After ng CT scan ko sa isa kong mga pasyente ay agad akong lumabas ng Medical room kasama ang assistant nurse kong si Amber.
"Is Eon awake?" tanong ko rito habang naglalakad kami sa pasilyo. Tukoy ko sa bata. Kahapon nang makuha ko ang patient chart kay Dr. Delhimino ay agad kong pinagtuunan ng pansin at inaral ang bawat test na isinagawa rito noon. Napag-alamanan kong maari na itong operahan agad upang di na lumala ang tumor sa utak nito and after that pwede itong radiation and chemo theraphy as his continuation recovery.
"Yes Dra. Actually kakagising lang niya noong palitan ng assign nurse niya ang IV fluid nito" tumango tango ako sa sinabi nito. Ngayon ko pa lang makikita ang bata, dahil balak ko itong bisitahin sa kwarto nito. Hindi ko alam kung bakit may kaba akong nararamdaman, marahil totoong naaawa ako sa kalagayan ng bata at hindi ko kayang makita siya na nasa malalang kondisyon. I hope na maging okay siya after my operation to him.
Kasama ko si nurse amber, sya ang nagbukas nang pinto ng kwarto nito. Dahan dahan akong pumasok hanggang sa makita ko ang isang batang lalaki, nakaupo ito sa kanyang hospital bed habang busy ito sa paglalaro ng rubiks cube.
Hindi ko naiwasang mapangiti habang pinapanuod ito. Hindi ko inabalang tawagin ito, mukhang seryoso talaga ito sa pagbubuo ng rubiks na kahit mismong pagbukas ng pinto ay hindi na nito napansin.
Maya maya lang ay nawala ang atensyon nito sa nilalaro at napunta sakin ang nagtatakha nitong tingin. Nakangiti ko naman itong nilapitan.
"Hi! I'm Dra. Karalina. Your doctor Eon" pakilala ko 'rito. Tinignan nito ang aking kamay na nakalahad, hinihintay ko itong makipagkamay pero di yata uso sa mga batang katulad nito ang shakehands. kaya akmang ibababa ko na sana ang aking kamay nang bahagya akong nagulat sa ginawa nito.
Iniyakap nito ang maliliit niyang kamay sa bewang ko, kaya hinaplos ko ang likuran nito. Nang humiwalay ito sa akin ay muli itong humarap sakin at tila ba namamangha ang mukha nito sa nakikita. Kaya hindo ko naiwasang mapatawa.
"Hey, are you okay?" Tumango tango ito.
"A-ang ganda niyo po doctor, para po kayong manika" halos magpacute ang mga mata nito sakin kaya nakurot ko ito sa pisngi.
"Ang cute mo din" komento ko. Infairness naman sa kapatid nito ay gwapo 'rin, may dimple ito at kulot ang buhok nito. Maputi nga lang ito kaysa sa kuya nito.
"Doctor gagaling po ba ako?" Biglang tanong nito, kaya napaupo ako sa tabi ng kama nito. Sa edad nito alam kong may isip na ito tungkol sa bagay bagay na nangyayari dito, kaya hindi na ako nagulat sa itinanong nito. Kahit ang apat na taong gulang na bata ay madalas iyong tanong kapag naadmit sila sa hospital.
Sinapo ko ang pisngi nito "Oo naman, just always pray Eon and believe to our God! I know kapag mabait na batang katulad mo e pinapagaling niya" And the doctor is the instruments he use to aid the life of each people, dahil alam kong walang permanente sa mundo. Kung oras mo na, ay oras mo na at walang magagawa ang isang magaling na doktor na pahabain pa ang buhay mo.
"Yehey! Sasaya na si Kuya Elli"
So that's his nickname? Elli? Sound nice if i start call him that.
"Doctor nakita mo na po ba si Kuya? Gwapo rin siya at bagay po kayo"
Yes he is gorgeous man and i want your brother that's why i'm here. Gusto kong isagot ito pero 'wag na lang baka magtaka pa ito.
Hindi ko naiwasang mapangisi nang marealize ang huling sinabi nito "talaga?" Pagkukumpirma ko pa dito, agad naman itong sunod sunod tumango sa akin. Kaya di ko naiwasang guluhin ang buhok nito.
Such a honest baby boy! Mukhang magkakasundo kami nito agad.
"Pero Dra. Mayroon na pong girlfriend si kuya si ate Bianca" nawala ang ngiti ko sa labi matapos marinig ang sinabi nito. Tama nga sila na may kapalit ang sobrang kasiyahan. Damn!
BINABASA MO ANG
Doctor Series 1: The Neurosurgeon Little Secret
RomanceDra Karalina Carillo is a famous neurosurgeon because she was a monster when she's in her operation. Wala yata itong hindi napagaling na pasyente at mga successfull operation na nagawa nito. Ngunit sa likod nang kanyang laboratory gown, she was expe...