Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa dumating na ang araw ng padespidida party ng mommy ni Leo.
Nasa opisina pa kami at tinatapos ang mga gawain namin ng biglang tumayo si Cherry at nag-inat ng katawan. Tiningnan ko naman s’ya at nakita kong humihikab naman s’ya.
Kumunot ang noo ko at mas tinitigan pa s’ya. Mukha s’yang pagod. May eyebags at medyo namumula din ang mga mata n’ya. Hindi ba s’ya natulog?
“Cherry! Pst!” tawag ko sa kanya.
Lumingon naman s’ya sa akin at ngayon mas nakita ko ang pagod sa mukha n’ya.
“Ano?” tanong ni Cherry sa akin.
“Hindi ka ba natulog kagabi?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Iniwas n’ya ang tingin n’ya sa akin at namula ang buong mukha n’ya. Mas lalo namang kumunot ang noo ko.
“Huy bruha! Sagutin mo nga’ko!” naiiritang bulong ko sa kanya.
Pero hindi na n’ya ako tiningnan ulit. Pulang-pula parin ang buong mukha n’ya pero nagbi-busy-busyhan ang bruha. I just shooked my head and focus myself on my work.
Malalaman ko rin ‘yon.
___
Uwian na at gusto ko sanang umuwi na dahil ayokong makausap o makasama muna si Katrina pero no choice ako dahil napagdesisyonan ng lahat na sabay kaming pupunta kina Leo.
Ilang araw ko nang iniiwasan si Katrina. Nagtataka na nga si Cherry at ang iba pa naming kaibigan pero hindi naman sila nagtatanong o ano na s’yang pinagpapasalamat ko. Si Katrina naman ay panay tanong sa akin noong nakaraang araw pero hindi ko rin s’ya pinapansin kaya tumigil na s’ya sa kakakulit. Dalawang araw na n’ya akong hindi pinapansin.
Siguro nagtatampo.
Pero palagi naman akong nakakatanggap ng message sa kanya. Minsan kapag lunch time ay may nakikita lang akong juice o kung ano-ano sa ibabaw ng mesa ko na may nakadikit na sticky note saying “I miss you — K”. Hindi na talaga kasi ako sumasabay sa pagkain sa kanila. Patago lang akong kumakain sa office and good thing, hindi pa ako napapansin ng Supervisor o di kaya ay Head namin.
Si Joseph ay palagi akong tinitext na mag-usap kami pero hindi ko s’ya nirereplyan. Kapag magkasama naman kami ay tinititigan n’ya ako at parang pinapakiramdaman ang bawat kilos ko. Minsan naman ay hinaharang n’ya ako pero mabilis akong nakakaiwas kaya hindi na talaga kami nagkausap pa.
Si Erick ay hindi na masyadong lumalapit sa akin. Hindi na rin kasi kami masyadong nagkakasama dahil hindi ako sumasabay ng lunch sa kanila, at sa tuwing uwian naman ay lagi akong nauunang umalis. Tinigil na rin n’ya ang pagdadala ng rosas at kung ano-ano. Nalaman ko nalang na may pinopormahan na daw si Erick sa ibang department. Mas maigi iyon.
Mas nagkaka-usap lang kami ni Cherry dahil malapit lang ang workspace namin. Nakikinig lang ako minsan sa mga kwento n’ya about sa bonding nila ng mommy ni Leo o di kaya ay about sa family n’ya na kinukulit na s’yang magkaroon ng kasintahan. Hindi naman n’ya ako tinatanong tungkol sa akin. Tumititig lang s’ya paminsan-minsan tapos ngingiti. Nagte-text lang ako kay Cherry kapag nauuna ako. Nirereplyan lang naman ako ni Cherry ng “Oks. Ingat ka. Magsabi ka lang kung may problem ka. You can trust me.”
Si Leo naman ay medyo awkward ang mga tingin n’ya lagi sa akin kapag nagkakasalubong kami. Ngingitian n’ya ako pero ibang ngiti naman ang nakikita ko. Parang sinasabi nitong ‘bleh-may-alam-ako-na-hindi-alam-ng-iba’. At naiinis ako dahil doon. Sa tingin ko ay may alam s’ya sa sekreto ko at naiinis ako dahil nalaman n’ya iyon.
Halata ba ako?
“Cleo tara na! Time na oh!” masiglang saad ni Cherry sa akin.
Napatingin naman ako sa kanya.
Nagbago ata ang mood n’ya? Tumingin naman ako sa oras sa computer ko. Time na nga. Hindi ko man lang namamalayan.
Sinave ko muna ang files ko at kinopy sa flashdrive ko pagkatapos ay kinuha ko na ang flashdrive saka ko in-off ang computer. Nang masigurong naka-off na ang computer ay tumayo na ako at sinukbit ang shoulder bag ko sa balikat ko.
“Wait lang Cherry, ipapasa ko lang ang files ko sa Sup natin.” sabi ko kay Cherry.
“Okay. Sa labas na kami ng building maghihintay sa’yo.” sabi naman ni Cherry at nagtatalong umalis.
Excited ata masyado si Cherry?
Pumunta agad ako sa office ng Sup namin at pinasa ang file ko. Nag thumbs-up lang ang Sup kaya lumabas na ako ng office.
Nag log-out muna ako bago naglakad patungong elevator. Pero napatigil ako nang makita ko si Katrina na nakatingin sa akin habang nakasimangot.
Iniwas ko ang tingin ko at nagpatuloy sa paglalakad. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Pero hinayaan ko nalang ito. Hindi ko naman ito mapipigilan pa.
Nang nasa harapan ko na si Katrina ay nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Nilampasan ko lang s’ya pero nagulat ako ng may humila sa akin at niyakap ako.
“I miss you. I miss you so much.” sabi ni Katrina habang nakayakap ng mahigpit sa akin.
Para naman akong hindi makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot ako na baka marinig n’ya ang nag-iingay kong puso kaya tinulak ko s’ya ng mahina. Pero niyakap n’ya ulit ako, mas mahigpit.
Huminga ako ng malalim at tiningnan ang buong paligid. May iilan pang mga tao pero hindi naman nila kami napapansin.
“Nagtatampo talaga ako sayo. Naiinis na ako. Gusto kong magtaray at hindi ka pansinin. Pero hindi ko kaya.” naiiyak na sabi ni Katrina kaya napatingin naman ako sa kanya. Ulo n’ya lang ang nakikita ko dahil nga nakayakap s’ya sa akin ng mahigpit at maliit lang s’ya sa akin.
“M-miss na miss n-na k-kita.” pumiyok ang boses n’ya kaya hinawakan ko ang magkabilang balikat n’ya. Gusto kong makita ang mukha n’ya.
Nasasaktan ako.
Nasasaktan ako sa boses n’ya. Ramdam ko ang pait sa boses n’ya. Ang pangungulila. Ang pag-aalala. At ang pag...
Mamahal...
Humigpit lalo ang yakap n’ya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha n’ya. Huminga ulit ako ng malalim at hinayaan ko nalang ang sarili ko.
Niyakap ko s’ya pabalik at hinalikan ang ulo n’ya. Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng balikat n’ya at kanyang mahinang paghikbi.
Umiiyak na s’ya.
“Ssshh..I’m sorry. I’m sorry if nararamdaman mo iyan ngayon.” sabi ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin. Ayokong magsalita ng mga bagay na pagsisisihan ko.
“Huwag mo na akong iwasan please. Miss na miss na kita.” humihikbing saad n’ya.
Hinawakan ko ang mukha n’ya at tinaas ito para makita ko ng buo ang mukha n’ya.
Parang pinipiraso ang puso ko nang makita kong basang-basa na ang mukha n’ya. Shit.
Pinunasan ko ang mukha n’ya gamit ang mga daliri ko habang nakatitig sa mata n’ya. Pulang-pula ang ilong at labi n’ya. Naglalabasan pa rin ang mga luha n’ya kaya kinuha ko na ang panyo sa bag ko tapos pinunasan ng marahan ang mukha n’ya.
“Hindi na...kaya tahan na please.” sabi ko habang nakatitig parin sa mga mata n’ya.
Tumango naman s’ya habang sumisinok-sinok pa. Niyakap ko ulit s’ya at hinagod ang likod n’ya para tumahan na s’ya.
Hindi ko kayang nakikita s’yang umiiyak. Nasasaktan ako.
Mas nasasaktan ako.
Naramdaman ko namang niyakap n’ya rin ako pabalik. Napangiti naman ako at mas hinigpitan pa ang yakap ko.
Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito gamit ang free hand ko habang ang isang kamay ay nakayakap parin kay Katrina.
Inopen ko ang phone ko at tiningnan ang message.
From: Cherry
‘Cleo asan kana? Inutusan ka ba ulit ng Head? Pag nakita mo si Katrina isabay mo na sa iyo. Wala pa kasi s’ya dito.’
From: Joseph
‘I know you’re with Katrina. Dalhin mo nalang s’ya dito.’
Nagulat ako sa message ni Joseph sa akin.
Alam ba n’ya?
Tiningnan ko ulit si Katrina. She’s still hugging me.
“Hinahanap na nila tayo.” sabi ko sa kanya.
“Fix yourself bago tayo bumaba.” pagpatuloy ko pa.
Tumango naman s’ya at ngumiti sa akin. Humiwalay na s’ya sa akin ngayon at masayang tumingin sa akin habang pinupunasan ang mukha n’ya. Tinulungan ko naman s’yang punasan ang basa n’yang mukha gamit ang panyo ko.
“CR muna ako. Aayosin ko muna ang sarili ko.” nakangiting sabi n’ya.
Tumango naman ako kaya mas lalong lumaki ang ngiti n’ya saka dali-daling tumakbo papunta sa CR ng floor namin.Tama ba ‘tong ginagawa ko?
BINABASA MO ANG
HE RAPED ME (Completed)
Romance"A journey of LOVE and IDENTITY." Date started: June 11, 2020 Date finished: June 13, 2020 Date edited: June 25, 2020