Chapter 12

436 32 2
                                    

M O N D A Y   C A M E ...

Kakalabas ko lang ng elevator ay nakita ko agad si Leo at Cherry na papasok sa department namin.

“Cherry! Leo!” tawag ko sa kanila.

Napatingin naman sila sa gawi ko at nang makita nila ako ay tumigil agad si Cherry kaya napatigil narin si Leo. Ngumiti silang dalawa sa akin at tumakbo naman papalapit sa akin si Cherry samantalang nagpaiwan naman si Leo sa gilid ng entrance sa department namin.

Ako naman ay nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa auto-generated attendance area para mag log-in. Nagsalubong kami ni Cherry at niyakap n’ya naman ako at lumambitin sa leeg ko kaya muntik na kaming matumba. Tatawa-tawa naman siya habang nakalambitin parin sa leeg ko kaya natawa nalang din ako at kiniliti s’ya sa tagiliran n’ya. Napabitaw naman s’ya at tumawa sa ginawa ko.

Kasi naman. Nakakahiya kaya! Imagine her na lumambitin sa akin. 5’9 ako samantalang siya ay nasa mga 5’1 lang or 5’2 kaya kapag nakita mo kami ay iisipin mong may chanak na kumalambitin sa isang kapre hahahaha bad!

“Cleo! Na miss kita! Ulitin natin ‘yong shopping next time ha!” masayang saad ni Cherry.

Tumawa naman ako tapos ini-scan ang right thumb ko sa scanner para ma-read ang pag log-in ko.

“Oo naman!” sabi ko sa kanya.

“Uy! Katrina!” biglang sigaw ni Cherry kaya napatingin naman ako sa gawi kung nasaan si Katrina.

Naglalakad s’ya palapit sa amin at nakangiti s’ya. Lumapit naman agad si Cherry sa kanya at niyakap rin s’ya, at gaya ng ginawa n’ya sa akin ay lumambitin din s’ya kay Katrina habang tumatawa. Muntik na silang matumba dahil bukod sa maliit lang din si Katrina at kasing tangkad lang ata ni Cherry ay maliit lang din ang pangangatawan n’ya. Buti nalang at nahawakan ko ang bewang ni Katrina bago pa sila matumba.

Napatingin sa akin si Katrina kaya nagkatitigan kami. Kung hindi lang ako matangkad ay baka kanina pa kami nagkahalikan. Tinititigan ko lang ang mga mata n’ya. Ang ganda talaga ng hugis ng mata n’ya, pati ang kulay nito ay nakakabighani. Sunod na tiningnan ko ay ang mga labi n’ya. Mga labi n’ya na parang nag-uudyok na halikan ko. Ang pula ng labi n’ya. Nag lipstick ba s’ya? O lip tint?

Napakagat ako sa labi ko at binasa ito. Ganun din ang ginawa n’ya. Napalunok nalang ako dahil sa ginawa n’ya.

Why is she tempting me? And why do I feel like I am tempted? Shit talaga.

“Ayos lang ba kayo?” nagtatakang tanong ni Cherry kaya mabilis na umayos ako ng tayo at ganun rin naman ang ginawa ni Katrina.

Napangiti naman ako pagkatapos ay tiningnan ko si Katrina. Nakikita kong pinipigilan n’yang ngumiti habang kagat-kagat ang mga labi n’ya. Nakatingin lang kami sa isa’t-isa habang pinipigil ang mga ngiti naming gustong magpakita kay Cherry. Narinig kong may tumikhim kaya sabay kaming napaiwas ni Katrina.

“Mag log-in ka na nga Katrina.” sabi ni Cherry kaya inakbayan ko nalang si Cherry para hindi n’ya makita ang pagngiti ko dahil nakita kong namumula ang mukha ni Katrina.

Dali-dali naman na ini-scan ni Katrina ang thumb n’ya tapos tiningnan ako at nagbawi naman agad ng tingin habang ngumingiti.

Mas lalo namang lumaki ang ngisi ko.

Eh ano ba! Kinikilig ako eh! Hahahahaha shet! Nato-tomboy na ata ako!

Helpp!!

___

Nung lunch time ay hindi na sumabay si Joseph sa amin. May gagawin daw s’ya kaya hindi nalang namin s’ya pinilit.

Nakasunod lang ako kay Katrina habang nasa tabi ko naman si Erick. Si Cherry naman at Leo ay nauuna sa amin kasama sina Rico, Benjie at Carlos.

“Cleo...pwede ba tayong mag-usap mamayang uwian? Ako nalang ang maghahatid sa’yo pauwi.” sabi ni Erick sa akin.

Napalingon naman si Katrina sa gawi namin at nagtatakang tumitig sa akin. Nilingon ko si Erick.

“Bakit Erick? Ano ba’ng pag-uusapan natin? Pwede naman tayong mag-usap dito?” tanong ko kay Erick sabay tingin kay Katrina.

Nakamasid lang s’ya sa amin pagkatapos ay tumingin na sa harapan n’ya. Pero alam kong makikinig s’ya sa usapan namin dahil bumagal ang lakad n’ya hanggang sa sobrang lapit na n’ya sa amin.

Napangiti naman ako sa ginawa n’ya.

Hmm...eavesdropping hahahaha

“Ahm...mas gusto ko kasing mag-usap ng tayo lang” nahihiyang sabi ni Erick.

Tumingin ulit ako kay Erick at nakakunot ang noong tiningnan s’ya.

“Ganun ba? Saan naman tayo mag-uusap?” tanong ko sa kanya.

Nakita kong tumigil na sa paglalakad si Katrina kaya tumigil na din kami. Nasa cafeteria na pala kami at lumilinya na  para mag-order.

“Sa—“

“Cleo! Samahan mo naman ako mamaya! Magbi-bake ako! Wala si mommy at daddy eh! Pleeeeaassee!!” biglang sabat ni Katrina.

Napatingin naman ako sa kanya. Pati si Erick ay napatingin sa kanya at nakakunot na ang noo n’ya. Yung mukha ni Katrina ngayon ay parang si Santino sa twing nagpe-pray s’ya kay ‘Bro’. Naka-puppy eyes siya at naka-pout rin ang lips n’ya natural na pouty. Pinagdaop n’ya rin ang mga palad na.

Natawa naman ako at tumango agad.

“Sige hahaha” sabi ko habang natatawa. Tiningnan naman ako ni Erick at hindi s’ya makapaniwalang nakatingin sa akin. Merong nakapaskil na ‘Ako-yung-nauna’ sa noo n’yang kunot na kunot ngayon.

Nagkibit-balikat nalang ako.

Eh ano ba’ng magagawa ko? Ang cute eh hahahaha


Ngumiti naman ng pagkalaki-laki si Katrina at kumapit agad sa kaliwang braso ko.

“Teka...ako ‘yong nauna eh!” sabi pa ni Erick pero hindi ko na s’ya pinansin pa at nag order na kaming dalawa ni Katrina.

Dali-daling umupo si Katrina nung may mahanap siyang bakanteng mesa na malaki at nilagay ang mga pagkain n’ya, pagkatapos ay hinila agad ako patabi sa kanya. Sumunod naman si Erick gusto sanang tumabi sa akin kaso biglang hinarang ni Katrina ang mga braso n’ya na para bang hindi n’ya papaupuin sa tabi ko si Erick kaya sinamaan muna ito ng tingin ni Erick bago umupo sa harap. Sila Cherry at Leo ay nagtataka naman sa kinikilos ni Katrina kaya hinawakan ko na ang braso n’ya at pinaupo agad s’ya.

“Problema mo Katrina? D’yan naman laging umuupo si Erick sa tabi ni Cleo ah?” nagtatakang tanong ni Rico.

Tumingin naman silang lahat sa amin lalong-lalo na kay Katrina pero hindi naman sila pinansin ni Katrina. Sa halip ay nagsimula lang itong kumain.

Ako naman ang tiningnan nila ngayon, si Erick ay matalim ang tingin sa akin habang ang iba naman ay nagtatanong ang mga mata nila.

I just shrugged my shoulders at binalewala ang mga tingin nila at nag-umpisa na ring kumain.

___

Nung uwian ay naunang umalis si Joseph kaya hindi na kami nakapag-paalam sa kanya.

Nasa labas na kaming lahat ng building at katabi ko si Katrina. Nasa likod ko naman si Erick at ang mga kaibigan n’ya. Samantalang nasa harap ko naman sina Cherry at Leo.

Nag-text naman ako kay papa na baka gabi na ako makauwi.

... Papa calling ...

Sinagot ko agad ang tawag ni papa.

“Pa—“

“Sino ang kasama mo? Bakit magagabihan ka? Mag-o-overtime ba kayo? Anong oras kita susunduin? Lalaki ba ang kasama mo?—“

“Pa...chill. Okay?—“

“Anong chill? Ano? Lalaki ba ang kasama mo?”

“Hindi po. Si Katrina po ang kasama k—“

“Okay.” huling sabi n’ya bago pinatay ang tawag.

Napatingin naman ako sa cellphone ko. ‘Yon na ‘yon? Nagtataka talaga ako kay papa.

May na-receive naman akong text galing sakanya saying...

“Ingat kayo anak...text ka lang if magpapasundo ka”

Okay?

“Cleo mauna na kami ni Leo ha? Tatambay lang ulit ako sa kanila. Tuturuan daw ulit ako ng mommy ni Leo mag bake kasi aalis na s’ya next week.” sabi ni Cherry.

Tumango naman si Leo.

“Oo. Magpapa-despidida din siya next week kaya sama kayo ha? Lalo kana Cleo, nung pa-welcome ni mama hindi ka nakarating kaya dapat pumunta ka.” sabi ni Leo.

Tumango naman ako sa kanya.

“Sige. Magpapaalam ako kay mama at papa.” sabi ko naman.

Umalis na silang dalawa kaya ang naiwan ay kami nila Katrina, Erick, at mga kaibigan n’ya.

“Cleo...baka bukas pwede kana.” biglang saad ni Erick.

Nilingon ko naman s’ya at tatango na sana kaso biglang nagsalita si Katrina.

“Eh Erick, gusto kong kasama si Cleo for a week. Nalaman ko kasi na marunong s’yang mag-bake kaya magpapaturo ako sa kanya.” saad ni Katrina.

Napalingon naman ako sakanya. Ha? Ako? Marunong mag bake? Sino’ng may sabi?

“Sige na Cleo pleeeaassee. Erick minsan lang naman ito eh. Tsaka may next week ka naman. Gusto ko lang talagang matutong mag bake para kapag natuto na ako ay ibibigay ko kay Joseph ang unang successful na ma-bake ko. Apology gift kumbaga.” sabi ulit ni Katrina nung walang nagsalita sa amin ni Erick.

Ahh...para kay Joseph pala...nice.

Napasimangot naman ako sa sinabi n’ya. Ba’t ba ako naiinis? Ba’t ba ako nasasaktan? Nagseselos ba ako? Ba’t naman ako magseselos? Girlfriend ko ba s’ya? Tsaka isa pa, babae kaya ako! No way!

Pero hindi ko parin talaga mapigilan ang nararamdaman ko. Sumasakit ang puso ko. Parang may biglang pumilipit dito. Parang may biglang sumuntok sa puso ko.



Ginagamit n’ya lang pala ako.

HE RAPED ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon