Chapter 5
Nakaupo na kami dito sa isang sikat na restaurant. Medyo may kalayuan sa building na pinag-ta-trabahoan namin pero okay lang kasi may sasakyan naman pala s’yang dala. Akala ko mag-co-commute kami.
At buti nalang din at ang napili n’yang pwesto is medyo tago sa mga tao. Nakakahiya kasi kapag may nakakita sa amin. Baka kung ano ang isipin.
“Ahm...Cleo...order muna tayo.” nahihiyang sabi ni Erick sabay abot ng menu list sa akin.
Hindi nalang ako nagsalita at tiningnan ko ang mga pagkain sa menu. May kamahalan ang bawat pagkain pero okay lang dahil may pera naman ako.
“Pumili ka lang. Ako na ang bahala sa bayad.” sabi ni Erick.
“Ako na ang magbabayad sa pagkain ko. Don’t worry about it.” sabi ko nalang.
“No. I insist. Ako ang nag-aya sa’yo dito, therefore, I ought to pay the bill.” pinal na sabi nito.
Hindi ko nalang s’ya pinansin at nag-order na.
___
Tahimik lang kaming kumakain ni Erick nang biglang s’yang nagsalita.
“Sorry nga pala sa nagawa ko sa’yo Cleo. Hindi ko dapat ginawa iyon. I’m a jerk. I know that. That’s why I’m so sorry.” malungkot na saad ni Erick.
Masyado ba akong soft hearted kung sasabihin kong naawa ako sa kanya? I mean, oo. May kasalanan s’ya sa akin pero hindi n’ya naman siguro iyon sinasadya di ba? Kaya siguro naman okay lang kung papatawarin ko s’ya. He seems sincere and true to his words.
“Erick, hindi ko alam kung totoo ang sinasabi mo o kung totoo ang pinapakita mo sa akin. Pero papatawarin kita dahil ayokong may kaaway. Ayoko ring magtanim ng galit sa isang tao.” sabi ko kay Erick habang tinitigan siya sa mata. Gusto kong maramdaman niya na sincere ako sa sinasabi ko.
“Thank you. I hope maging magkaibigan tayo. I know sobra-sobra na ang gusto ko pero gusto lang talaga kitang magkaibigan. I know I don’t deserve to be your friend after what I did to you. Pero susubukan ko nalang ang luck ko na baka ayos lang sa’yo na maging magkaibigan tayo.” pagsusumamo ni Erick habang hinahawakan ang mga kamay ko.
Nginitian ko s’ya.
“Susubukan kong maging kaibigan ka. Sana huwag mong sayangin itong chance na’to.” sabi ko kay Erick.
Hindi naman ganun kalaki ang kasalanan n’ya kaya I think he deserves the chance. Tsaka ang OA ko naman kung magagalit ako ng matagal sa kanya. Wala na sa akin ‘yong ginawa n’ya. Everyone deserves a chance.
“Salamat. Maraming salamat talaga Cleo.” nasisiyahang sabi ni Erick.
Napangiti na rin ako. Siguro kung hindi lang ako binastos ni Erick noon ay magkaka-crush ako sa kanya. Pero wala eh. Siguro nga may dahilan ang lahat.
Matapos kumain ay hinatid agad ako ni Erick sa amin.
Nasa labas na kami ng bahay at pinagtitinginan kami ng mga kapitbahay namin. May naririnig pa akong nagsabi na ang haba daw ng buhok ko. May iba na masasama ang sinabi kaya hindi ko nalang sila pinansin.
“Erick salamat ha? ‘Di mo naman ako kailangang ihatid eh. Kaya ko naman ang sarili ko. Thank you ulit.” sabi ko kay Erick sabay ngiti.
“Ano ka ba Cleo. Ayos lang ‘no. Hahatid ka lang naman. Tsaka may sasakyan naman ako kaya walang problema.” sabi ni Erick.
Bumukas ang pintuan ng bahay namin at lumabas si mama. Sabay naman kaming napatingin ni Erick sa pintuan.
Nang makita kami ni mama ay gulat siyang napatingin sa amin.
BINABASA MO ANG
HE RAPED ME (Completed)
Romance"A journey of LOVE and IDENTITY." Date started: June 11, 2020 Date finished: June 13, 2020 Date edited: June 25, 2020