Chapter 16

393 31 2
                                    


Sabay na bumaba kami ni Katrina habang magkahawak kamay. Pareho kaming nakangiti ng malapad ngayon. Hindi na masyadong mapula ang mata at ilong n’ya pero kung tititigan mo s’ya ay malalaman mong kagagaling n’ya lang sa pag-iyak.

Nung nasa ground floor na kami at lumabas na sa elevator ay binitawan ko ang kamay n’ya. Nakita ko ang pagtingin n’ya sa akin pero iniwas ko ang mata ko. Nasasaktan akong nakikitang nasaktan s’ya sa ginawa ko.

Hindi kasi talaga pwede.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nasa harapan ko si Katrina at nasa likod naman ako. Ayokong magkasabay kaming maglakad. Mas mabuti na’to.

I have to stop myself. I have to.

Nung tiningnan ko si Katrina ay nakayuko lang s’ya.

Haaaayysss....

Sinabayan ko s’ya ng lakad at inakbayan s’ya. Gulat naman na napatingin s’ya sa akin at tama nga ako, naiiyak nanaman s’ya. Nginitian ko nalang s’ya pero hindi na ako nagsalita pa. Tinuon ko nalang ang pansin ko sa labas at nararamdaman kong nakatitig lang si Katrina sa akin.

Nakita ko naman agad sila. Nakatingin lang silang lahat sa amin. ‘Yong tingin nila Rico at Benjie ay may halong malisya. Pero hindi ko na sila pinansin. Si Joseph naman ay nakatingin din sa amin pero agad na iniwas ang tingin n’ya. Si Cherry at Leo ay nakangiti na may kasamang malisyosong tingin. Si Erick at Carlos ay parang wala lang habang nakatingin sa amin.

“Sorry. Inutusan pa ako ng Head eh. Nakasabay ko naman si Katrina sa elevator. Galing daw s’yang CR.” maagap na sabi ko.

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Katrina pero hindi ko nalang pinansin. Ayokong ma-distract. Sila naman ay umo-o lang at tinawag na kami para sumakay sa inarkilahang van ni Leo para sa amin.

“Erick! Sorry natagalan ako. May sinubmit pa kasi ako sa Head namin.” may biglang nagsalita sa likod namin.

Lumingon naman kami at nagtatakang tumingin sa kanya. Nakita ko naman ang ngiti nitong nauwi sa ngiwi.

“Are they your friends?” nag-aalangang tanong nung babae habang nakatingin sa amin.

Lumapit naman si Erick sakanya sabay akbay nito at ngumiti sa amin.

“Guys, this is Ericka. My girlfriend. Ericka, they are my friends. Rico, Benjie, Carlos, Cherry, Leo, Joseph, Katrina and Cleo.” pagpapakilala ni Erick sa amin.

“Ericka?” sabay sabay na tanong namin.

“Ahm...yeah?” medyo nahihiyang sagot ni Ericka.

Maganda rin s’ya but mas maganda si Katrina. Mwehehehe

“Cool! Erick at Ericka! Nice one pre! HAHAHAHA” biglang sigaw ni Rico.

“Parang kambal lang! HAHAHAHAHA” natatawang sabi ni Benjie at nag-apir pa silang dalawa ni Rico.

Natawa nalang din kami. Naramdaman kong nakatingin si Katrina sa akin kaya nilingon ko s’ya.

Nakangiti s’ya sa akin habang nakatingin sa akin. Nginitian ko naman s’ya at iniwas agad ang tingin ko sa kanya. Saktong napunta ang tingin ko kay Joseph. He was looking at us pero nung makita n’yang napatingin ako sakanya ay umiwas agad s’ya ng tingin.

Bumuntong-hininga ako.


Nagi-guilty ako.


Sumakay agad kaming lahat sa van na inarkila ni Leo. Hindi dinala ni Erick ang sasakyan n’ya dahil sinabihan na s’ya ni Leo kahapon na huwag nang magdala para sabay kaming pupunta kina Leo.

Sa loob ng van ay magkatabi kami ni Katrina at Joseph. Nasa pinakalikod kami habang ang iba ay nasa harap naman. Maingay sila Rico at Benjie, paminsan-minsan ay nakikitawa kami sa mga biro nilang minsan ay waley.

Katabi ko ang bintana sa kaliwa habang sa kanan ko ay si Katrina. Ang katabi naman ni Katrina ay si Joseph. Kumbaga pinapagitnaan namin si Katrina.

Mabigat ang loob ko at kinakabahan. Panay ang buntong-hininga ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Katrina sa kamay ko. Kinakabahang napatingin ako sa kanya.

Ano ba ‘tong ginagawa n’ya!

Nasa gilid n’ya lang si Joseph!

Hiniwalay ko ang kamay ko sa kanya at iniwas ang tingin ko dahil nakita ko ang biglang paglungkot ng mga mata n’ya. Nagpanggap na lang ako na may kukunin sa bag para hindi mahalata ni Joseph ang kakaibang kilos namin ni Katrina.

Habang naghahalungkat ako ng bag ay ramdam na ramdam ko ang titig ni Katrina sa akin.

Ano ba ‘tong ginagawa n’ya! Masyado s’yang nagpapahalata sa nararamdaman n’ya!

Hindi talaga ito pwede eh!

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinext si papa na baka magagabihan ako dahil may despidida party akong pupuntahan. Sinabi ko narin na huwag na akong sunduin.

Nagreply naman agad si papa at tinatanong kung sino ang kasama ko.

Nagreply agad ako sa kanya at sinabing kasama ko ang mga kaibigan ko.

‘Okay’ lang at ‘Ingat’ ang reply n’ya kaya binalik ko na ang cellphone ko sa loob ng bag. Pagkatapos ay sinarado ko na ang bag ko. Ramdam ko parin ang titig ni Katrina sa akin kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko.

Alam kong nasasaktan s’ya sa ginawa ko. Nasasaktan din naman ako. Pero kapag ipagpapatuloy namin itong ginagawa namin ay may masasaktan kami. Si Joseph.

Tahimik lang kami sa byahe at ramdam ko parin ang titig n’ya. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang ulo n’ya sa balikat ko. Igagalaw ko na sana kaso nagsalita s’ya.

“Please” mahinang sabi n’ya.

Kaya hinayaan ko nalang ang ulo n’ya sa balikat ko. Hindi ko na inabala pang ibuka ang mga mata ko dahil natatakot ako na baka may mga matang nakatingin sa amin.

Ilang sandali pa ay nakarating narin kami kina Leo kaya nagsilabasan na kami. Pinauna ko si Katrina at saka naman ako sumunod. Nagkatitigan muna kami ni Joseph bago ako umiwas at bumaba na.

Sinalubong naman kami ng bahay na may kalakihan. May naririnig din kaming disco songs na umaalingawngaw sa buong kabahayanan. May mga disco lights din akong nakikita mula sa loob. Naririnig ko rin ang mga boses ng mga tao sa loob, marahil ay mga bisita rin ng mama n’ya.

Naunang pumasok sina Rico at Benjie habang hinihila ang nahihiyang si Carlos. Sumunod naman sina Cherry at Leo na tumatawa. Ang kapal talaga ng mukha nitong sina Rico at Benjie hahaha nauna pang pumasok ang mga baliw hahaha. Ngayon ko lang napansin na may dalang box na pahaba si Cherry. Ano kaya ‘yon? Sumunod naman si Erick at ang kasintahan n’yang si Ericka. Nakaakbay lang si Erick kay Ericka habang si Ericka naman ay nakayakap sa bewang ni Erick. They look happy. Good.

Susunod na sana ako kaso hinigit ni Katrina ang kamay ko at sumabay na sa akin. Napalingon naman ako kay Joseph dahil sa ginawa ni Katrina. Umiwas ng tingin si Joseph at nauna nang pumasok.

Bakit wala s’yang sinasabi? Hindi naman siguro s’ya pipi para hindi magsalita? Bakit hindi n’ya ako sinusumbatan?

At mas lalong hindi naman s’ya bulag para hindi makita ang kakaibang kinikilos namin ni Katrina.

Alam kong nakakaramdam na s’ya sa namamagitan sa amin ni Katrina. Pero bakit hindi s’ya nagsasalita?

Bakit n’ya binabalewala ang pagtataksil namin ni Katrina?



Bakit?

HE RAPED ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon