Chapter 8

511 38 3
                                    

Chapter 8

Lunes na ngayon at sobrang inaantok pa ako pero kailangan kong bumangon dahil ayokong ma-late. Buong weekend ay nagbasa lang ako ng librong nabili ko. Kahapon naman, matapos kong magbasa ay nag home workout naman ako. Kaso nakalimutan kong mag warm-up kaya masakit ang katawan ko ngayon.

Tamad na kinuha ko ang cellphone ko at pinasok ito sa loob ng bag ko. Pagkatapos ay naligo na ako at nag-ayos sa sarili.

Pagkababa ko ay nadatnan ko sila mama at papa na nag-aalmusal. Masaya silang nagkwe-kwentuhan kaya napangiti nalang ako.

Nung makauwi kami ni papa nung byernes ay nagtataka si mama kaya pinaliwanag ni papa ang lahat. Nag sorry rin siya kay mama at nag sorry ulit s’ya sa akin. Nag-iiyakan kami that time at nilabas namin lahat ng saloobin namin. Pagkatapos ay nagyakapan kami. Nung gabing iyon ay magkatabi kaming tatlo na natulog sa kama nila mama at papa. Iyon na ata ang pinaka-masayang araw ng buhay ko.

Mula nung Sabado ay sabay na kaming mag-almusal, mananghalian at maghapunan. Para kaming isang bagong pamilya at sobrang saya ko dahil sa mga nangyayari.

Tuwing umuuwi si papa ay may dala siyang mga pasalubong sa amin. Minsan pandesal na may kasamang soft drinks, minsan naman ay prutas. Masayang-masaya kami ni mama sa pagbabago ni papa.

“O anak? Halika na! Kain na tayo.” nakangiting tawag sa akin ni mama.

Lumapit naman ako sa kanila at umupo na. Nilagyan ako ng kanin ni mama at si papa naman ay binigyan ako ng gatas kaya natatawang tiningnan ko si papa.

“Seriously pa? Gatas?” natatawang tanong ko sa kanya.

“Bakit? Ayaw mo?” nagtatakang tanong ni papa.

“Gusto.” nakangiting sagot ko.

Simula bata pa ako ay gatas lagi ang binibigay n’ya sa akin. Natigil lang ito nung pumasok na ako sa grade 1—

Mabilis kong inalis ang naalala ko at nginitian si papa. Pagkatapos ay nagsimula na akong kumain.

___

Hinatid ulit ako ni papa sa building at sabi n’ya pa ay susunduin n’ya rin daw ako mamaya kaya sobrang laki ng ngiti ko nang tinangoan ko s’ya.

Pagpasok ko sa building ay nakita ko agad si Katrina. Nawala naman ang ngiti ko at binilisan ang lakad ko para hindi kami magkasabay sa elevator.

Pero malas ata ako ngayon dahil hindi pa ako nakaabot sa elevator ay sumarado na ito sakay ang maraming empleyado. Kaya ang nagyari ay naiwan ako at naabutan ako ni Katrina.

“Hi Cleo!” nilingon ko si Katrina at nakita kong nakangiti s’ya sa akin. Tinitigan ko ang mukha n’ya. Ano bang meron sa kanya at nagkagusto si Joseph sa kanya?

Maganda nga si Katrina. Maputi at kutis porcelana. Matangos rin ang ilong at may pagka chinita. Bagay sa kanya ang double eyelids n’ya. Ngayon ko lang napansin na kulay hazel brown pala ang mata n’ya. Sa malayo ay hindi mo mapapansin ang kagandahan sa mata n’ya pero kung tititigan mo ay napakaganda pala ng pagkaka-form ng mga mata n’ya. Makapal rin ang eyelashes n’ya. Medyo manipis ang kilay n’ya pero bagay sa kanya. Mapula at pouty naman ang lips n’ya. At may dimples pa sya! Ngayon ko lang napansin na may dimples pala sya! Ang ganda rin ng form ng mukha n’ya, walang double chin o bakas ng fats sa mukha. Parang kay Kendal Jenner ‘yong form ng mukha at jawline n’ya. Ang kinis n’ya rin. Parang hindi man lang nagka-pimples. Sana all.

“Nagka-pimples ka na ba?” biglang tanong ko.

Nagulat naman s’ya sa sinabi ko at namila agad ang mukha n’ya. Pulang-pula ang mukha n’ya kaya medyo nag-aalala ako sa kanya. Hala! Baka magka-heat stroke ‘tong babaeng ‘to!

“Ahm...hindi pa..”nahihiyang sagot n’ya at yumuko.

Pinasadahan ko ng tingin ang katawan n’ya. Petite s’ya pero sexy. Siguro mga nasa 5’1 or 5’2 s’ya. Bagay sa kanya ang light brown na buhok n’ya. Natural ba ‘to? O nagpakulay s’ya?

“Saan ka nagpakulay ng buhok?” tanong ko ulit. Curious lang ako. Gusto kong magpakulay din kung saan s’ya nagpakulay. Parang natural lang kasi ito.

Napatingin ulit s’ya sa akin at mas lalong pumula ang buong mukha n’ya.

“Okay ka lang ba?” pahabol na tanong ko sa kanya.

“Ah..oo okay lang ako. Tsaka, n-natural lang ‘tong buhok ko.” nahihiyang sagot n’ya.

Ganun ba? Ibig sabihin may lahi s’ya?

“May lahi ka?” tanong ko ulit.

Tumango lang s’ya at nginitian ako. Nginitian ko nalang din s’ya pabalik. Bumukas na ang elevator kaya pumasok na kaming dalawa. Kaming dalawa lang sa loob ng elevator kaya tiningnan ko ang relo ko. Kaya naman pala. Late na kasi kami. Tiningnan ko ulit s’ya. Ang stiff n’ya naman ngayon. Okay lang ba s’ya?

___

Nung lunch time ay kasabay kong kumain sina Cherry, Leo at Erick. Kakaupo palang namin ay tinanong ko agad si Leo kung bakit s’ya absent last time. Hindi kasi bumenta sa akin ‘yong sinabi nilang nilagnat s’ya.

“Ang totoo n’yan ano...” sabi n’ya sabay tingin kay Cherry na tumatawa.

“Ano?” sabay na tanong namin ni Erick.

“Hang-over.” sabat ni Cherry sabay tawa ng malakas. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi n’ya.

“Bruha hindi ikaw ang tinatanong ko!” sabi ko sabay tingin kay Leo na nakayuko. Tinatawanan lang kami ni Cherry samantalang kaming dalawa ni Erick ay nakakunot lang ang noo.

“K-kasi inaya ako ni Cherry na uminom nung Thursday. Hindi ko naman alam na mahilig pala uminom itong si Cherry kaya umo-o ako. Tapos ayon, nagising ako alas nueve na ng umaga at ang sakit ng ulo ko.” nahihiyang sabi ni Leo na s’yang mas ikinahalakhak ni Cherry.

Gagang ‘to! S’ya pala ang salarin kung bakit absent si Leo nung time na ‘yon!

Napatawa nalang rin kami ni Erick. Nakita kong naglalakad palapit sa amin sina Katrina at Joseph kaya napatahimik ako. Nagtataka namang napatigil si Cherry at Erick sa kakatawa kaya lumingon sila.

“Hi! Pwede ba kaming maki-share sa inyo?” nakangiting sabi ni Katrina at tumingin sa akin.

Tiningnan ko naman si Joseph. Nakangiti rin s’ya pero parang hindi naman s’ya masaya.

“Uy! Katrina! Joseph! Sure! Upo ka’yo!” sabi ni Erick at tinuro ang bakanteng upuan sa harap namin at ang bakanteng upuan sa tabi ko. Kumbaga sa right side ko ay may bakanteng upuan doon at si left side ko naman si Erick.

Nasa harapan ko kasi sila ni Cherry at Leo. Tumingin si Cherry sa akin at kay Joseph pero tinangoan ko lang s’ya kaya napabuntong-hininga nalang s’ya.

“Thanks!” masayang saad ni Katrina sabay upo sa tabi ko. Si Joseph naman ay nakasimangot na umupo sa tabi ni Cherry. Kumbaga pa rectangle ang pwesto namin.

Leo - Cherry - Joseph
         T A B L E
Erick - Me - Katrina

“So...may tanong lang ako ha.” paunang salita ni Leo.

Tumingin naman kami lahat sa kanya.

“May something ba sa inyo ni Joseph, Katrina?” tanong ni Leo.

Napatingin naman ako kay Leo. Si Cherry ay naubo sa ininum n’yang orange juice habang si Erick ay ang laki ng ngiti at mukhang interesadong-interesado sa isasagot ni Katrina.

“Ayos ka lang Cherry?” nag-aalalang tanong ni Leo kay Cherry at hinagod ang likod n’ya.

Binatukan ni Cherry si Leo at tiningnan ng masama sabay tingin sa akin. Yumuko naman ako at nagsimula nang kumain.

“Ahm...a-ano—“ naputol ang sasabihin dapat ni Katrina nang si Joseph na ang sumagot.

“Oo. 6 months na kami.” sagot ni Joseph na nagpatingala sa akin. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin rin s’ya sa akin.

Para akong sinampal ng ilang beses dahil sa sinabi n’ya.

So ibig sabihin pala nito ay sobrang wala na akong chance sa kanya? Na matagal na pala akong walang chance? Bakit hindi n’ya sinabi sa akin na may nililigawan na s’ya? Akala ko ba best friend kami? Hindi ba ako mahalaga sa kanya?

“Classmate ko s’ya sa isang subject nung 3rd year second sem at naging magkaibigan kami. 4th year nung niligawan ko s’ya, umabot rin ng isang taon at ilang buwan ang panliligaw ko sa kanya bago n’ya ako sinagot. Ang saya ko nga eh nung sinagot n’ya ako. Akala ko talaga babastedin n’ya ako.” pagpatuloy n’ya pa.

Malungkot akong nakatingin kay Joseph. Siguro nga ay dapat ko nang kalimutan itong nararamdaman ko para sa kanya. Siguro nga ay dapat noon pa lang ay tinaggap ko na hanggang magkaibigan lang talaga kami.

Hindi naman ako nasasaktan ng sobra ngayon. Hindi ko naman s’ya mahal. Crush ko lang naman s’ya. Medyo nanghihinayang lang naman ako.

Siguro kaya ako naiyak noon kasi nasanay lang ako na palagi kaming magkasama ni Joseph simula pa noong bata pa ako. Nasanay ako at hindi ko nahanda ang sarili ko na balang araw ay mawawala na sa akin ang atensyon n’ya sa akin.

Tiningnan ko si Katrina ngayon. Nakayuko lang s’ya. Parang hiyang-hiya s’ya sa sinabi ni Joseph. Siguro nahihiya siya kasi nalaman namin na sobrang tagal n’yang pinaghintay si Joseph.

“Ganun?! Wow! Ang tagal mo namang naghintay? Buti nakaya mo?” manghang saad ni Erick.

“Mahal ko eh.” seryosong saad ni Joseph.

“Sorry Cleo, hindi ko na sinabi sa’yo. Natatakot kasi akong tuksuhin mo ako eh.” pagpatuloy n’ya pa habang seryosong nakatitig sa akin.

Pinilit ko nalang ngumiti at tinapunan s’ya ng slice ng hotdog na kinakain ko. Sapul naman s’ya sa ilong kaya natawa nalang kaming lahat.

Siguro nga tatanggapin ko nalang na hanggang dito nalang kami.

HE RAPED ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon