Chapter 20 —
“HE RAPED ME!!!” sabay na sigaw namin ni Katrina.
Nagulat naman ako sa sinabi ni Katrina at pati rin siya ay gulat na napatingin sa akin.
“NO! Y O U - R A P E D - M E!” Galit na sigaw ni Katrina.
“What?!” gulat na sigaw ko sa kanya?
Ano?! Ni-rape ko s’ya?!
Sinampal naman ako ni Katrina at masama na ang tingin n’ya sa akin ngayon.
“YES CLEO! You raped me! Tsaka sino namang re-rape sa’yo?! Feeling ka ha!” naiiritang bulyaw sa akin ni Katrina.
Napatahimik naman ako.
“Hindi naman pala talaga totoong bakla si Cleo eh.” natatawang saad ni Rico.
And there. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi n’ya.
“Shut up Rico!” galit na sigaw ni Cherry sabay tulak dito.
Tulala lang ako habang si Katrina ay naramdaman kong niyakap ako.
“I’m sorry. Nasampal kita.” she whispered in my ear while hugging me tightly.
Pero para akong nabingi.
‘Hindi naman pala totoong bakla si Cleo eh.’
‘Hindi naman talaga totoong bakla si Cleo eh.’
Bakla...
Bakla...
FLASHBACK
“Anak, ingat ka ha? Makinig ka sa teacher mo.” sabi ni papa habang ginugulo ang buhok ko.
Tumawa lang ako sa ginawa ni papa at naglakad na papuntang classroom. Grade 1 section Bloom ako.
Masaya ako habang pumapasok sa loob ng classroom ko. Nakita ko naman agad ang mga classmates ko noong kindergarten kaya nilapitan ko agad sila.
Masaya naman nila akong niyakap at pinaupo sa tabi nila. Agad naman naming nilabas ang mga paperdolls namin at naglaro. Si Cheska ay biglang nilabas ang Barbie doll n’ya.
Napalaki naman ang ngiti ko kasi nakahanda na ako. Nilabas ko din ang barbie doll na nakita ko sa cabinet ni mama. Hindi naman ito pangit. Sa tingin ko ay kay mama ito nung mga bata pa s’ya.
May cabinet kasi siya kung saan nakalagay ang mga toy collection n’ya pati narin ang mga barbie dolls n’ya.
Nagpabonggahan kami ng damit ni Cheska at tuwang-tuwa naman kaming dalawa kasi kaming dalawa lang ang may barbie doll na dala.
Okay lang naman ‘yong mga kaklase ko sa umpisa pero kalaunan ay tinutukso na nila akong bakla. Binubully ako ng mga kaklase kong lalake pero hindi ko nalang sinabi kina mama at papa.
Isang araw ay pumunta ako sa small forest park ng school at doon umiyak ng umiyak dahil hindi ko na matiis ang pambubully nila sa akin.
Biglang may nag-abot ng panyo sa akin kaya pinunasan ko ang sipon gamit ang sariliring kamay ko at pinahid sa pantalon.
Tiningnan ko kung sino ang nagbigay nung panyo.
Isang matabang batang lalake.
Nginitian n’ya ako tapos pinipilit na kunin ko ang panyo n’ya.
“Sabi ni mama, kapag may nakita daw akong umiiyak ay ipahiram ko ang panyo ko. Pero dapat daw clean ito kaya hindi ko ginagamit ang panyo ko.” sabi nung batang lalake.
Kinuha ko naman ito at umiyak ulit.
“Bakit ka umiiyak? Sinong away sa’yo?” tanong nung bata sa akin.
“Eh kasi inaaway ako ng mga kaklase ko. Bakla daw ako.” sabi ko habang humihikbi.
“Ha? Anong bakla?” tanong nung bata.
“Ako daw, bakla daw ako.” mas lalo naman akong umiyak.
“Huwag ka nang umiyak. Ganto nalang! Kapag inaaway ka nila, isusumbong mo sa akin. Tapos isusumbong ko sila kay teacher.” sabi nung bata.
Napatahan naman ako tumingin sa kanya.
“Totoo? Promise mo ‘yan ha?” sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang luha ko.
“Oo naman! Promise ‘yan!” masiglang sabi nung bata tsaka inakbayan ako.
“Cleopoldo Iñigo Suarez nga pala ang pangalan ko.” sabi ko habang nahihirapang bigkasin ang pangalan ko.
“Joseph Sanchez naman ang pangalan ko!” may pagmamalaking sabi nung batang mataba.
Simula noon ay naging magkaibigan na kami ni Joseph. Kapag may tumutukso sa akin ay inaaway n’ya ito. Kaya minsan nalang may nanunukso sa akin.
Nung grade 3 na ako ay mas naging mahilig ako sa mga larong pambabae. Nakikipaglaro ako sa mga kapitbahay naming babae samantalang si Joseph naman ay kasama ang mga kaibigan n’ya na mga lalake.
Nasa labas ako ng bahay at nakikipaglaro ng Chinese Garter sa mga kaibigan kong babae nang makita ako ni papa. Nagulat ako sa pagdating n’ya dahil kadalasan ay gabi na ito umuuwi galing sa pamamasada.
Napatigil ako sa paglalaro nang makita kong galit na lumalapit si papa. Pagkatapos ay hinila n’ya ako at kinaladkad papasok ng bahay. Umiyak agad ako nung maramdaman ko ang sakit sa braso ko. Tingin ko’y nababali ang maliit ko pang mga buto sa braso.
“Amelia!” galit na sigaw ni papa matapos akong ibalya sa sahig.
Mas umiyak naman ako nang maramdaman ko ang pagbagsak ko sa matigas na cemento namin. Napauklo ako sa sakit na naramdaman ko sa likod ko.
“Jusko Lucio! Anong ginawa mo sa anak natin?!” narinig kong sigaw ni mama.
Naramdaman ko agad na maingat na hinawakan ni mama ang likod ko.
“Amelia! Sagutin mo nga ako?! Bakla ba iyang anak mo?!” galit na sigaw ni papa.
Nakapikit lang ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Naramdaman kong nawala ang paghawak ni mama sa akin at isang malakas na sampal ang nakuha ko mula kay papa. Mas lalo akong pumalahaw sa iyak dahil sa ginawa ni papa.
“Putang ina! Huwag kang iiyak-iyak na parang babae! Wala akong anak na bakla! Umayos ka Cleo kundi sasapakin kita!” galit na sigaw ni papa.
Pagkatapos ay kiladkad n’ya ako papasok sa kwarto ko. Iyak lang ako ng iyak habang nababangga ang pwet at likod ko sa hagdanan namin. Hindi ako makatayo dahil sa sakit ng likod ko.
“Lucio tama na! Maawa ka sa anak natin!” umiiyak na sabi ni mama habang pinipigilan si papa.
Nakita kong tinulak ni papa si mama kaya napatumba ito at nahulog sa hagdan. Mabuti nalang at nakakapit s’ya sa hawakan bago s’ya bumagsak kaya hindi gaano kalakas ang impact ng pagkakahulog n’ya.
“Mamaaa!!” sigaw ko at mas lalong umiyak.
Binalya ako ni papa sa loob ng kwarto ko, naramdaman ko na parang may nabaling buto sa braso ko at mas lalong sumakit ang nararamdaman ko.
Umiiyak lang ako habang nakahiga sa sahig. Nakita kong kinalat ni papa ang mga gamit ko. Binuksan n’ya ang cabinet ko at kinalat iyon na para bang may hinahanap.
Nang walang makita ay ibinalya ni papa ang maliit ko na kama. Namutla ako ng makita kong nakabalandra sa harap n’ya ang karton na pinaglagyan ko ng mga laruan ko.
Kinuha ito ni papa at tiningnan muna ako bago ito binuksan at binuhos ang laman nito sa sahig. Kitang-kita ko kung paano’ng parang nag slow-mo ang paglaglag ng mga barbie doll ko, paper dolls, at kung ano-ano pa.
Nakita ko ang mas lalong galit na mukha ni papa kaya umiyak na ako ng umiyak.
“Mamaaa!!! Mamaa!!! Mamaaa!!” paulit-ulit na sigaw ko.
Lumapit si papa sa akin at binigwasan ako. Napaubo naman ako sa ginawa ni papa sa akin. Nahihirapan akong huminga habang umiiyak. Tinatawag ko parin si mama sa kabila ng hapdi at sakit na nararamdaman ko.
Hinatak n’ya ulit ako palabas ng kwarto. Napaigik ako ng maramdaman kong pababa ulit kami ng hagdan habang hinihila ako ni papa. Hindi ako kumikilos dahil hindi naman ako makakilos. Nararamdaman ko lang ang sakit kada salampak ko sa bawat baitang ng hagdan.
“Lucio tigilan mo na ‘yan!! Tulungan n’yo ako Ben huhu sige na!” umiiyak na sabi ni mama habang may mga kasama s’yang mga kalalakihan.
Naramdaman ko namang nabitawan ako ni papa at nakita kong may mga kalalakihang humahawak kay papa habang nagpupumiglas siya at masamang nakatingin sa akin.
“Bitiwan n’yo ako! Kailangang madisiplina ng batang iyan habang bata pa! Wala akong anak na bakla! Hindi ko ‘yan matatanggap! Punyeta ka! Umayos kang bata ka!” naririnig kong sabi ni papa.
Nakapikit na ako ngayon at naramdaman ko ang yakap ni mama sa akin. Hindi ko maikilos ang mga kamay ko. Hindi ko rin magawang ngumiti dahil ramdam ko ang sakit sa pisngi kong sinampal ni papa pati narin sa t’yan kong binigwasan n’ya.
Naririnig ko ang bawat pagtangis ni mama habang tinatawag ako. Nararamdaman ko rin ang pagtulo ng mga luhang mainit pa galing sa mga mata n’ya.
“Cleo...Cleo anak...n-naririnig mo ba si mama?” umiiyak na tawag ni mama sa akin.
Humihinga lang ako pero hirap na hirap ako sa paghinga.
“M-ma..ma...t-tulong po...m-mama..” paulit ulit na sambit ko habang nakapikit. Nararamdaman kong umaagos pa rin ang mga luha ko. Pagod na pagod ang buong katawan ko at sobrang sakit nito.
“Ilayo mo ‘yang batang iyan sa akin kundi mapapatay ko ‘yan!” rinig ko pang sigaw ni papa.
“Tama na pare!” narinig kong sigaw ni Mang Ben na kaibigan ni papa. Si Mang Ben ang papa ni Joseph at close kami ni Mang Ben kahit ganito ako.
“M-mama...a-ayoko na p-po...” nanghihinang sabi ko habang patuloy na umaagos ang luha ko. Pinilit kong ibuka ang mga mata ko kahit sobrang bigat na nito. Kahit gusto ko nang matulog.
Pagod na pagod ako.
“N-no...no Cleo...please huwag mong s-sabihan iyan kay m-mama...” sabi ni mama.
Nakatingin lang ako sakanya habang patuloy na umaagos ang luha ko. Nakikita kong umiiyak si mama at pinipilit n’yang hindi makagawa ng ingay habang umiiyak.
Pinilit kong ngumiti kahit sobrang sakit ng pisngi at labi ko.
“M-mama...t-tulog na a-ako...” nanghihinang sabi ko sakanya.
Umiyak na ng todo si mama at pamalahaw na siya habang yakap-yakap ako.
“Hindi! Huwag muna anak please! Papunta na ang ambulansya! Anak huwag ka munang pumikit huhuhu please anak! Mahal na mahal ka ni mama! Huhuhu Tulungan n’yo kami!” narinig kong sabi ni mama pero bumibigay na talaga ang talukap ng mga mata ko. Kaya pinikit ko nalang ito at hinayang matulog.
Author’s Note: Ready your tissue guys. Kahit ako ay naiyak rin ako sa part na’to huhuhu. Pero mas maiiyak kayo sa next chapter kaya ready your tissue nalang. Kung hindi kayo maiyak ay ewan ko nalang.
Manhid siguro kayo.
Charooottt HAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
HE RAPED ME (Completed)
Romance"A journey of LOVE and IDENTITY." Date started: June 11, 2020 Date finished: June 13, 2020 Date edited: June 25, 2020