Chapter 17

397 30 2
                                    


Pagpasok namin sa loob ay agad kaming sinalubong ng mama ni Leo. Pinakilala kami ni Leo sa mama n’ya at niyakap n’ya kami lahat. Tama nga si Cherry, ang cool nga ng mommy ni Leo. She doesn’t look like she’s in her mid 50’s dahil narin sa ganda ng kutis n’ya at sa ganda ng katawan n’ya. Wala akong nakikitang wrinkles sa noo o sa bandang mata na kadalasan sa mga nasa 50’s ay meron na. She was wearing a white blouse paired with black skinny jeans at pinaresan n’ya rin ito ng black high heeled boots na hanggang tuhod n’ya.

Her figure resembles like Angel Aquino na actress sa isang entertainment company.

Siguro nag Centrum ‘to o kaya Anlene HAHAHAHA

“Mga dearest huwag kayong mahiya okay? Please feel at home.” nakangiting saad ng mommy ni Leo.

Yep. Dearest ang tawag n’ya sa amin. Muntik ko na ngang makalimutan na sa Europe s’ya galing at hindi naman s’ya galing sa Middle East. “Halu Dear” HAHAHAHA

“Thank you po ma’am.” sagot ni Katrina sakanya.

Nginitian naman kami ng mommy ni Leo.

“Oh please! Call me Tita Cleo hahaha or Tita Patty nalang kasi may Cleo nga pala kayong kasama.” natatawang saad ng mommy ni Leo.

Natawa naman kaming lahat sa tinuran n’ya. Cleopatra kasi ang name n’ya at Cleo ang nickname n’ya. Kaso nga dahil Cleo rin naman ang pangalan ko ay Patty nalang daw.

“Okay po Tita Patty” nahihiyang sabi ni Katrina sabay tingin sa akin. Nginitian ko nalang s’ya at nakita ko namang nakatingin si Tita Patty sa akin. Kinindatan n’ya ako pagkatapos ay ngumisi s’ya at nagpaalam na sa amin dahil makikipag-chikahan pa raw s’ya sa mga long time friends n’ya.

Gulat man sa ginawa n’yang pagkindat ay pinagsawalang bahala ko nalang ito.

Dinala kami ni Leo sa garden nila na may maraming mesa at mga chairs at pinaupo n’ya kami sa may mas malaking mesa sa gilid lang malapit ang food area.

“Guys, kuha lang kayo ng food. Marami ‘yan kasi nagpa-catering si mommy so huwag kayong mahiya. Mas mabuti kung maubos n’yo ‘yong food dahil tapos naman nang kumain ang mga bisita ni mama. Nag-iinuman nalang sila doon. May pulutan naman na sila so okay lang na ubusin natin ang mga pagkain.” nakangiting sabi ni Leo. Nag-unahan naman sa pagpunta sa food area sina Rico at Benjie kaya natawa nalang kami.

Buong gabi ay sayawan at tawanan lang ang ginawa namin. Hindi na kami uminom dahil may trabaho pa bukas.

Sina Rico at Benjie ang laging bida sa kwentuhan at paminsan-minsan ay nabubuking namin na gawa-gawa lang ang kwento kaya tawang-tawa kami tuwing bumubusangot ang mukha nilang dalawa. Minsan ay nagbabatukan silang dalawa kaya mas lalo naman kaming natawa.

Nakisali rin ang mommy ni Leo sa kalokohan kaya hiyang-hiya naman si Leo. Si Cherry ay inabot n’ya ‘yong dala n’yang box sa mommy ni Leo kaya binuksan naman ito ng mommy ni Leo. Lahat kami namangha nang makita naming sculpture ito gawa sa kahoy at kawangis at kahugis ng mommy ni Leo. Kinantsawan naman namin si Cherry kaya sobrang namula ang mukha n’ya samantalang nagtitili naman sa saya ang mommy ni Leo.

Kaya naman pala mukhang kulang sa tulog si Cherry. Haha

Buong party rin ay tahimik lang si Joseph. Minsan ay nakikitawa pero kadalasan ay tumititig sa akin o di kaya kay Katrina. Pero hindi naman s’ya nagsasalita.

Si Katrina naman ay paminsan-minsan humihilig sa balikat ko. Minsan din ay ipagsasalikop ang mga kamay namin. Ako naman ay palaging umiiwas.

Minsan nga ay hihigpitan pa ni Katrina ang hawak n’ya kaya medyo matatagalan pa bago ko matanggal. Pero gagawin n’ya ulit. Bumubuntong-hininga nalang ako at hindi ko s’ya tinitingnan tapos pipilitin ko ulit na ialis ang kamay n’ya sa kamay ko.

Gaya ng ginagawa n’ya ngayon. Pinilit ko ulit na alisin ang kamay n’ya sa kamay ko. At nang maalis ko na ay tinampal n’ya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakasimangot s’ya at masama ang tingin n’ya sa akin. Nginitian ko lang s’ya and I shook my head as if I was saying ‘don’t’.

Masama parin ang tingin n’ya kaya natawa nalang ako at ibinalik ang tingin kina Rico at Benjie na busy sa pagke-kwento. Nagulat ako ng kinuha ni Katrina ang kamay ko at kinagat ito.

Wtf?!

Tiningnan ko s’ya ng masama but she just smiled at me and stuck her tongue out tapos inirapan ako. Napatawa naman ako sa ginawa n’ya.

Tsk! What a baby!

Hindi ko nalang s’ya pinansin ulit. Pero may ngiti naman sa labi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Alas dyes y media ng magdesisyonan ng lahat na umuwi na dahil may pasok pa bukas.

Hinatid kami ni Leo sa kanya-kanyang bahay namin. Unang nahatid ay si Rico at Carlos dahil malapit lang ang sa kanila. Sunod ay si Katrina, hinihila pa nga n’ya ako eh kaya sinamaan ko nalang s’ya ng tingin. Tatawa-tawa naman s’yang bumaba at nagba-bye na sa amin na naiwan. Nag bye rin s’ya kay Joseph pero hindi s’ya pinansin ni Joseph kaya umirap nalang s’ya.

Hindi ko talaga sila maintindihan. Sila pa ba?



Ang kapal talaga ng mukha ko.



Sumunod na bumaba ay si Ericka. Sumama naman si Erick at sinabing doon na matutulog kina Ericka kaya nagba-bye nalang rin kami. Sunod ay si Cherry at Benjie. Magkapitbahay lang pala ang dalawa, hindi man lang sinabi ni Cherry. Nakita ko pa ang pagkindat ni Leo kay Cherry at ang pamumula nito kaya medyo natawa ako.

May something na ata sa kanila.

Naiwan kaming dalawa ni Joseph dahil amin lang ang malayo at magkapitbahay lang naman kami. Tahimik lang kami buong byahe. Nakatingin lang si Joseph sa labas habang ako ay pinikit ko nalang ang mga mata ko.

Ayokong makipag-usap sa kanya. Nahihiya ako. Wala akong maisip na pwedeng isabi.

“Cleo, dito na sa inyo di ba?” biglang sabi ni Leo kaya binuksan ko ang mata ko at tiningnan ang labas.

Nasa amin na nga kami.

“Oo dito na. Paki-stop nalang d’yan sa may tindahan.” sabi ko kay Leo.

Nang huminto ang sasakyan ay dali-dali akong lumabas.

“Salamat nga pala Leo” sabi ko bago makababa.

“Dito nalang rin ako Leo. Malapit nalang rin naman amin. Salamat nga pala pare.” narinig kong sabi ni Joseph kaya naglakad ako ng mabilis hanggang sa makarating ako sa labas ng bahay.

“Cleo sandali!” rinig kong tawag sa akin ni Joseph pero dahil hindi pa ako handa ay pumasok agad ako sa loob ng bahay.

Alas onse dyes na ng tingnan ko ang orasan. Natutulog na siguro sila mama at papa dahil wala ng tao dito sa baba. In-off ko nalang ang mga ilaw sa kusina at sala atsaka ako pumunta sa taas. In-off ko din ang ilaw malapit sa hagdan namin at pumasok na ako sa kwarto ko.

Tinapon ko ang bag ko sa kama at pagod na umupo ako doon. Inaantok narin ako. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at kinuha ang tuwalya ko at pumasok na sa CR ko.

Matapos magbihis ay kinuha ko naman ang bag ko at nilagay ito sa gilid ng table ko. Naramdaman ko naman na nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito.

From: Joseph
‘Let’s talk’

Binura ko ang message n’ya pagkatapos tiningnan ang iba pang message.

From: Katrina
‘Thank you’

Napangiti naman ako sa message n’ya sa akin.

I tapped ‘reply’ at nagcreate na ng message.

‘No problem. Pahinga ka na.’ pagkatapos ay sinend ko na.

Ilang sandali pa ay nag text ulit s’ya.

‘Huwag mo na akong iwasan please. Nasasaktan ako.’ sabi n’ya sa message.

Huminga muna ako ng malalim bago nag type ng message.

‘It’s not right.’ I send it to her.

‘What’s not right is sometimes the right thing.’ reply n’ya.

Napakunot naman ang noo ko sa message n’ya. Hindi ko gets.

‘Matulog ka na.’ ‘Yan nalang ang sinend ko tapos inexit ko na.

May message ulit akong natanggap.

From: Joseph
‘Let’s talk Cleo. Alam kong gising ka pa. Nakikita ko pa ang ilaw sa roon mo.’

Napaupo naman ako at pumunta sa bintana.

Nakita ko s’yang nakatayo sa may katapat na bahay namin habang nakatingin sa gawi ko.

Shit. Kailangan ko na atang makipag-usap sa kanya.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko. Dahan-dahan lang ang pagbukas ko sa pinto ng bahay namin. Nakita ko agad si Joseph na nakatayo hindi kalayuan sa amin. Wala kasi kaming gate.

Ganun pa rin ang suot n’ya mula kanina. Huminga ulit ako ng malalim bago lumabas ng bahay at sinirado ito. Agad naman s’yang lumapit sa akin. Habang naglalakad s’ya ay nakatitig lang s’ya sa mga mata ko kaya iniwas ko ang tingin ko.

Guilty.

Nang makalapit s’ya ay tumabi lang s’ya sa akin pagkatapos ay umupo sa pahabang silya na nasa labas ng bahay namin. Tiningnan ko s’ya. Seryoso ang mukha n’ya habang tahimik lang at nakatitig sa langit.

“Umupo ka muna Cleo.” biglang sabi n’ya.

Umupo naman ako katabi n’ya. Tahimik lang kami habang naka-upo. Wala na ring iba pang tao na naglalakad sa labas. Malamig na simoy ng hangin lang ang sumasalubong sa amin pero hindi ko na iyon inintindi.

“Anong pag-uusapan natin?” tanong ko matapos ang halos sampung minutong katahimikan.

“Kamusta ka na?” biglang tanong n’ya.

Napalingon ako sakanya. Malungkot na ang mga mata n’ya ngayon. Nakasarado ang bibig at nakatingin sa langit.

Tumikhim muna ako bago sumagot pagkatapos ay tumingin din ako sa langit.

Ang daming stars ngayon.

“Okay lang.” sagot ko.

“Ikaw?” pahabol na tanong ko.

Narinig ko naman na huminga s’ya ng malalim bago sumagot.

“Hindi ako okay.” sagot n’ya.

Alam ko.

Ilang sandaling katahimikan bago s’ya nagsalita ulit.

“Sorry kung hindi na kita nahahatid sundo. Sorry kung hindi na kita masyadong pinapansin nitong nagdaang mga araw.” sabi n’ya.

Ngumiti lang ako habang nakatingin parin sa langit. Asul na asul ang langit. Nakakaginhawa rin ang dala ng hangin.

“Sorry din.” ‘yon lang ang nasabi ko dahil hindi ko alam kung saan ako nagso-sorry o alam ko kaso ayokong aminin ang pagkakamali ko.

“Alam ko. Naiintindihan ko.” sabi n’ya.

Nilingon ko naman s’ya. Napaka-lungkot ng mukha n’ya. Huminga ulit ako ng malalim.

“Sorry ulit.” sabi ko.

Kahit paulit-ulit ko pang sabihin ang sorry ay alam kong hindi nun mababawasan ang sakit sa puso n’ya. Tinaksilan ko s’ya. Alam kong kahit hindi ko sabihin ay alam n’ya kung ano ang ibig kong sabihin.

“Cleo. Pang huling tanong lang. Sana sagutin mo ng maayos.” sabi n’ya.

Nilingon ko s’ya. Kinakabahan ako sa tanong n’ya.

“Mahal mo ba si Katrina?”

Para akong nabingi sa tanong n’ya. Pero alam kong kailangan ko itong sagutin.

At sa sagot ko na iyon ay isa lang ang nakikita ko.



May masasaktan.

HE RAPED ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon