Kinabukasan, habang naglalakad ako papasok sa building ay may lumambitin sa likod ko kaya muntik na kaming matumba. Buti nalang at nakahawak agad ako sa desk ng guard.Natatawang tiningnan naman ako ng guard kaya nilingon ko kung sino ang gumawa nun.
“Hi Cleo! Goood Mooorrrniing!!” masiglang saad ni Katrina.
Umayos naman ito ng tayo at pumunta sa harapan ko. Malaki ang ngiti n’ya ngayon at masiglang-masigla rin s’ya.
Napangiti naman ako sa kanya.
“Good Morning din Katrina.” sabi ko sa kanya.
Naalala ko naman ang tanong ni Joseph kagabi.
‘Mahal mo ba si Katrina?’
Tumingin ako kay Katrina. Nararamdaman ko ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para rin akong kinunan ng oxygen kasi saglit na tumigil ang paghinga ko nung nakita kong parang kumislap ang mata n’ya.
Saka lang ako bumalik sa tamang hwisyo nung kumapit si Katrina sa braso ko sabay tingin sa akin habang nakangiti.
Ngitian ko lang s’ya at huminga ng malalim bago itinuon ang tingin patungong elevator at nagsimula ng maglakad.
Nakakapit parin si Katrina sa braso ko nung lumabas na kami sa elevator. Nasa floor na kami at nakita kong inaayos ni Cherry ang magulong buhok ni Leo.
Napangiti naman ako. Mukhang sila na ata. Sana all.
Napatingin naman si Leo sa gawi namin ni Katrina at ngumiti sa amin kaya lumingon si Cherry sa amin. Napatigil naman s’ya sa ginawa n’ya at mabilis na binaba ang kamay n’ya.
“Cleo! Katrina! Good Morning!” bati ni Cherry sa amin.
Ngumiti naman ako at nagulat ako nung tumakbo si Cherry papunta sa akin at kay Katrina tapos lumambitin s’ya sa amin. Muntik namang matumba si Katrina sa ginawa n’ya kaya hinawakan ko agad ang bewang n’ya kaya napatingin s’ya sa akin at ngumiti. Nginitian ko nalang rin s’ya.
Binatukan ko ng mahina si Cherry kaya tumawa nalang siya. Pati si Leo ay natawa rin.
Nung matapos kaming mag log-in ay pumasok na kami sa loob. Saktong pagpasok namin ay saka naman papalabas si Joseph kaya ang nangyari ay nagkasalubong kami.
Napatigil ako sa pagpasok at napatingin sa kanya. Si Joseph ay tinitigan lang din ako nang bigla akong mahinang tinulak ni Katrina papasok kaya naputol ang pagtitigan namin ni Joseph.
Kitang-kita ko kung paano s’ya nasaktan nung nakita n’yang magkasama kami ni Katrina. Nagi-guilty talaga ako sakanya. Alam kong gusto n’ya si Katrina at hindi ko man lang alam kung ano na ang label nilang dalawa.
Kung sila pa ba o ano. Wala akong alam. Basta ang alam ko lang ay iniiwasan kami ni Joseph at si Katrina ay parang wala lang.
Tiningnan ko si Katrina, nakasimangot na s’ya ngayon at masama ang tingin n’ya kay Joseph. Hinila ko nalang s’ya papasok pero binawi n’ya ‘yong kamay n’ya sa akin at nagpatuloy lang sa pagpasok habang nakasimangot parin at nakakunot ang noo.
Tiningnan ko muna si Joseph na ngayon ay nakasunod ang tingin kay Katrina. Nainis naman ako sa pagtingin n’ya kaya tinulak ko s’ya palabas at sinamaan s’ya ng tingin bago tumuloy at pumunta sa workspace ko.
Nakita ko namang nakangisi si Cherry sa akin kaya hindi ko nalang s’ya pinansin dahil nagseselos ako.
Oo. Nagseselos ako.
Bago ako umupo ay tiningnan ko muna ang area nila Katrina pero hindi ko na s’ya nakita. Siguro ay umupo na s’ya.
Padabog akong umupo at in-on ang computer.
BINABASA MO ANG
HE RAPED ME (Completed)
Romance"A journey of LOVE and IDENTITY." Date started: June 11, 2020 Date finished: June 13, 2020 Date edited: June 25, 2020