit sa amin. Niyakap lang ako ni Joseph at malungkot na nagpaalam.

Nung makalapit si auntie ay binati n’ya ako at binigyan ng regalo. Tinanggap ko naman at nagpasalamat. Pagkatapos ay tinanong ko si auntie kung bakit hindi si mama ang sumundo sa akin.

Sinabi ni auntie sa akin ang tungkol sa paglaya ni papa. Masayang-masaya ako sa balitang sinabi ng auntie ko. Sa wakas nakalabas na din si papa! Maipagmamalaki na n’ya ako dahil sa award ko! ‘Yong lungkot ko ay nawala nung nabalitaan ko iyon. Napalitan ito ng saya at pagkapanabik na makita ulit si papa.

Ngunit nawala ang ngiti ko nung may sabihin si auntie sa akin.

“Pero Cleo sabi ng mama mo sa amin kana raw muna titira. Bibisitahin ka nalang daw n’ya kaya huwag kang mag-alala. Magkapitbahay lang naman tayo Cleo kaya makikita mo parin s’ya. Pinapaabot n’ya rin sa akin ang pagbati n’ya para sa’yo.” sabi ni auntie sa akin sabay abot ng isang kulay asul na card.

May sulat ito galing kay mama.



Simula noon ay doon na ako nakitira kina auntie. Nag high school ako nang hindi kasama sa iisang bubong ang mga magulang ko. Nag high school ako na wala sa tabi nila at tinatanaw lamang sila sa malayo.

Magkaklase kami ni Joseph simula 1st year high school hanggang sa grumaduate kami. Binubully parin ako pero minsan nalang. Nasa top section kasi ako at kadalasan na nasa top section ay ang mga katulad ko na binabae. Hindi ako nagladlad, sadyang malamya lang at mahinhin ang kilos ko. Pero alam ko na babae ako sa puso at isipan ko.

Class Valedictorian ako at Salutatorian naman si Joseph. Naging inspirasyon ko s’ya sa lahat ng bagay. Hanggang sa nahulog na nga ang loob ko sa kanya. Pero nilihim ko ito dahil ayokong magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin.

Binibisita ako palagi ni mama kina auntie. Lagi s’yang may dalang kung ano-ano. Minsan ay mga gamit pambabae. Tinatanggap ko ito pero hindi ko ginagamit dahil ayokong makita ni papa na lumadlad na nga ako.

Nagbabaka-sakali pa rin ako na balang araw ay matatanggap ako ni papa kaya pinipinilit ko na huwag magladlad. Hindi ako sumasama sa mga kaklase ko na binabae dahil ayokong makita ako ni papa na kasama sila.

Nagpursige nalang ako hanggang naging valedictorian nga ako.

Nung graduation ay si mama lang ang dumating pero ayos lang. At least nandito si mama at kasama ko sa stage.


Nung nag college ako ay nakapasok ako sa mga scholar sa isang prestigious school kaya sobrang saya namin ni mama at auntie. Kagaya ko ay nakapasok din bilang scholar si Joseph.

Ang kinuha kong kurso ay Business Management samantalang si Joseph ay Bussiness Administration kaya minsan ay classmate kami sa ibang subject.

Nung nag 2nd year college ako at nasa 2nd semester na ay nagkasakit ang auntie ko at kalaunan ay lumubha ang sakit n’ya na s’yang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Iyak kami ng iyak ni mama that time. Kung isa man akong ibon ay para akong ibon na nabalian ng isang pakpak. Nung burol ni auntie ay nagkakita kami ni papa pero hindi n’ya ako pinansin. Nilalagpasan n’ya lang ako na parang hindi n’ya kilala.

Umiyak ako nung gabing iyon. Sobrang lungkot ko dahil sa mga nangyari.

Mag-isa lang ako sa bahay ni auntie dahil wala naman s’yang anak at mag-isa lang s’ya sa buhay.

Dahil sa nangyari ay napagdesisyonan ni mama na pabalikin ako ng bahay.

Pagdating ko palang sa bahay ay binugbog agad ako ni papa. Iyak lang ako ng iyak habang nasa loob ng kwarto ko.

Na miss ko na itong kwarto ko. Ilang taon na ba akong hindi nakatira dito?

Sinasabi n’yang hindi n’ya raw ako anak. Matagal na dawng namatay ang anak n’ya. Sobrang sakit ng puso ko habang nilulunok ang bawat laway na humaharang sa lalamunan ko.

Kinabukasan ay nagising ako na puno ng pasa. Pagod at sakit ang nararamdaman ko habang pinipilit na tumayo. Naramdaman ko naman si mama sa gilid ko kaya tiningnan ko s’ya.

Hilam ang mga mata n’ya at namumutla rin ito. Malalim rin ang paghinga ni mama, tanda na sobrang pagod ito bago nakatulog. Tahimik ako na umiiyak habang tinitingnan si mama. Niyakap ko s’ya ng mahigpit at naramdaman ko rin ang yakap n’ya. Napahikbi nalang ako dahil sa awang nararamdaman ko para sakanya.

Nung araw na ‘yon ay pumasok parin ako kahit masakit ang katawan ko at maraming pasa. Hindi pumayag si mama na pumasok ako pero nagmatigas ako. Sinabi ko nalang na ayokong madatnan si papa at ayokong makita s’ya kaya walang nagawa si mama kundi hayaan ako.

Lahat ng mga propesor at mga kaklase ko sa bawat subject ay tinatanong ako kung ano’ng nangyari. Pero nginingitian ko lang sila at hindi na sumagot.

Sa lahat ng araw na ginawa ng Diyos ay walang araw na hindi ako nabubugbog ni papa tuwing umuuwi siyang lasing. Kahit natutulog ako ay magigising nalang ako sa pagmamalupit n’ya sa akin.

At sa araw-araw din na iyon ay walang araw na hindi ako umiiyak at nanalangin sa Diyos na sana’y tanggalin na n’ya ang sakit na nararamdaman ko. At pati narin  ang poot at galit sa dibdib ni papa.

Sa tuwing nabubogbog ako ay naririnig ko lang ang pagtangis ni mama at pagpipigil nito kay papa. Pero kahit s’yay nasasaktan din ni papa.

At sa mga araw rin na iyon ay lagi kong kasama si Joseph. Tinutulungan n’ya akong gamutin ang mga sugat at pasa ko sa mukha at katawan.

Sana nga’y nagagamot din ang sugat sa puso.

Pinatawag din ako ng Dean namin at tinatanong kung sino ang bumubogbog sa akin. Pero sinabi ko nalang na palagi akong nagsi-sleepwalk at pag gising ko’y nagkakapasa na ako.

Hindi bumenta ang sinabi ko dahil isang araw ay nakita ko nalang sa labas ng bahay namin si Dean kasama ang mga pulis.

At malas. Dahil sa araw na iyon ay naabutan nilang binubogbog ako ni papa sa labas ng bahay namin. Minsan n’ya lang akong binubogbog sa labas kapag sobrang lasing na lasing s’ya, at kapag ginagawa n’ya iyon ay tinutulungan ako ng mga kapitbahay namin.

Kaya ang nangyari ay nakulong ulit si papa dahil sa pagsampa ng kaso ng Dean namin at dahil narin sa na caught-in-the-act si papa.

Pero kinabukasan ay nagmakaawa ako sa Dean na iurong ang kaso. Malungkot n’ya akong tiningnan at hinaplos ang ulo ko.

“Nakikita ko ang sarili ko sa’yo.” malungkot na saad nito. Nakita kong tumulo ang luha n’ya na agad naman n’yang pinunasan.

Binabae rin kasi ang Dean namin, kaso, siya ay babaeng-babae na kung titingnan mo.

“Hindi ko natulungan ang sarili ko noon, kaya gusto kong tumulong sa’yo. Pero kung gusto mong iurong ko ang kaso ay wala akong magagawa. Ingatan mo na lamang ang sarili mo. At sana’y hindi ito makaapekto sa academics mo. Consistent Dean’s Lister ka pa naman at gusto kong grumaduate ka bilang Suma Cum Laude. Kung mangyayari iyon ay ikaw ang pinaka-unang magtataas ng bandera ng mga Business Management students. Pero kahit hindi iyon mangyari ay sasabihin ko parin ito sa’yo. Proud-Na-Proud-Ako-Sa’yo. Hindi ako kasing tapang mo nung nasa kabataan pa ako. Huwag ka sanang sumuko.” sabi ng Dean namin.

Napaiyak ako dahil sa sinabi n’ya.



Napalabas nga si papa sa kulungan dahil doon.

Simula noon ay pinilit kong hindi kami magkadaupang-palad ni papa. Gigising ako ng sobrang maaga at uuwi ng sobrang maaga din.



4th year na ako at pauwi na ako galing sa pinag-o-OJT-han ko. Kasama ko ang kaibigan ko na binabae rin. Naging kaibigan ko s’ya sa pagpasok ko palang sa isang accounting firm. Mabait siya at sobrang daldal n’ya. Magaan rin s’ya kausap kaya naging magkaibigan agad kami.

Sa ibang kompanya na assign si Joseph kaya hindi kami magkasama.

“Oy beks! Alam mo ba nung una ay akala ko talaga Adan ka? Naloko mo ako ha!” eksaheradang sabi ni Matet.

Matet ang pangalan n’ya.

Binabaybay na namin ang daan patungo sa barangay namin. Babaeng-babae na s’ya manamit pero halata parin ang pagiging lalake n’ya.

“Bruskong-brusko ang dating mo tapos bagay na bagay sa’yo ang buhok mo na pina-Piolo Pascual! Pero biglang kumembot! Ay naku!” natatawang sigaw n’ya.

Natawa nalang din ako sa sinabi n’ya. Magkapitbahay lang din pala kami ni Matet pero mas mauuna n’yang marating ang bahay nila bago ang amin.

Nung palapit na kami sa amin ay nakita kong may taxing tumigil sa harap namin at lumabas ang galit na ama ko.

Nahihintakutang napatigil ako at nagtataka namang napatigil din si Matet.

“Walanghiya ka talagang bakla ka! Pinapahiya mo pa talaga ako sa mga kaibigan ko! At sumama ka pa talaga sa baklang ito! Ano?! Maglaladlad kana rin tulad nito?! Magdadamit babae ka narin?! Ha?! Punyeta ka wag mo akong pinapahiya!” galit na sigaw ni papa at agad akong sinikmuraan.

Napatili naman si Matet sa ginawa ni  papa at tumawag agad ng saklolo.

Pero bago pa ako matulungan ay hinatak na ako ni papa papasok sa taxi n’ya. Nang makapasok ako ay dali-dali naman s’yang pumasok at pinaandar agad ang taxi n’ya.

Tiningnan ko muna si Matet at kitang-kita ko ang takot at pag-aalala sa mukha n’ya. Nginitian ko lang s’ya saka mabilis na umandar ang sasakyan.

Here we go again.




Nagising nalang ako kinabukasan na katabi ko ulit si mama na nakayakap sa akin. Gaya ng nakasanayan ay hilam ulit ang mukha n’ya at namamaga ang mga mata n’ya.

Tulad ng dati ay hinalikan ko lang si mama at niyakap din pabalik.

Nung araw na iyon ay pumasok ulit ako sa pinag-o-OJT-han kahit masakit ang buong katawan ko.

Gulat na sinalubong ako ni Matet nung makarating ako sa pinag-o-OJT-han ko. Buong araw ay hindi ako tinigilan ng mga kasamahan ko sa pagtatanong kung ano ang nangyari sa akin at bakit marami akong pasa. Pero hindi ko sila sinagot. Hindi rin naman ako tinanong ni Matet. Niyakap n’ya lang ako ng mahigpit.



Ilang buwan lang ang lumipas at graduation na namin. Suma Cum Laude ako pero hindi ako masaya.

Dahil ilang buwan na rin akong sinasaktan ng papa ko. Pati ang mama ko ay nasasaktan n’ya pero humihingi naman s’ya ng tawad kay mama sa tuwing nasasaktan n’ya ito. Hindi s’ya pinatawad ni mama hangga’t hindi raw ako titigilan ni papa kaya mas lalong nagalit si papa sa akin.



Araw ng graduation ay kailangan ang mga magulang namin para sila na ang magsabit ng medal ko pagkatapos kong magbigay ng speech. Pero hindi nakarating si mama.

Habang nasa taas na ako ng stage ay naiiyak akong tumingin sa mga ka-batchmates namin. Hawak-hawak ko ang papel na may nakasulat na speech ko at nanginginig ang mga kamay ko habang papalapit sa podium.

HE RAPED ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon