Chapter 9

494 39 4
                                    

Chapter 9

It’s been a month simula nung nagkasabay kaming kumain lahat.

Okay na ako ngayon. Tanggap ko nang hindi na talaga pwede. Tsaka hindi naman ako ganun ka nasaktan eh.

Friendship na kami ni Katrina. Ang bait n’ya pala. Akala ko pa naman ay plastic at mataray s’ya. Si Joseph ay mas sumobra pa ata ang kinain na candy sa sobrang sweet n’ya kay Katrina. Hindi naman na ako nakaka-feel ng pagseselos. Panghihinayang meron, pero noon ‘yon nung first week na nalaman ko ‘yong tungkol sa kanila. Si Katrina naman ay minsan sumasabay sa kasweetan ni Joseph kaya a-acting kaming nasusuka, at sa huli ay tatawa nalang kaming lahat. Pero kadalasan ay hindi sweet si Katrina, siguro nahihiya lang s’ya kasi hindi naman kami ganun ka close talaga.

Si Erick naman ay ganun pa rin. Magkaibigan pa rin kami. Minsan tinutukso kami ng mga kaibigan n’ya kaya tumatawa nalang kami. Close narin kami nung mga kaibigan ni Erick. Sina Carlos, Benjie at Rico ang mga kaibigan n’ya. Ang pinakamakulit sa kanilang lahat ay si Rico.

Si Benjie pala ang tumulong sa akin noon nung tinulak ako ni Erick sa labas ng building. S’ya rin ‘yung nang-insulto sa akin pero nag sorry naman na s’ya ng personal kaya okay na kami. Si Rico ‘yong laging may baon na kwento samantalang si Carlos ang tahimik sa grupo. Minsan lang s’ya nagsasalita at nakikitawa lang kapag may nakakatawa. Pero okay naman kami, hindi naman n’ya ako sinusungitan kaya okay lang.

Si Cherry naman at Erick ay medyo okay na din sila. Paminsan-minsan ay iniirapan pa rin ni Cherry si Erick pero tinatawanan lang naman s’ya ni Erick. Loko-loko rin kasi itong si Erick eh, inaakbayan bigla si Cherry tapos kung iirap na si Cherry ay guguluhin n’ya ang buhok ni Cherry kaya sa huli ay maghahabulan sila at masasapak si Erick. Tatawanan lang naman ito ni Erick.

At si Leo...well...Leo is Leo. T-O-R-P-E. Ilang beses ko na s’yang hinuhuli pero ang lakas makatanggi. Eh halatang-halata naman na may gusto s’ya kay Cherry. Hindi ko nalang sinabi kay Cherry kasi alam kong hindi n’ya ito seseryosohin at manunukso lang ito kay Leo. Akala ko pa nga nung una ay may something na sila. Kulelat pala. Talagang mahilig lang manukso itong si Cherry kaya minsan naaawa ako kay Leo. Baka mas lalo lang s’yang mag expect kay Cherry eh mukhang wala namang planong mag seryoso itong si Cherry.

“Guys! Make sure to finish your work before 3 pm! Mag-e-early out tayo dahil magkaka-roon ng cleaning ang department natin! Chineck ng President ang department natin at nakita n’yang madumi daw ang department natin kaya naisipan n’yang ipa-general cleaning ito! So after your work, bring your things with you para hindi masali sa ipapatapon! Make sure na wala kayong iiwan na importanteng gamit dito!” sigaw ng head sa department namin.

Tiningnan ko naman ang floor namin. Madumi na nga at kailangan nang linisin at e-vacuum. May mga maliliit na particles na sa tingin ko ay galing sa mga crackers na kinakain namin tuwing break time.

Oo nga naman, hindi pa ata nakakatikim ng linis itong department namin. Buti nalang naisipang bisitahin ng president ng company ‘yong department namin.

Tiningnan ko ang mesa ko. Wala namang dumi ang lamesa ko. Kada-uwian kasi ay nililinisan ko ang desk ko kasi ayoko na may dumi kahit sa ketboard ko or mouse man lang. Puros mga paperworks lang ang nakalagay sa mesa ko na kailangan kong e-review at e-revise. May picture frame din sa gilid kung saan nakapaloob ang family picture namin. May pencil case din at tumbler na halos kalahati na ang laman. May sticky notes din na nakadikit sa plywood sa kaliwa ko na nagsisilbing boundary ng bawat workspace. Mga To-Do-Lists ko ito per day. Hindi ko pa pala natapon ‘yong iba.

“Cleo! Ano’ng plano mo mamaya? Early out daw kasi tayo.” pabulong na sabi ni Cherry.

Tiningnan ko naman s’ya at nag-isip kung ano ang gagawin ko mamaya. Maglilinis nalang ako ng kwarto ko. Mag de-declutter ako kasi sobrang dami na ng mga damit ko at mga gamit ko.

“Maglilinis ako ng kwarto. Ikaw?” sabi ko sabay balik ng tingin sa computer ko at ni-revise ‘yong mali sa sentence.

“Hmm...siguro tatambay nalang ako kina Leo. Okay lang naman sa mommy n’ya. Tsaka, close na kaya kami nung mommy n’ya. Ang cool n’ya eh.” sabi ni Cherry.

Napatingin naman ako sa kanya.

“Close na kayo ng mommy n’ya? Since when?” tanong ko sa kanya.

“Since Leo brought me to their house. Naalala mo ‘yong welcome party ng mommy n’ya kasi dumating na ito galing Europe? Yun! ‘Yon yung time na’yon! Close agad kami kasi napaka-jamming n’ya. Ang cool n’ya nga eh kasi kung umasta s’ya ay parang kaedad lang natin.” nakangiting sabi ni Cherry.

Ayos! At least close na sila ng mommy ni Leo. That’s a good start then.

“Also, lagi akong tumatambay sa kanila even weekends kasi may nakahanda laging cake or kung ano-ano ang mommy ni Leo. She loves baking, at lagi akong may hati everytime nagbi-bake s’ya kaya ayun! Close na kami.” pagpatuloy pa n’ya.

Napangiti naman ako at pinagpatuloy na rin ang trabaho ko.

___

Lunch came and nasa isang malaking table kaming lahat. Si Rico at Benjie ay nakikipagpustahan kay Erick tungkol sa isang bagay. Habang si Erick naman ay nakabusangot lang at pilit na lumalayo kina Rico at Benjie. Si Carlos naman ay tahimik lang na kumakain.

Hinahanap ko si Joseph kasi wala pa s’ya. Kasama na namin si Katrina at nakikitawa lang kina Rico at Benjie. Samantalang sila Cherry at Leo naman ay busy sa kanilang mundo. Char lang! Hahahaha si Cherry kasi pinipilit si Leo na bumili ng mga baking ingredients, gusto n’ya daw kasing magpaturo sa mommy ni Leo habang nasa Pilipinas pa ito. Nabalitaan kasi namin na babalik ulit ito sa Europe para magtrabaho.

“Katrina, asan si Joseph?” nagtatakang tanong ko. First time ito na hindi sila magkasama. Nakakapagtaka lang.

Napatigil naman si Katrina sa pakikitukso at napatingin sa akin. Tinitigan n’ya ako kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ko kasi gusto ‘yong titig n’ya. Parang tumataas ang mga balahibo ko.

“Ahm...ano kasi...n-nag CR lang ata?” hindi siguradong sagot n’ya kaya napatingin ulit ako sa kanya. Pero ayon parin yung titig n’ya kaya tumango nalang ako.

Nag-away kaya sila?

“Cleo may lakad ka ba mamaya?” tanong bigla ni Erick na ngayon ay tinigilan na nila Benjie.

“Wala naman. Maglilinis lang ako ng kwarto ko. Ikaw?” sagot ko sa kanya.

Tiningnan ko sina Benjie at Rico. Kaya naman pala nila tinigilan si Erick ay dahil si Carlos naman ang kinukulit nila.

“Pupunta kasi kaming Happy Hour Bar d’yan sa malapit. Mukhang hindi ka ata makakasama.” sabi n’ya.

Bar? Mag-iinuman sila?

“Mag-iinuman kayo?” tanong ko.

“Ah. Oo. Gusto sana naming magsaya kasi halos isang buwan na ata mula nung hindi na kami lumalabas magbabarkada.” sagot ni Erick.

“Ganun ba? Pasensya na ha? Hindi ako makakasama. Kailangan ko lang talagang linisin ‘yong kwarto ko eh.” sabi ko kay Erick.

“Okay lang. May next time pa naman. Di ba?” tanong n’ya sa akin.

“Oo naman!” sabi ko at nginitian ko na s’ya.

Nagsimula na kaming kumain lahat. Si Carlos ay kanina pa ata natapos pero hindi makaalis dahil kinukulit ulit s’ya nila Rico at Benjie.

Tiningnan ko si Katrina pero kumakain na s’ya.

Natapos kaming kumain ay walang Joseph na dumating. Hindi nalang ako nagtanong ulit kasi ayokong makipagtitigan kay Katrina. May iba akong nararamdaman. Nakakapangilabot.

Nagtaka rin sina Cherry at ang iba pa naming mga kasama kaya tinanong nila si Katrina. Pero gaya ng sagot n’ya sa akin ay ganun din ang sinagot n’ya sa kanila. Alam kong pati sila ay hindi nakumbinse sa sinabi ni Katrina pero hindi nalang rin sila nagtanong pa.

Privacy na nilang dalawa iyon.

___

Papalabas na kami ng building at alas tres kwarenta y singko na nang tingnan ko ang relo ko.

Hindi namin kasama si Joseph ngayon pero kasama namin si Katrina. Nakita ko naman si Joseph kanina sa office pero hindi n’ya kami pinapansin. Hindi n’ya rin pinapansin si Katrina kaya sa tingin ko’y nag-away nga talaga sila. Kung ano man iyon ay wala na ako doon.

“Cleo! Alis na kami ah! Ingat kayo!” sigaw ni Erick habang nasa loob ng sasakyan n’ya. Kasama n’ya sila Rico, Benjie at Carlos. Si Rico ay may pa-flying kiss pa kaya binatukan siya ni Benjie. Pero ganun din naman ang ginawa ni Benjie, nag flying kiss din s’ya sa amin kaya nabatukan din s’ya ni Rico. Natawa nalang kami sa kanilang dalawa. Si Carlos ay tinangoan lang kami at nag wave sa amin.

“Sige! Ingat din kayo!” sigaw ko pabalik kay Erick. Nag wave na rin kami sa kanila habang papalayo na ang sasakyan ni Erick.

“Cleo mauna na kami ni Leo ha? Bibili pa kami ng ingredients.” sabi ni Cherry sa akin at nag ba-bye na sa akin.

Nagba-bye nalang din si Leo sa akin habang nakasimangot while hinahatak s’ya ni Cherry palayo. Natawa nalang ako at nagba-bye na rin sa kanila.

“Sige. Ingat kayo. Hoy! Cherry! Ayusin mo nga ‘yang si Leo!” natatawang sabi ko.

Binatukan lang ni Cherry si Leo at hinatak ulit ito kaya inakbayan ito bigla ni Leo. Nakita ko namang napatigil sa paghatak si Cherry at napatitig kay Leo tapos...binatukan n’ya ulit hahaha Pero hindi na n’ya tinanggal ang brasong naka-akbay sa kanya.

Kinikilig ako sa kanila hahaha in-denial ‘yong friendship ko hahaha

“Ang cute nila no?”

Nilingon ko si Katrina na may ngiti pa sa labi ko. Nakita ko naman s’yang nakatingin kina Leo at Cherry habang nakangiti.

Ang aliwalas ng mukha ni Katrina ngayon. Glowing na glowing s’ya kaya nagtaka ako. Buntis ba s’ya? Pero di ba nag-away sila ni Joseph? Hindi nga s’ya nito pinapansin eh?

“Nag-away ba kayo ni Joseph?” hindi ko mapigilang magtanong ulit sa kanya.

Nawala naman ang ngiti sa labi nito at tumingin sa akin. Ayan na naman ang nakakapangilabot n’yang tingin.

“Oo...may pinagseselosan kasi s’ya.” sabi n’ya habang nakatitig sa akin.

May pinagseselosan? Sino? Si Erick ba? Eh hindi naman sweet si Erick kay Katrina eh! Ah! Si Rico! Sweet si Rico kay Katrina! Pero palabiro lang naman si Rico eh! Ba’t s’ya magseselos do’n?

“Si Rico ba? Naku! Palabiro lang naman si Rico! Sweet naman ito sa kahit na sino eh!” sabi ko, as if maririnig ito ni Joseph.

Nginitian lang ako ni Katrina at nag-umpisa nang maglakad. Sinundan ko naman s’ya.

“Katrina, ang glowing mo ngayon? Buntis ka ba?” biglang tanong ko sa kanya.

Napatigil naman s’ya sa paglakad kaya tumigil din ako sa paglalakad. Bumuntong-hininga lang s’ya tapos nagpatuloy ulit sa paglalakad.

Halaaa!!! Baka buntis nga s’ya! Pero bakit nasasaktan ako?

Wait— what? Nasasaktan? Ako? For what? Na buntis s’ya?! Eh ano naman ngayon? Naka-move-on na ako kay Joseph!

Naka-move-on na ako...

“Gusto mong kumain ng ice cream Cleo?” biglang tanong ni Katrina. Kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti s’ya ngayon.

Ang aliwalas talaga ng mukha n’ya! As in! Parang nag-go-glow ‘yong kutis n’ya! Hindi kaya buntis talaga s’ya?

“Nag-ki-crave ka? B-buntis ka ba? Sabihin mo sa akin. I won’t judge you.” kinakabahang sabi ko.

Sana hindi ka buntis.

Wtf are you thinking Cleo?!

“Hindi ako buntis, ano ka ba hahaha.” natatawang sabi n’ya.

Haaaayy salamaa—

What the hell Cleo?!

“Ahh..ganun ba? Hehe a-akala ko kasi buntis ka. Pasensya na. Ang ganda mo kasi ngayon.” sabi ko sa kanya.

Namula naman ang mukha n’ya dahil sa sinabi ko. Yumuko s’ya at parang nahihiya sa akin.

Napangiti naman ako sa tinuran n’ya. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi narealize ko na may effect pala ako sa mga kapwa ko babae hahaha!

“Sige na nga! Tara kain tayo ng ice cream!” sabi ko nalang sabay hawak sa braso n’ya at hinatak s’ya ng mahina para magsimula ng maglakad.

Nakayuko parin s’ya at namumula parin ang mukha n’ya at tenga n’ya pero sumasabay na rin s’ya sa lakad ko.

Hindi ko makita ang mukha n’ya at curious ako kung ano ang ekspresyon sa mukha n’ya.

Kinikilig kaya s’ya? O Yumuko lang s’ya kasi ayaw n’yang makita ko na nasusuka s’ya.

Either of the two ay natatawa ako HAHAHA!

Kaya di ko na napigilan ang sarili ko at yumuko ako at sinilip ‘yong mukha n’ya habang nakayuko parin s’ya.

Pagsilip ko ay nakita kong pinipigilan n’ya ang sarili n’yang ngumiti at dahil sa ginawa ko ay napatingin siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin at mas lalo naman s’yang namula dahil doon.

Umiwas agad ako ng tingin at tumayo ng maayos. Naramdaman kong uminit ang mukha at tenga ko pati ang leeg ko kaya hinawakan ko ang mukha ko. Ang lakas rin ng tibok ng puso ko, parang lalabas ito sa sobrang lakas.


Sheeeettt!!!! Nakakahiya ‘yong ginawa kooooo!! Baka isipin n’yang crush ko s’ya!!! Yaaaakss!!! Hindi ako tomboy no!!!


Ow Em Geee!!! Nakakahiyaaa!! Lupa! Lamunin mo na ako pleaaaassse!!

HE RAPED ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon