It’s been a week simula nung naging magkaibigan kami ni Cherry. Naging kaibigan na rin namin si Leo mula noon. If I know, kaya lang naman nakikipagkaibigan iyang si Leo ay dahil may gusto s’ya kay Cherry. And Cherry being Cherry, walang paki kasi manhid.
And it’s been a week na din simula nung hindi na kami sabay palagi ni Joseph. He’s always with Katrina.
Always.
Ni wala nga kaming chance na magkausap dahil nahihiya akong lumapit kay Joseph especially when he’s always with Katrina. Kaya ang lagi kong kasama since then ay sina Cherry na at si Leo.
It’s been a week na din since papa talked to me. Hindi na ulit nasundan iyon. Hindi ko na ulit s’ya nakikita simula nung gabing iyon. All I know is umaalis siya ng alas singko ng umaga ulit, tapos ala una na nang madaling araw umuuwi. Hindi na s’ya sumasabay sa amin ni mama.
Kahit hindi nagsasalita si mama ay alam ko na nami-miss na n’ya kaming dalawa ni papa. Naawa ako kay mama and at the same time ay nahihiya ako. Dahil alam ko na ako ang dahilan kung bakit bumabalik ulit sa wala ang pamilya namin.
Alam ko na kaya lang umuuwi ng maaga si papa noong mga araw na iyon ay siguro dahil nagbabasakali pa rin siya na baka pwede pa. Na baka makinig ako sa kanya at sundin ang gusto n’ya.
Pero ayoko.
Ayoko.
Gusto ko. Makita n’ya ako bilang ako.
Bilang si Cleo, na babaeng anak n’ya.
Bakit kasi hindi s’ya maka-move on doon sa anak n’yang lalake? Hindi ko s’ya kuya. Dahil hindi ko naman s’ya kapatid. Kaya wala akong paki sa lalakeng iyon.
“Earth to Cleooooo. You okay? Nakikinig ka ba sa akin?” nakataas ang kilay ni Cherry habang tinatanong iyan sa akin.
Nagulat naman ako sa biglang pagsalita n’ya.
“Ha?” nagtatakang tanong ko. May sinasabi ba s’ya?
“Seriously Cleo? Kanina pa ako nagsasalita dito at tinatanong lang naman po kita kung ano ang gusto mong kainin. Baka lang naman ho gusto mong mag-order ano? Kung hindi lang takot sa akin ‘tong mga babaeng nasa likod ko ay siguro kanina pa tayo tinarayan nito. Ano ba kasing problema? Okay ka lang ba?” nakangiwing tanong ni Cherry.
“Ahh ganun ba?” tumingin naman ako sa likuran ko at nakita ko ngang nakasimangot na ‘yong babaeng nakasunod sa amin. Tumingin naman ako sa harap at nakita ko ring nakataas na ang kilay ng babaeng tindera.
“Halaa sorry! Isang Chicken Inasal ‘yong leg part, dalawang rice and isang Ice tea po.” sabi ko sa tindera na nairita na ata sa tagal kong mag-order.
Kinuha agad ng tindera ang order ko at nang matapos ay binigay nya ito agad sa akin at inirapan pa ako.
Mahaderang ‘to! Tsk!
Hinintay ko muna sa gilid sila Cherry at Leo para sabay na kaming maghanap ng table na mauupuan namin.
“Cleo, can we talk later?”
Tiningnan ko kung sino ang nagsalita.
It was Erick.
“For what?” pagtataray ko sa kanya. Hindi ko parin makalimutan ang ginawa n’ya sa akin. Naiinis pa rin ako everytime maaalala ko na hindi n’ya ako pinagtanggol doon sa friend n’ya at tinulak n’ya pa ako sa labas kaya mas napahiya ako.
“About what I did to you.” diretsong sagot n’ya pero hindi naman s’ya makatingin sa akin. Siguro nagi-guilty ito kaya hindi makatingin sa akin.
Ha! Dapat lang! Tsaka ang sama kaya ng mga salitang binitawan n’ya sa akin noon! Wala s’yang respeto sa mga babae! Oh well...wala nga naman. After all...he’s known for being a womanizer, a-hole, and jerk so what’s new? I shouldn’t be surprised na ginawa n’ya sa akin iyon.
“Where?” sabi ko nalang para matapos na ito.
Nakita kong nasurpresa siya sa sagot ko. Siguro hindi n’ya inexpect na papayag ako sa gusto n’ya after what he did to me. Syempre, I want to end this shit between me and him. Ayoko na may kaaway sa pinagta-trabahoan ko. I want to work in a peaceful place para makapag-focus ako.
Kahit minsan hindi naman talaga ako nakakapag-focus kasi laging sumasagi sa isip ko sina Joseph at Katrina.
Kahit nasasaktan ako at naiiyak ay pinipilit ko parin ang sarili ko na magtrabaho. Ayokong maka-apekto sa trabaho ko kung ano man ang problemang pinagdadaanan ko.
“Ahm...hintayin nalang kita mamaya sa labas ng building. If...that’s fine with you?” alinlangan na tanong n’ya sa akin.
While me, medyo nagulat lang sa sinabi n’ya. May pumasok kasi sa isip ko, isang tao. Taong malapit sa akin.
Si Joseph.
He always wait me outside the building tuwing uwian para magkasabay kaming umuwi. Shit. Bwesit naman kasi ‘yong lalaking iyon! Nakilala nya lang si Katrina ay naetsapwera agad ako!
“Okay” sabi ko. Hindi ko alam kung bakit sumang-ayon ako sa gusto n’ya.
Iniisip ko pa rin kasi na baka...na baka may naghihintay pa rin sa akin doon para makasabayng umuwi. Na baka ako na ulit. Na ako ulit ang gusto n’yang makasama.
“Yes! Thank you Cleo! Hihintayin kita later okay? Yes—“ naputol naman ang pagsasaya ni Erick nang tinulak s’ya bahagya ni Cherry.
“Ay! Excuse me! So-ri ha? Hindi kasi kita nakita!” sabay irap kay Erick.
Napasimangot naman si Erick sa tinuran ni Cherry pero hindi naman s’ya napansin ni Cherry.
“Naku!!! Naiwan ka lang saglit, may hayop na na lumapit! Ang kupad naman kasi kumilos ni Manang Isabel eh! Ayan tuloy! Nalapitan ka ng hayop!” naiiritang sabi ni Cherry na may pasulyap-sulyap pa kay Erick sabay irap. Hahaha
“Cherry, tama na nga ‘yan! Para ka namang nagseselos d’yan!” naiinis naman na sita ni Leo.
Natawa naman ako sa mukha ni Leo. Parang batang gustong manuntok eh hahahahaha selos na selos ‘to! HAHAHAHA
“Excuse me?! Ako?! Magseselos?! Para sa ungas na’to?! Wtf?! No way!” naiinis na sigaw ni Cherry.
“Tama na nga ‘yan! Erick umalis ka na. Leo tigilan mo ‘yang pagseselos mo. At ikaw naman Cherry, huwag ka ngang eksaherada d’yan! HAHAHA” natatawang saad ko.
Eh kasi naman! Nakakatawa lang talaga si Leo eh! Nakabusangot na ‘yong mukha n’ya. Tapos si Cherry naman hindi ko malaman kung gustong manapak o gustong masuka.
“Sige Cleo. Basta mamaya ha! Hihintayin kita!” nakangiting sabi ni Erick.
Tumango lang ako sa kanya. Umalis na siya habang nakangiti. Ano’ng problema no’n? Happy? Hahahahaha
Tiningnan ko naman si Cherry at muntik na akong mapahalakhak dahil sa kanya. Nakatingin s’ya kay Leo at nakangisi na parang nanunukso.
“Ikaw Leo ha? May crush ka sa’kin no? Hahahahaha umamin ka!” nanunuksong saad ni Cherry na may pataas-taas pa ng kilay.
Namula naman ang buong mukha ni Leo sa sinabi ni Cherry kaya napahalakhak na talaga ako.
“H-hindi ah! Gagu ka Cherry! Bakit? M-maganda ka ba?! K-kaibigan lang kita no!” kinakabahang sagot ni Leo.
Mas natawa naman ako sa sagot n’ya. Maganda kasi si Cherry. Known as warfreak nga lang at maldita kaya wala masyadong nakaka-appreciate sa ganda n’ya. Tsaka halata kasi na may gusto si Leo kay Cherry kasi nauutal s’ya at pulang-pula ang mukha n’ya.
Naunang naglakad sa amin si Leo at nakasunod naman kami sakanya. Nang makakita ng mauupuan ay agad umupo si Leo at hindi pinansin si Cherry na patuloy pa rin sa panunukso sa kanya.
Nilibot ko ang paningin ko at tiningnan ang sa may entrance ng cafeteria. And there, nakita ko ulit sila.
Sila Joseph at Katrina.
Iniwas ko nalang ang paningin ko at nakitukso na rin kay Leo.
Pilit na tinatakpan ang selos na nararamdaman ko.
____
Sa hapon na iyon ay busy-busyhan lang ang peg ko. Kasi sa tuwing maalala ko ang nakita ko ay baka lamunin lang ako ng selos. Wala naman akong karapatan na magselos in the first place kasi wala namang kami.
Magkaibigan lang naman kami.
Ako lang naman ang may nararamdaman para sa kanya.
Nang magsiuwian ay tumayo ako at tiningnan ang workplace nila Joseph at Katrina. Nakita kong tumingin si Joseph kay Katrina at may sinabi ito. Siguro ay sinabi nitong sabay ulit sila.
Sumimangot naman ako sa isiping iyon kaya umupo ulit ako at tinapos na ang file ko. In-off ko na ang computer ko at kinuha ang bag ko.
Nakita ko pa ngang umalis na magkasama sila ni Joseph at Katrina kaya mas lalo akong nalungkot.
Nakita ko namang naglalakad palapit dito si Leo at nakangiti s’ya.
“Cleo, Cherry. Tapos na ba kayo?” tanong ni Leo na may ngiti pa rin sa labi.
“Oo. Happy ka ata ngayon?” nagtatakang tanong ko.
“Ah..eh...nakauwi na kasi galing Europe si mommy at may pa-party sa amin. Gusto ko sanang sumama kayo.” nakangiting sabi ni Leo.
Lumingon naman si Cherry sa amin na kaka-turn off pa lang ng computer n’ya.
“Talaga? May party sa inyo? Sama ako! Marami ba ang handa? Nakuuu!! Gusto ko’yan!” excited na sabi ni Cherry.
Napangiti naman ako sa reaction ni Cherry. Party girl kasi si Cherry at mahilig sa pagkain, pero hindi naman tumataba. Tiningnan ko si Leo, at ang laki rin ng ngiti n’ya. Sigurado akong masaya s’ya kasi sasama si Cherry at mukhang excited pa.
Hmm...mukhang may mangyayaring meet the parents mamayang gabi hahaha. Moment na’to ni Leo!
“I’m sorry Leo ha? Hindi ako makakapunta. May lakad rin kasi ako ngayon.” I said as I flashed an apologetic smile of mine.
Totoo naman kasi. Magkikita pa kami ni Erick tsaka moment nila ni Cherry ito no! Ang pangit kung nandun ako! Baka magmukha lang akong chaperone hahaha bad Cleo!
“Ha? Ay panget ka! Sama ka! Para may mapagtripan ako mamaya!” nakangusong sabi ni Cherry
Natawa naman ako sa kanya.
“Next time sasama ako. Promise. Hindi lang talaga pwede ngayon kasi may lakad ako.” nginitian ko lang si Leo.
“Fine. Si Leo nalang pagtri-tripan ko.” pabiro n’ya naman akong inirapan kaya natawa nalang ako. Nakita ko kasing namutla si Leo dahil sa sinabi n’ya.
“Hoy bruha! Huwag kang magbiro ng ganyan! Tingnan mo si Leo oh! Parang mahihimatay na sa takot sa’yo!” natatawang saad ko kay Cherry.
Tiningnan naman ni Cherry si Leo, at nang makita n’yang namumutla nga si Leo ay binatukan n’ya ito.
“Joke lang ‘yon! Gagong to! Hahaha” natatawang saad ni Cherry.
“Sige na. Alis na tayo. Leo dalhan mo ako ng cake bukas ha? Ilagay mo nalang sa fridge para hindi masira.” sabi ko.
___
Nasa labas na ako ng building at naka-alis na din kani-kanina lang sila Leo at Cherry. Mag-a-alas sais na kaya naisip ko na baka umalis na si Erick. Hinatid ko pa kasi sila Cherry at Leo sa may sakayan tapos hinintay ko pa na makasakay silang dalawa saka lang ako bumalik sa building. Ayaw pa nga nila na ihatid ko sila eh, pero nagpumilit ako kaya wala na silang nagawa.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Medyo mag-ga-gabi na. Nakikita ko na rin ang mga light posts na naka-on na.
“Cleo, akala ko hindi ka na dadating.”
Nilingon ko si Erick at nakita kong ganun pa rin ang suot n’ya mula kaninang lunch break.
Hinintay n’ya ba talaga ako?
“Kanina pa kita hinihintay dito. Akala ko nga mag-o-overtime ka.” pagpatuloy n’ya. Sinuklay n’ya ang buhok n’ya gamit ang kanyang kanang kamay. Para s’yang nahihiya na ewan.
“Ah...sorry. Hinatid ko pa kasi sila ni Cherry at Leo sa sakayan ng jeep.” sabi ko.
Nagliwanang naman ang mukha n’ya nang sinabi ko ‘yon. O baka assuming lang ako? Haha
“Ganun ba? Akala ko hindi mo ako sisiputin eh. Gutom ka na ba? Halika, pumunta tayo do’n sa paborito kong restaurant. Doon na rin tayo mag-usap.” nahihiyang sabi n’ya.
“Okay.” sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
HE RAPED ME (Completed)
Romance"A journey of LOVE and IDENTITY." Date started: June 11, 2020 Date finished: June 13, 2020 Date edited: June 25, 2020