Chapter 24

395 28 2
                                    


“Ginagamot ko ulit ang mga sugat mo that time nung makita kong nakatingin sa atin si Katrina sa kabilang table. Akala ko nga crush n’ya ako noon eh haha” natatawang pagpatuloy n’ya. Hindi na s’ya nakatingin sa akin ngayon, sa halip ay nakatitig na s’ya ngayon sa kawalan.

“Tapos nung pabalik na ako sa room ay hinarang ako ni Katrina. Alam mo bang tinanong n’ya ako tungkol sa iyo? Tinanong n’ya kung sino ka daw. At kung ano ang pangalan mo. At ano daw ang nangyari sa’yo. Tinanong n’ya din sa akin kung ano ang course mo. Alam mo bang hindi dapat natin magiging kaklase si Katrina sa mga subjects na kaklase tayo? Pero nagchange siya ng time schedule para maging magkaklase tayo. Nung time na ‘yon akala ko talaga may crush s’ya sa akin. HAHAHAHA” natatawang sabi ni Joseph.

“Tapos ayon, nagtataka nalang ako kasi lagi n’ya akong tinatanong tungkol sa’yo. Kung ano daw ulit ang nangyayari sa’yo. Kung bakit ka daw laging may pasa sa katawan. Minsan nga umiyak pa s’ya habang sinusuntok ako kasi baka ako daw ang gumugulpi sa iyo.” natatawang sabi n’ya sabay tingin sa akin.

Napalunok naman ako sa laway ko. Hindi ako tumingin kay Joseph at pinakiramdaman ko lang s’ya.

“Tapos nung nalaman n’yang ginugulpi ka pala nang papa mo ay umiyak lang s’ya ng umiyak nun. Sabi n’ya pa gusto ka daw n’yang yakapin kaso hindi naman daw kayo close at hindi mo naman daw s’ya pinapansin. Masyado ka kasing busy sa academics, minsan ay tulala ka lang kaya hindi mo talaga s’ya nakilala. Lagi kong nahuhuling nakatingin si Katrina sa’yo that time. Minsan siya pa ang bumibili ng mga gamot para sa sugat mo at binibigay n’ya sa akin para ako na ang mag gamot.”

Nagulat ako sa sinabing iyon ni Joseph.

Ginawa ni Katrina iyon? Bakit hindi ko man lang s’ya nakilala?

Sa bagay, ni wala nga akong maalala sa mga naging kaklase ko nung college dahil busy nga ako sa acads at ayokong makihalubilo sa kanila dahil nga magiging curious lang sila kung bakit ako laging may pasa sa katawan. Ayokong kakaibiganin nila ako para makiusyoso lang. Kaya lagi talaga akong umiiwas sa mga kaklase ko pati na sa mga propesor namin.

“Tapos ayon, lagi nang lumalapit si Katrina sa akin para lang kumustahin ako...

Ay hindi pala.

Para tanungin pala kung kamusta kana. Hahaha kaya ayon! Nalaman kong may gusto s’ya sa’yo. Sa araw-araw na ginagamot kita ay lagi akong sasalubungin ni Katrina para tanungin kung ayos na ba ang mga sugat mo. Nung nag 4th year na tayo at mag o-OJT na ay sa ibang kompanya dapat i-a-assign si Katrina. Pero hindi ko alam kung paano n’ya nakumbinse ang Dean na sa kompanya kung saan ka e-a-assign ay doon din s’ya. Kaya ayon, hindi ko alam kung ano ang mga ginagawa n’ya.” sabi n’ya.

Mas kinagulat ko naman iyon. Ano? Naging katrabaho ko si Katrina noon? Paano? Hindi ko s’ya nakilala.

May nalala naman ako.




- Flashback -

Nasa loob ako ng office namin at that time at pinapakilala kami ng supervisor namin sa mga makakasama namin.

“Good morning everyone. Before you officially start your training, gusto ko munang makilala kayo. Please introduce yourself.” sabi nung supervisor namin.

Nagsimula na kaming magpakilala sa isa’t-isa at sinabi rin namin kung saang school kami galing. Anim kami na napunta sa Department na’yon.

“Hi! My name is Janice Buendia. I’m from San Antonio College.” sabi nung babaeng nasa pinakaunahan.

Sumunod naman ‘yong lalake na may kaparehong uniform n’ya.

“Jed Garcia. San Antonio College din” sabi nung lalake.

Sumunod naman ‘yong katabi n’yang lalake na may ibang uniform.

“Chris Michael Santos po. I’m from Colegio de Santa Maria.” sabi nung lalake.

Ako naman ang nagpakilala sa kanila.

“Cleopoldo Iñigo Suarez po. But just call me Cleo. I’m from University of San-Rafael Recoletos po.” sabi ko. Tinitigan nila ako habang nagpapakilala ako. Siguro dahil sa mga pasa ko. Pero hindi ko nalang sila pinansin.

Sumunod naman ang babaeng katabi ko. She looks familiar. Same kami ng uniform. Siguro kaklase ko’to pero hindi ko naman s’ya kilala.

“Hi Everyone! I’m Katrina Soller. I’m also from University of San-Rafael Recoletos. Hope to be good friends with you guys!” masayang sabi nito sabay tingin sa akin. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya kasi bumilis ang tibok ng puso ko.

Weird.

Sa ibang station na assign ‘yong mga nag-o-OJT rin. Nakilala ko si Matet na tulad ko ay binabae rin pero ladlad na s’ya. Employee na si Matet dito at naging kaibigan ko agad s’ya sa sobrang daldal n’ya.

Nasa locker area kami ngayon at may nakita akong maliit na plastic na nakasabit sa lock ng locker ko. Kinuha ko naman ito at may nakadikit na sticky note dito.

“Gamot para sa sugat mo. Ingat ka lagi. — K”

Kumunot naman ang noo ko at binuksan ang plastic. Mga gamot nga ito. Meron ding bulak at betadine. Kinuha ko naman ito at nilagay sa bag ko. Siguro galing to sa mga katrabaho namin na naawa sa akin.

Halos araw-araw ay may plastic na nakasabit sa locker ko. Minsan gamot, minsan pagkain, minsan juice o kung ano-ano.

Galing lahat kay ‘K’.

Nagtataka talaga ako kung sino ito pero kapag nagtatanong ako ay wala naman umaamin. Kaya binalewala ko nalang. Nagpapasalamat nalang ako sa kabutihang ginagawa n’ya para sa akin.

- End of Flashback -

Napasinghap naman ako at gulat na napatakip sa bibig ko.

SI KATRINA ‘YONG LAGING NAGBIBIGAY NG KUNG ANO-ANO SA LOCKER KO NOON?!

“Tapos nung dumating ‘yong graduation at nagwawala si Tito Lucio noon. Umiiyak sa tabi ko si Katrina habang nakatingin sa’yo na nakatayo sa stage at umiiyak din. Magna Cum Laude din si Katrina that time at magkatabi kami ng upuan. Nung tumakbo ka palabas ng Coliseum ay tumayo si Katrina at sinundan ka habang umiiyak kaya tinawag kita. Pero hindi ka naman tumigil hanggang sa nawala kana. Naabutan ko pa si Katrina nun na umiiyak habang nakatingin sa papalayong jeep. Hindi ko na alam kung ano’ng nangyari sa loob ng coliseum pero narinig ko nalang na nagpatuloy nalang ang program. Inaalo ko noon si Katrina habang humahagolgol s’ya. Ako naman ay nag-aalala sa’yo dahil baka may gawin kang masama. Pinipilit ako ni Katrina noon na dalhin s’ya sa inyo dahil natatakot daw siya. Pero tinawag na kami nung mga propesor na sumunod sa amin dahil nagpapatuloy na daw ang ceremony at tatawagin na kami. Kaya wala kaming nagawa kundi ang bumalik sa loob. Si Katrina nun ay ayaw pa sanang bumalik at pinipilit parin ako pero hinila na kami nung propesor na nakakita sa amin.” umiiyak na sabi ni Joseph.

Umiiyak narin ako habang nakikinig sa kanya. Ang dami ko palang pagkukulang kay Katrina. Ang dami ng nagawa n’ya para sa akin pero hindi ko man lang iyon alam.

“Tapos nalaman nalang namin na naglaslas ka the day after our graduation. Alam mo bang nung magkita kami ni Katrina ay pinagsusuntok n’ya ako? Galit na galit s’ya sa akin nun dahil kasalanan ko daw kung bakit hindi ka namin napigilan. Kung sana daw pinakinggan ko s’ya at sinundan ka namin noong graduation sa inyo ay baka napigilan kapa namin.”

Umiiyak lang kami ni Joseph sa park. Inaalala ang mapait na karanasan ko noon.

“Nung pumunta kami sa ospital ay nalaman naming kailangan ka pala salinan ng dugo kaso kulang. Alam mo bang hindi nag-atubili si Katrina na e-donate ang dugo n’ya dahil same kayo ng blood type? Nakakatawa nga dahil ako ‘yong matagal mong kaibigan pero wala akong naitulong dahil magkaiba ang blood type natin. Mamahalin kasi ang dugo mo eh haha.” sabi n’ya na mas ikinagulat ko.

Ginawa ni Katrina iyon? Ibig sabihin nananalaytay narin sa dugo ko ang dugo n’ya? Paano n’ya nagawang isipin ako samantalang wala man lang akong kaalam-alam? Paano n’ya nakayang gawin iyon samantalang hindi ko man lang s’ya kilala at pinagselosan ko pa s’ya noon?

Napakasama ko talaga.

“Palaging nandoon si Katrina sa hospital at nagbabantay sa’yo habang naka-comatose ka. Pinakiusapan naman ni Katrina ang mga magulang mo na huwag na s’yang banggitin paggising mo. Nagalit nga ako sa sinabi n’ya eh. Pero nagmakaawa s’ya na huwag ko na raw sabihin ang mga ginawang pagtulong n’ya sa’yo. Kaya wala akong nagawa.” he said.

“I don’t know...I don’t know..” paulit-ulit na sabi ko habang umiiyak.



Author’s Note: Grabe si Katrina no? Ikaw? Kaya mo bang gawin ang mga ginawa ni Katrina para kay Cleo?

Kung ikaw si Cleo at nalaman mo iyan, anong mararamdaman mo? Ano’ng magiging reaction mo?

#RealLove
#SobrangRupok

HE RAPED ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon