Chapter 7

533 33 1
                                    


“Cherry ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Nasa cafeteria kami ngayon kasama sina Erick, Joseph at Katrina. Naiinis man ako kasi nandito sila Katrina at Joseph ay wala na akong magawa kasi sumunod sila sa amin matapos kaming pagalitan ng supervisor namin kanina.

Ginagamot ko ang mga sugat sa braso ni Cherry habang s’ya naman ay sinusuklay ang buhok n’ya. Sa clinic dapat kami didiretso kaso ayaw ni Cherry kaya dito na kami sa cafeteria tumuloy.

Nung nakita kami nung supervisor namin kanina ay pinabalik n’ya sa trabaho ‘yong mga naki-usyoso sa amin. Samantalang kami ni Cherry at ‘yong babae ay pinasunod ng supervisor namin kanina. Sumunod sila Erick, Joseph at Katrina sa amin, nagalit nga ang supervisor namin pero hindi naman nakinig si Erick at sumunod pa rin kaya sumunod narin sila Joseph at Katrina sa amin. Wala namang nagawa ang supervisor namin kasi matigas ang ulo nila.

Tinanong lang kami kung sino ang nauna at chineck ‘yong CCTV sa area namin. Ang napagalitan ng husto ay si Cherry kasi nakita doon na binato n’ya si Alma. Alma pala ang pangalan nung babae and tama nga ako na bago lang s’ya sa office namin. Pinaliwanag ko sa supervisor namin ang totoong nangyari pero kasalanan pa rin ni Cherry dahil s’ya ang naunang nambato. After nun ay sinabihan lang kaming tatlo na kapag mauulit pa iyon ay ita-transfer n’ya kami sa ibang floor. Binantaan n’ya rin si Cherry na baka sa susunod ay wala na s’yang trabaho.

Pinagsabihan rin ng supervisor namin sina Erick, Joseph at Katrina na huwag makisali sa gulo at sumunod na sa utos next time dahil baka e suspend n’ya silang tatlo. Tango lang naman ang tinugon ni Erick at nag sorry naman ‘yong dalawa. Pinagbati rin sina Cherry at Alma dahil nalaman ng sup na sila ang nagkaalitan. Nagsorry ‘yong Alma sa pakikealam at nagsorry din si Cherry sa pambabato at pananapak nito. Pagkatapos n’on ay pinapunta kami ni Cherry at Alma sa clinic para magamot ang sugat namin (wala naman talaga akong sugat hahaha ‘yong tuhod ko lang ang medyo nangingitim dahil sa pagkabagsak ko kanina). Sumunod ulit ‘yong tatlo sa amin kaya walang nagawa ang sup. Sinabihan nalang kami na mag overtime mamaya para matapos namin ang mga dapat ipasa ngayong araw. Buti nalang hindi busy ang office kaya okay lang.

Si Alma lang ang dumiretso sa clinic samantalang kami ay sa cafeteria pumunta. Humingi lang kami ng mga kakailanganin sa pag gamot sa mga kalmot sa leeg at braso ni Cherry at humingi nalang din ako ng hot compress para sa tuhod ko.

Si Katrina ang naglalagay ng hot compress sa tuhod ko samantalang si Joseph ay tinitingnan ang mga braso kung may pasa at si Erick naman ay tinutulungan ako sa paggamot sa mga pasa ni Cherry.

“Cherry sorry talaga. Kung hindi dahil sa aki—“ naputol ang sinabi ko nang magsalita si Cherry.

“Wala ‘yon Cleo. Tsaka nasapak ko naman ‘yong bruhang ‘yon! Kahit nagagalit ako sa ginawa n’yang pagtulak sa’yo ay natatawa parin ako sa pagmumukha n’yang gulat sa pagsapak ko kanina! Hahahaha dapat pala dalawang sapak ‘yong binigay ko eh para hindi ako lugi!” natatawang sabi ni Cherry habang sinusuklay ang buhok n’ya.

Sabi ko na nga ba hindi totoo ‘yong sorry n’ya kanina kay Alma.

“Wow! Ang saya mo atang nagkapasa?” nakangiwing sabi ko.

“Ano ka ba Cleo! Hindi naman masakit ‘yong kalmot n’ya eh! Hahaha mas masakit ‘yong sapak ko sa kanya! Buti nga! Alam mo bang nagdilim ang paningin ko nung itulak ka n’ya?! Punyeta s’ya! Wala s’yang karapatang saktan ka! Inawat mo lang kami kaya dapat hindi ka n’ya sinaktan! Gagang ‘yon! Hindi nga kita mabatukan eh!” naiinis na sabi ni Cherry.

Tiningnan n’ya naman ng masama si Erick na abala sa paglalagay ng betadine sa sugat n’ya sa braso.

“Cherry naman kasi eh! Bakit hindi ka lumaban kanina? Dehado ka na kanina eh! Kaya inawat ko na s’ya.” sabi ko sakanya dahilan para mapatingin ulit s’ya sa akin.

“Eh gaga! Hinayaan ko muna s’yang saktan ako ng lubos para masapak ko s’ya ng pagkalakas-lakas! Kaso inawat mo kami at ikaw naman ang nasaktan kaya nasapak ko ng maaga!” paghihimutok n’ya.

“Hindi naman ako nasaktan eh. Kung alam ko lang na ni-re-ready mo pa pala ang sarili mo para masapak mo s’ya ng malakas edi sana hindi na ako umawat.” natatawang saad ko.

Tiningnan ko naman si Katrina na kanina pa tahimik at abala lang sa pagro-roll ng hot compress sa tuhod ko. Bakit ba nandito itong babaeng ‘to? Pabida ba?

“Katrina, okay na kami. Bumalik na kayo sa office.” sabi ko kahit gusto ko s’yang tanungin kung bakit s’ya nandito.

Nag-aalalang tumingin s’ya sa akin tapos tumingin na s’ya kay Joseph bago tumayo.

Ahhh...kaya pala...sabi na eh.

Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila at tiningnan si Erick na abala parin sa paggagamot sa sugat ni Cherry.

“Erick ayos na kami, bumalik ka na sa office. Mag-o-overtime ka tuloy dahil sa amin.” sabi ko kay Erick.

Nginitian n’ya lang ako at nagkibit-balikat.

“‘Yoko nga! Ang boring ‘don sa taas. I don’t mind being here at mag-overtime. Mas okay naman kayo kasama.” sabi ni Erick na patuloy pa rin sa ginagawa n’ya.

Tumingin nalang ako kay Joseph. Nakapanglumbaba s’ya ngayon habang ang mga siko n’ya ay nakatukod sa mesa. Si Katrina naman ay nakaupo na katabi n’ya at nakatingin lang sa amin. Sa akin. Ata? Problema nito?

“Joseph, bumalik na kayo sa opisina. Nakakahiya naman. Mag-o-overtime pa tuloy kayo.” awkward na sabi ko.

“Tama si Erick. Mas okay dito. Boring sa taas eh.” sabi ni Joseph nang nakangiti.

Nginingiti nito?

Tiningnan ko si Katrina. Hindi naman s’ya mukhang bored. Nakatingin lang s’ya sa akin habang bakas sa mukha n’ya ang pag-aalala, naki-creepyhan ako sa kanya. Kanina pa s’ya nakatitig sa akin eh.

Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila at pinagpatuloy ang pang-ga-gamot ko kay Cherry.

“Hindi ko ata napansin si Leo?” nagtatakang tanong ni Cherry.

Napaisip naman ako. Oo nga no? Hindi ko ata s’ya nakita kanina?

“Absent s’ya ngayon. Tumawag s’ya sa sup kanina at pinaalam na a-absent s’ya. Lagnat ata.” sabi ni Joseph.

Oo nga pala. Magkasama sila sa team nila.

Tumawa si Cherry kaya napatingin naman ako sa kanya.

“Problema mo?” tanong ko sa kanya.

“Wala hahahaha lagnat pala ha?”natatawang saad ni Cherry.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi n’ya. May nangyayari ba na hindi ko alam?

Hindi ko nalang s’ya pinansin at nagpatuloy na sa pag gamot sa sugat n’ya.

___

Buong maghapon ay nakatuon lang ang atensyon namin sa trabaho namin hanggang sa mag out na.

Pero dahil nga overtime kami ngayon ay naiwan kami sa office. Nandito pa naman ang supervisor namin at chini-check ‘yong mga files namin at tinatama kung may mali.

Pasado alas otso na ng gabi ng sinabihan kami ng supervisor namin na umuwi na. Kaya sinave ko na ang file ko at sinubmit sa sup namin. Ngayon kasi ang submission ng files ko para ipasa sa head namin para mareview ito.

Palabas na kami ng building at kasama ko silang apat. Tahimik lang si Cherry habang tinitipa ang cellphone n’ya at katabi ko naman si Erick, samantalang nakasunod lang sila Joseph at Katrina sa likuran.

Ang awkward talaga kasi kasama ko sina Joseph at Katrina. Pero ang weird kasi hindi naman na ako nasasaktan o ano. May konting selos lang.

“Cleo, anong balak mo bukas? May lakad ka ba?” tanong ni Erick kaya nilingon ko s’ya.

Oo nga no? Sabado na bukas. Day off namin. Sabado at Linggo kasi ang official day off ng lahat ng empleyado sa kompanya namin. Ang cool nga eh kasi may family time talaga kami kasi weekend ang day off namin. Minsan lang naman ang work on day off kaya okay lang.

Hmm...ano kaya ang gagawin ko this weekend? Ay oo nga pala. Hindi ko pa nasimulang basahin ‘yong librong nabili ko.

“Ahm...wala akong lakad bukas pero may gagawin ako. Bakit?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Ahh...ganun ba? Wala naman hehe” sabi n’ya sabay kamot sa batok n’ya.

Nagkibit-balikat nalang ako at tiningnan si Cherry. Ang busy ng bruhang to.

“Cherry. Sino ba ‘yang ka text mo? Ang busy mo ata?” tanong ko sa kanya.

Tumingin naman si Cherry sa akin at nginisihan lang ako sabay tago ng cellphone n’ya. I smell something fishy...

“C-cleo...papa m-mo...” nag-aalalang sambit ni Joseph kaya napatingin naman ako sa entrance.

At nakita ko nga si papa. Madilim ang mukha n’ya at tingin ng tingin sa cellphone n’ya. Nakatayo lang s’ya doon at tumitingin-tingin sa paligid. At nang makita n’ya ako ay lumiwanag agad ang mukha n’ya at ngumiti. Pero nawala agad ito nang mapunta ang tingin n’ya kay Erick. Naging matalim ang titig n’ya sa aming dalawa kaya bago pa s’ya makapag-isip ng kung ano-ano ay tumakbo na ako palapit sa kanya at niyakap s’ya.

“Pa! Andito ka pala! Kanina ka pa po ba?” tanong ko sakanya at hinawakan ang braso n’ya para mabaling ang atensyon n’ya sa’kin.

Tumingin naman s’ya sa akin at lumambot agad ang ekspresyon nito.

“Nag-aalala lang ako anak. Hindi ka pa kasi umuuwi. Alas otso na kaya pumunta na ako dito nung makitang wala ka pa sa bahay. Tinext kita pero hindi ka naman nagre-reply.” nag-aalalang sabi ni papa.

Napangiti naman ako sa sinabi n’ya. Ang sweet pala ni papa. Ganito pala s’ya. Akala ko ay hindi na s’ya magbabago.

“Sorry papa. Naiwan ko kasi ‘yong phone ko sa bahay at pinag-overtime din kami.” pagpaumanhin ko kay papa.

Lumapit naman sila ni Cherry, Erick, Joseph at Katrina sa amin.

“Ahm...magandang gabi po tito Lucio” awkward na bati ni Joseph.

Tinangoan lang s’ya ni papa at tumingin na kina Cherry, Katrina...at kay Erick.

“Ah! Pa! Mga kaibigan ko nga pala slash ka trabaho. Ito si Cherry *tinuro ko si Cherry*, s’ya naman si Katrina *sabay turo kay Katrina*, at kilala mo naman na po si Joseph di ba? *sabay turo kay Joseph* at eto naman si Erick *sabay turo kay Erick na nakangiti*. May isa pa akong kaibigan, si Leo. Kaso absent s’ya ngayon. May lagnat daw eh.” sabi ko kay papa.

Natawa naman bigla si Cherry sa panghuling sinabi ko kaya napatingin kami ni papa sa kanya. Tumahimik naman agad s’ya at sabay sabay silang bumati kay papa.

“Magandang gabi rin sa inyong lahat. Iuuwi ko na ang anak ko. Sumabay na kayo sa amin. Kasya naman kayo sa taxi ko. Ihahatid ko na rin kayo. Tsaka Joseph, magkapitbahay lang naman tayo kaya sumabay ka na.” saad ni papa.

Sumang-ayon naman ako kaya sumang-ayon narin sila maliban kay Erick.

“Ahm...maraming salamat po sir Lucio. Pero may dala po akong sasakyan. Gustuhin ko mang sumabay ay ayoko naman pong iwan ang sasakyan ko. Pasensya na po sa inyo. Mag-ingat po kayo sa byahe.” pagpaumanhin ni Erick.

“Sige. Mag-ingat ka rin sa pagmamaneho. Halina kayo at pumasok na sa taxi ko.” sabi ni papa at nauna nang sumakay sa taxi n’ya.

“Pasensya ka na Cleo ha? Sa susunod hindi ko na dadalhin ‘yong sasakyan ko para makisakay sa inyo.” malungkot na sabi ni Erick.

Natawa naman ako sa sinabi n’ya.

“Ano ka ba Erick! Okay lang ‘yon! Tsaka ngayon lang ‘to no! Huwag mo ngang sabihin na hindi mo na dadalhin ‘yang sasakyan mo. Ngayon lang naman ‘to kaya baka mag commute ka na sa susunod kapag hindi mo dadalhin ‘yang sasakyan mo!” natatawang sabi ko.

Napangiwi naman siya sa sinabi ko kaya tumango nalang s’ya.

“Sige. Alis na ako. Mag-ingat kayo sa byahe.” sabi ni Erick.

“Sige. Ikaw din. Ingat din sa pagmamaneho.” sabi ko naman.

Lumingon si Erick kina Cherry at tinangoan sila.

“Una na ako sa inyo. Ingat kayo.” sabi n’ya.

Ngumiti lang si Katrina at tango lang ang tugon ni Joseph samantalang si Cherry ay inirapan lang si Erick.

“Guys pasok na. Gabing-gabi na. Hinihintay na tayo ni papa” sabi ko sa kanila.

Pumasok naman na kami lahat at pinaandar na ni papa ang sasakyan.

HE RAPED ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon