Chapter 6

591 34 2
                                    

Chapter 6

Kinabukasan pag gising ko ay sobrang gaan ng pakiramdam ko. Siguro dahil na rin sa nangyaring masinsinang usapan namin ni papa kaninang madaling araw. Kahit lasing s’ya ay alam kong totoo yung mga sinasabi n’ya. Hindi ko parin lubos maisip na maayos na kami ni papa.

Alas sais ponto nang tingnan ko ang oras sa wall clock ko.

‘Ang aga ko atang nagising samantalang mga alas tres na ata ako nakabalik sa kwarto ko matapos kong ihatid si papa sa kwarto n’ya. Sobrang lasing n’ya kasi.’

Nag-ayos agad ako at nang matapos na ay pumanaog na agad ako. Nang makababa ay nakita kong nakahanda na ang pagkain pero hindi pa sila kumakain ni mama at papa. Nagbabasa ng dyaryo si papa samantalang si mama ay nagtatakang tumitingin-tingin kay papa.

Nang makalapit ako ay nagulat si mama. Siguro hindi n’ya inaasahan na sasabay akong mag-agahan sa kanila.

“Good morning Ma. Good morning Pa.” nakangiting bati ko sa kanila ni mama at papa pagkatapos ay umupo na ako sa tabi ni papa.

Mas lalong nagulat si mama sa pagbati ko sa kanilang dalawa at sa pagtabi ko kay papa. Nilingon naman ako ni papa at binaba n’ya ang dyaryo at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Kahit nakaupo na ako ay nararamdaman ko parin ang titig n’ya. Pero alam ko na kaya n’ya lang ginagawa iyan ay dahil naninibago pa siya at sinusubukan n’ya pa akong tanggapin.

Tiningnan ko rin ang kabuuan ko. Hindi naman ako masyadong sexy ngayon. Ang suot ko ay black collared longsleeves na naka open at sa ilalim nito ay white sando, pinaresan ko ito ng black denim jeans at ang susuotin ko naman sa paa ay ‘yung kulay black na 2 inches block heels ko. Kinulot ko din ang tip ng buhok ko.

May mali ba sa suot ko ngayon?

“G-good morning din anak.” kinakabahang sabi ni mama.

Nginitian ko lang si mama at kinindatan. Nagulat man s’ya sa ginawa ko ay nagpatuloy nalang sa pag silbe sa amin si mama habang si papa ay tinititigan pa rin ako. Nilingon ko si papa at nginitian.

“May problema po ba sa suot ko papa?” tanong ko sa kanya. Kahit hindi ako sigurado kung naalala pa ba n’ya ang mga sinabi n’ya kaninang madaling araw ay lihim ko itong pinagdarasal na sana naman ay naalala n’ya at tuparin n’ya ‘yong pangako n’ya sa akin.

“Ahem! Wala naman anak. Sige na kumain ka na.” striktong sabi ni papa.

Napangiti naman ako sa sinabi ni papa, samantalang si mama ay gulat na gulat sa tinuran ni papa. Nabilaukan pa s’ya sa kinakain n’yang choriso kaya sabay na tinulungan namin ni papa si mama.

Nang mahimasmasan si mama ay nagtatakang tiningnan n’ya kami ni papa habang kami ni papa ay walang imik na nagpatuloy sa pagkain.

___

Nasa labas palang ako ng building ay pinagtitinginan na ako ng mga ka-trabaho ko. Siguro ay nagtataka sila kung bakit ang laki ng ngiti ko o baka naman ay nacu-curious sila kung sino iyong matandang naghatid sa akin at nagmano pa ako.

Hinatid kasi ako ni papa sa pinagta-trabahoan ko. Nagulat pa nga ako nung mag-offer si papa na ihatid n’ya daw ako. Kahit si mama ay nagulat din sa sinabi ni papa kaya nginitian ko nalang si mama.

Nung ihatid ako ni papa ay akala ko hindi na s’ya lalabas pa sa taxi n’ya pero lumabas siya at hinatid ako sa entrance mismo ng building namin. Sinabihan n’ya lang ako na mag-ingat at huwag magpadala sa bugso ng damdamin sa mga kalalakihan kaya tumango nalang ako sa sinabi n’ya. Matapos ay nagmano na ako at umalis na s’ya.

Masaya ako sa kinikilos ni papa ngayon. Nararamdaman kong nagbabago na nga s’ya. At masaya rin ako na strikto s’ya pagdating sa mga lalake. Naku! Kung alam n’ya lang ang tungkol kay Joseph! Baka sugudin n’ya ito ng itak!

Char lang! Hahahaha as if! Eh ako lang nga ang may gusto sa mokong na’yon!

Nasa loob na ako ng elevator nung makita ko si Erick na tumatakbo at gusto atang makisabay kaya bago pa mag close ang elevator ay napigilan ko na ito kaya nakapasok agad si Erick. Napangiti s’ya sa ginawa ko kaya sinuklian ko rin s’ya ng ngiti.

“Thanks Cleo.” nakangiting saad ni Erick.

“Wala ‘yon” sagot ko naman sa kanya.

Medyo awkward pa rin ako sa kanya pero okay lang. Sa una lang naman ganun eh.

“Nga pala, ang glowing mo ngayon? Good mood ka ata?” nakangiting saad ni Erick habang umaandar pataas ang elevator.

Halata ba na masaya ako ngayon? Kaya ba ako pinagtitinginan ng mga katrabaho ko kanina?

“Ahh...wala...nagkaayos lang kami ng papa ko.” sabi ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo n’ya sa sinabi ko pero hindi na s’ya nagsalita pa. Alam kong may gusto pa s’yang sabihin kaso hindi nalang n’ya tinuloy. Naramdaman n’ya atang hindi pa ako ready mag-open up. Tsaka haleeerr! Nasa elevator kami no! Ayoko naman e share ‘yong story ko habang may nakikinig na hindi ko close no! Hindi rin naman kami ganun ka close ni Erick kaya hindi ko rin alam kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.

Pagkarating sa floor namin ay nag log-in muna kami at sabay na pumasok sa office. Tahimik lang kami habang nakasunod si Erick sa akin samantalang ako naman ay patuloy lang sa paglalakad hanggang nasa station na ako.

“Cleo, okay lang bang sumabay akong kumain sa inyo mamaya?”

Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko.

Paglingon ko ay si Erick pala. Akala ko hindi na s’ya nakasunod sa akin.

“Ikaw? Sasabay sa amin? Ha! Para ano? Para pahiyain ulit si Cleo? No way!” biglang singit ni Cherry.

Nandito na pala si Cherry. Hindi ko man lang napansin. Ano ba ‘tong babaeng ito. Parang kabute! Sumusulpot bigla! Nakakagulat!

“Hoy Cherry! Wag ka nga!” sabi ko nalang.

Inirapan naman ako ni Cherry at tumingin kay Erick ng nakataas ang kilay. Ang taray ha! Hahaha

“O ano? Natameme ka? Bugbugin kita d’yan eh!” pagtataray ulit ni Cherry.

Nahihiya na talaga ako sa ginagawa ni Cherry! Pinagtitinginan na kami ng mga katrabaho namin sa station. Ang laki kasi ng boses nitong babaeng ‘to!

“Ahm...Cherry right? I’m sure nakita mo ‘yong nagawa ko kay Cleo kaya galit ka sa akin. Nag sorry na ako kay Cleo and I know hindi pa sapat iyon. Gumagawa naman na ako ng paraan para magkaayos kami. Sana maging friends na rin tayo.” nahihiyang saad ni Erick.

“What?! Friends?! Teka nga Cleo! Pinatawad mo na ‘tong walking germs na’to?! Like wtf?!” galit na saad ni Cherry. Matalim n’ya akong tiningnan kaya nginitian ko nalang s’ya bilang tugon at umupo na ako sa chair ko at nagsimula na sa work.

“Sige Erick, sabay kana sa’min mamaya. Pero pa’no ‘yong mga friends mo?” sabi ko nang hindi sila tinitingnan. Naka focus lang ako sa computer ko at nagsisimula nang mag open ng file.

“What?! Cleo! Seryoso ka ba?!” sabi ni Cherry.

Nilingon ko naman si Cherry at nginitian s’ya. I want her to feel na there’s nothing to worry.

“Cherry, tumahimik ka na nga lang. Ayos na kami okay?” sabi ko sakanya.

Inirapan n’ya lang ako at pabagsak na naupo sa chair n’ya at padabog na in-open ang computer n’ya. Hahaha

“About them, nasabihan ko na sila sa decision ko. Actually, sila ang nag-udyok sa akin na makipagbati sa iyo. Hindi rin daw nila ginusto na insultuhin ka. Sorry nga pala in behalf of them at sorry ulit sa nagawa ko.” pag-uumanhin ni Erick.

“Wala ‘yon Erick. Pinapatawad ko na sila.” sabi ko sabay ngiti. I want to end this ill feeling once and for all.

“Salamat talaga Cleo. Sige. Punta na ako sa station ko. Mamaya ha?” sabi ni Erick ng nakangiti.

Tinangoan ko lang s’ya at nginitian. Pagkatapos ay tiningnan ko si Cherry. May dalawang computer desk muna bago ang kay Cherry, pero wala namang nag-o-occupy doon kaya hindi awkward kung mag-uusap kami ni Cherry. Besides, hindi naman kami nakikita ng Supervisor unless mag-a-ala-Dora ang sup namin.

Nakabusangot ang mukha ni Cherry habang tumitipa sa keyboard n’ya at may mga sinasabi s’ya pero hindi ko naman s’ya naririnig kasi pabulong lang iyon.

Natawa nalang ako sa kanya dahil nagbubulong-bulong siya at umiirap sa kawalan. Talagang naiirita s’ya ha?

“Cherry...” tawag ko sakanya. Nilingon n’ya naman ako pero iniirapan lang din.

“Sorry naaaa...eh kasi naman ayoko ng may kaaway eh!” sabi ko sakanya.

Nilingon n’ya ulit ako pero hindi na n’ya ako inirapan. Instead, sinimangutan n’ya lang ako.

“Bakit kasi ang bait mo? Hindi mo alam baka may pinaplano pala iyang Erick na’yan sa’yo! Hindi ko s’ya feel Cleo ha! Bahala ka kung makikipag-kaibigan ka sa walking germs na’yon! Basta ako ayoko!” sabi n’ya sabay irap.

“Cherry naman eh. Try mo lang na kaibiganin si Erick. Mabait naman s’ya eh! Kilalanin mo muna.” sabi ko.

“Ay naku Cleo! Hindi mo mapipilit ang isang tao kapag sarado ang isipan!” sabat nung babaeng nasa kabilang station na nakikinig pala sa amin.

Sabay kaming napatingin sa kanya. Ako na nakataas ang kilay at si Cherry na masama ang tingin sa kanya. Nag-iwas naman agad ng tingin yung babae sa amin at nagpatuloy na sa work n’ya. Samantalang si Cherry ay hindi parin inaalis ang masamang tingin doon sa babae.

Tatawagin ko sana si Cherry nang magulat ako sa ginawa n’ya.

Tinapon n’ya kasi ‘yong bear clock n’ya na nakapatong sa mesa n’ya doon sa babae. At sapol naman ang likod ng ulo nito. Napaigik ito sa sakit siguro na naramdaman nito. Pati ako ay napaigik at napangiwi sa ginawa ni Cherry. Gawa kasi sa clay soil ang bear clock n’ya kaya talagang masakit at magkakabukol ka kung sasalampak ito sa ulo mo.

Galit na lumingon kay Cherry ang babae at tumayo sa chair nito. Samantalang si Cherry ay nakaupo pa rin habang matalim na nakatingin doon sa babae. Humakbang palapit iyong babae kay Cherry at sasabunutan sana ito kaso naunahan na siya ni Cherry. Binato kasi ulit ito ni Cherry, this time yung binder n’ya naman ang binato n’ya at sapol ito sa mukha nung babae.

“Walang hiya ka!” galit sigaw nung babae at sinampal n’ya si Cherry ng sobrang lakas.

Nagulat ako sa ginawa nung babae kay Cherry kaya tumayo na ako at nag-aalalang tumingin kay Cherry. Lalapit sana ako kaso napatigil ako nung nakitang nakangisi lang si Cherry na bumaling doon sa babae.

Tumayo na si Cherry sa pagkakaupo. Pinagtitinginan na rin kami ng mga katrabaho namin dahil sa comotion na nangyari.

Sinugod ulit nung babae si Cherry at hinila ang buhok nito. Hindi naman lumalaban si Cherry kaya lumapit na ako at hinawakan ‘yong babae para awatin s’ya ito.

Tumingin ako sa mga kasamahan namin at humingi ng tulong pero wala silang ginawa. Pinipilit ko paring palayuin ‘yong babae kay Cherry at tumingin ulit ako sa mga kasamahan namin. Nakita ko naman na tumayo si Joseph at Katrina pati mga kasamahan nila sa station nila. Nung nakita ni Joseph ang nangyari ay dali-dali itong umalis sa station nito. Sumunod naman si Katrina at iba pa nilang mga kasamahan. Napahinga naman ako ng maluwag. Mabuti naman at nandito si Joseph.

“Cleo!”

Nilingon ko sa kanan ko kung sino ang tumawag sa akin. Si Erick pala. Papalapit na s’ya sa amin.

Inaawat ko pa rin ‘yong babaeng patuloy na sinasabunutan si Cherry. Tinutulak ako nung babae pero hindi naman ako natutumba kasi hindi naman ganun kalakas ang pagkakatulak n’ya.

“Cherry ano ba! Lumaban ka naman! Nakaganti na s’ya sa’yo!” galit na sigaw ko kay Cherry kasi parang wala lang s’ya habang sinasabunutan at kinakalmot ang mga braso n’ya. Naaawa na ako sa kanya. Bakit ba hindi lumalaban si Cherry?!

Kahit ayoko ng away, hindi naman ako papayag na may ma-a-agrabyado! Sabihin na nating si Cherry ang unang nambato. Pero ‘yong babae naman ang naunang makisali sa usapan! Tsaka nasampal na n’ya si Cherry at nasubunutan! Nakalmot pa! Tama na siguro iyon!

“Tumigil ka na miss!” sigaw ko doon sa babae. Hindi ko kasi talaga s’ya kilala. Hindi naman ako masyadong interesado sa mga pangalan ng mga empleyado dito, unless kilala sila. Gaya ni Cherry na warfreak. Pero asan na ‘yong warfreak na Cherry?!

Hinila ko ulit palayo kay Cherry ‘yong babae kaya napalingon ito sa akin at malakas na tinulak ako kaya napadausdos ako sa sahig.

“Cleo!” narinig kong sigaw nila Cherry, Erick at Joseph. Napasinghap naman ang ibang nakakita.

Napaupo ako sa sahig at gulat na gulat akong napatitig sa kanya. What the h?!

Napatingin sa akin si Cherry at nakita kong nagulat rin s’ya sa ginawa nung babae sa akin. Sasabunutan na dapat si Cherry nung babae kaso nilingon s’ya ni Cherry na may galit sa mata at sinapak ng pagkalakas-lakas ang mukha nito kaya natisod ‘yong babae at napaupo sa sahig.

“Cleo, ayos ka lang?” nag-aalalang tanong sa akin ni Erick. Nakalapit na pala s’ya sa akin. Kita ko rin ang gulat sa mukha n’ya nang makitang sinapak ni Cherry ‘yong babae.

“WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE!!!” Dinig naming galit na sigaw ng supervisor namin.

Napatahimik naman ang lahat sa sigaw ng supervisor namin. Nakita ko ring napatigil sa paglapit sina Joseph at Katrina. Nag-aalala silang nakatingin sa amin.

HE RAPED ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon