The next day ay maaga akong pumasok. Ayoko munang makasabay ang kahit na sinong kakilala ko.
Maalala ko lang ‘yong ginawa ko kahapon ay para na akong mababaliw. Nakakahiya talaga!
Mabuti nalang talaga at naging okay naman ‘yong nangyari kahapon. Nung nakarating na kami sa pinaka-malapit na ice cream parlor ay nag order lang kami at tahimik na kumakain. Hindi ko matingnan si Katrina dahil nahihiya ako sa ginawa ko. Ang OA ko ba? Eh kasi naman eh! Bakit kasi s’ya namumula na parang crush n’ya ako! Tutuksuhin ko lang dapat s’ya eh.
Tsaka, di ba wala lang naman dapat iyon? Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba ako nahihiya? Eh nagkatitigan lang naman kami ah! So what? Ano naman ngayon? Wala namang malisya doon ‘di ba? Tsaka babae kami! Wala dapat iyong malisya!
Meron ba? Shit. Wala naman di ba? Ba’t ba kasi s’ya namumula na parang kinikilig? Aaaahhhh!!!!! Kainisss!!!
Hanggang natapos kami sa pagkain ng ice cream ay hindi pa rin kami nag-iimikan. Hinatid ko lang s’ya sa may sakayan ng jeep pagkatapos naming kumain.
“Uhm...salamat nga pala sa pagsama...alis na ako. Bye.”
‘Yan yung huling sinabi n’ya sa akin kahapon. Hindi ko na s’ya nasagot kasi nagmamadali na s’yang sumakay ng taxi.
Kahit mas gusto kong mag jeep s’ya ay mas pinili n’ya ang taxi. Natatakot kasi ako para sa kanya na sasakay s’ya sa taxi ng mag-isa. Kababae n’ya pa namang tao. Wala pa naman akong tiwala sa ibang taxi drivers kasi ‘yong iba mga masasama.
Pagkatapos no’n ay tinext ko na si papa at tinanong kung masusundo n’ya ba ako. Mabuti nalang at nasa malapit lang si papa at vacant ‘yong taxi n’ya kaya nakuha n’ya ako.
Nasa loob na ako ng opisina at maliit pa lamang kaming nandito. Siguro ‘yong iba ay nasa cafeteria pa at nag-agahan.
Tiningnan ko ang relo ko, mag-a-alas syete palang ng umaga. Tiningnan ko rin ang kabuuan ng office namin. Malinis na ito. Wala kang makikitang small particles o mga buhok na nalagas galing sa aming mga babae dito. ‘Yong desk ko ay ganun parin. Malinis pa rin.
Nilagay ko na ulit ang picture frame ko at nilapag ko narin ang shoulder bag ko. Nilabas ko na rin ang pencil case ko at sticky note ko.
Nagsulat ako sa sticky note ko ng mga To-Do-Lists ko for today tsaka dinikit ito sa plywood sa gilid ko. In-on ko muna ang computer ko at saka pabagsak na umupo. Pinikit ko nalang ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid ko. Saka lang ako magsisimula sa trabaho ko kung marami nang tao. Tsaka alas otso pa naman dapat ang start ng work namin. Bukod doon ay maliit lang ang gagawin ko ngayon dahil napasa ko na ang mga pinapagawa sa akin for that day.
Siguro maaga akong matatapos ngayon.
Pagod rin ako kahapon. Hindi sa paglilinis. Kundi sa pag-aalala sa ginawa ko. Nakakahiya talagaa!! Hindi man lang ako nakapaglinis kahit ‘yong sa working table ko lang malapit sa bintana ko!! Nakakainis!
“Good morning Cleo.”
“Morning” sagot ko ng hindi man lang inaalam kung sino ang bumati sa akin.
Ilang segundo lang ay lumaki agad ang mga mata ko at nilingon ang bumati sa akin. Lumakas ang tibok ng puso ko at para akong nasusuka na ewan.
“Katrina...” sambit ko.
Feeling ko maduduwal ako sa paraan ng pagsabi ko sa pangalan n’ya. Nakita ko namang namula ang mukha n’ya kaya mabilis na iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Ramdam ko ang init sa buong mukha ko pati narin sa leeg ko kaya tumikhim ako at natatarantang hinawakan ang mouse at binaling ang tingin ko sa computer nagsimulang magtipa sa keyboard.
“Ahm...Cleo...ano ‘yang ginagawa mo? Bakit ka nagtitipa sa keyboard eh wala ka namang file na in-open?” nagtatakang tanong ni Katrina kaya tiningnan ko naman ng maayos ang screen ng computer, pabalik sa kamay ko na hanggang ngayon ay tumitipa pa rin.
Shit! Nakakahiyaaa!!! Huhuhu
Hinawakan ko ang kamay ko na nanginginig pa at nag-acting ako na nag-inat ng katawan. Tinaas ko ang mga kamay ko at nag-inat.
“Ha? ‘Yon ba? HA-HA! Exercise ‘yon. T-try mo! Hehe” nahihiyang saad ko. Hindi ako makatingin sa kanya kasi nakakahiya ang ginawa ko.
Ba’t ba ako affected? Wth?!
“Okay.” sabi n’ya at naramdaman kong umalis na s’ya. Alam kong natatawa s’ya sa ginawa ko kaya s’ya umalis kaya mas lalong nakakahiya!
Shit na malupet talaga! Huhuhu
Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at malakas na sinampal ang mukha ko.
Maghunos-dili ka nga Cleo! Nato-tomboy ka na ba?!
Wth?!
___
Lunch time nung makisabay ulit sa amin sina Katrina. Kasama na n’ya si Joseph ngayon pero mukhang wala ito sa mood dahil kahit binati namin s’ya ay hindi n’ya kami pinapansin.
Hindi rin sila nagpapansinan ni Katrina. Si Katrina naman ay parang wala lang na nagtatampo ‘yong boyfriend n’ya kasi nakikipagbiruan pa siya kina Rico.
Ako naman ay hindi makatingin sa kanila ni Katrina at Joseph. Ewan ko ba, nahihiya ako kay Katrina at nakokonsensya naman ako kay Joseph.
Hindi naman ako dapat na nakakaramdam ng ganito di ba?
“Cleo, shopping tayo.” biglang aya sa akin ni Katrina kaya napatingin ako sa kanya. Napatingin din si Joseph kay Katrina at ewan ko, parang nakaramdam ako ng panganib.
“Ha? Shopping? Sama ako!” sabi ni Cherry kaya napatingin ako sa kanya.
Tumingin naman s’ya sa akin at masayang tumatango-tango.
“Okay” sabi ko nalang.
Nakita kong napangiti si Katrina at nagsimula nang kumain samantalang si Joseph ay umalis bigla.
“Problema no’n?” nagtatakang tanong ni Rico.
“Mood swings siguro pre HAHAHA” sagot ni Benjie sabay halakhak.
“Hindi pa ba kayo nagbabati ni Joseph? Katrina?” nagtatakang tanong ni Erick.
“Oo nga.” pagsang-ayon ni Cherry.
Tumingin sa akin si Katrina kaya napaiwas naman ako ng tingin. Shet..ba’t ka ba tumitingin sa akin? Dukutin ko ‘yang mata mo eh!
“Hayaan n’yo na. Isip bata lang.” sagot ni Katrina. Ramdam ko parin ang titig n’ya kaya tumayo na ako.
Tapos na akong kumain.
Napatingin silang lahat sa akin dahil sa pagtayo ko kaya tinuro ko nalang ang plato ko na walang laman.
“Kelan tayo magsho-shopping Katrina?” tanong bigla ni Cherry kaya napatingin naman ako kay Cherry.
“Ahm...kung kelan available si Cleo” sagot ni Katrina.
Napatingin naman silang dalawa sa akin.
“Oo nga naman. Lagi nalang kasing hindi available si Cleo hahaha” natatawang sabi ni Erick.
“Sa...Sabado nalang siguro?” sabi ko sa kanila.
“Siguro? You’re not sure? Why? May gagawin ka ulit?” saad ulit ni Erick.
“Ahm...yeah...maglilinis pa ako ng kwarto ko.” sabi ko.
“Ha? Hindi mo nalinis kahapon?” nagtatakang tanong ni Erick sa akin.
“Hindi eh. CR muna ako. Tsaka siguro didiretso na ako sa office kaya huwag n’yo na akong hintayin.” sabi ko sa kanila.
“Okay” sabay sabay na sagot nila samantalang ang iba ay tango lang ang ginawa kaya umalis na ako sa cafeteria.
Hindi ako pumunta sa CR, instead, dumiretso ako sa office namin at hinanap ko si Joseph. Nang makita ko ay nilapitan ko ito. Nakapikit lang s’ya habang nakaupo sa chair n’ya.
“Joseph...” tawag ko sa kanya.
“Bakit?” sagot n’ya habang nakapikit parin.
“Ahm...may problema ba kayo ni Katrina? Hindi ka kumain.” sabi ko.
Binuka n’ya ang mata n’ya at tumingin sa akin.
“Cleo...huwag mo nalang isipin ‘yon.” sabi n’ya pagkatapos ay pumikit ulit.
Hindi nalang ako nagsalita. Tiningnan ko lang s’ya. He’s handsome as before. Pero wala na ‘yong paghanga ko sa kanya.
When did it ended? I don’t know.
Bumuntong-hininga nalang ako tsaka bumalik na sa area ko at nagsimula nang tapusin ang ginagawa ko.
Ilang sandali pa ay dumating na sila Cherry at pumunta na sa kani-kanilang pwesto.
___
Alas dos y trenta ng hapon nang matapos ako sa trabaho ko. Sinave ko na ang file ko sa flashdrive ko. Wala naman na akong ibang gagawin pa kaya nag-inat muna ako ng katawan bago ni-lock ang computer ko saka tumayo.
Papunta na ako sa private office ng supervisor namin nung makita ako ng Head ng Department. Pinapalapit n’ya ako sa kanya.
Lumapit naman ako sa kanya at nilagay ko muna sa pocket ng jeans ko ang flashdrive ko.
“Can you send this to the President’s Department? Tell the secretary that we need the President’s signature para mapasa ko na ito sa higher department at ma check na nila ito para ma-present na.” sabi n’ya.
Umo-o naman ako at kinuha na ang mga papers na binigay n’ya. Nag bow lang ako at nagsimula nang maglakad palabas ng office.
Nakita ko naman si Katrina na nakatayo malapit sa may water dispenser at umiinom s’ya ng tubig. Pagkatapos n’yang uminom ay nilapag na n’ya ang plastic cup at napatingin s’ya sa akin.
Nagpatuloy lang ako sa paglakad. Nagtataka s’yang tumingin sa akin nung papalabas na ako ng office na may dala-dalang papers.
“Para saan ‘yan?” nagtatakang tanong n’ya.
“Sa President’s Department daw. Pinapapasa ng Head natin.” sagot ko sa kanya.
Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din s’ya sa akin. Sabay naman kaming napaiwas kaya nagsimula na akong maglakad.
“Samahan na kita!” habol n’ya pa sa akin.
Ngayon ay nasa tabi ko na s’ya at kinuha n’ya ang half sa mga papers na dala ko.
“Ha? Tapos ka na ba sa trabaho mo?” tanong ko sakanya.
“Oo kanina pa. Ipapasa ko na sana kaso nauhaw ako kaya uminom muna ako.” sabi n’ya nang hindi man lang tumitingin sa akin.
Pagdating namin sa President’s Department ay ipinasa agad namin ang papers. Pinaupo muna kami ng secretary habang naghihintay kami while pinepermahan ‘yong papers.
Tahimik lang kaming dalawa ni Katrina habang naghihintay.
“Ahm...Cleo nagka-boyfriend ka na ba?” biglang tanong ni Katrina kaya napatingin naman ako sa kanya.
“Hindi pa” sabi ko.
Bawal kasi. Baka mapatay lang ako ng papa ko.
“Bakit?” tanong n’ya ulit.
Buti nalang dumating na ang mga papers kaya nagkibit-balikat nalang ako at kinuha ito. Tinulungan naman ako ni Katrina na dalhin ‘yung kalahati.
Actually, hindi ganun ka dami ang mga papers pero hindi ko nalang s’ya pinigilan.
Ewan ko. Siguro dahil gusto ko?
Wtf?!
BINABASA MO ANG
HE RAPED ME (Completed)
Romance"A journey of LOVE and IDENTITY." Date started: June 11, 2020 Date finished: June 13, 2020 Date edited: June 25, 2020