Little Secret 31

787 13 2
                                    

"Salamat naman at lumabas kana na ng kwarto mo" narinig kong sambit ni Manang Ces at para bang nakahinga siya nang maayos nang makita niya ako.

Sa dalawang araw na nakalipas ay wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong ko sa loob ng aking kwarto at ngayon ko lang napagdesisyunang lumabas.

"I-i'm so sorry Manang Ces" hingi ko pa nang tawad 'rito. Pati sila ay nadadamay na dahil sa problema ko.

Nagtataka ang itsura niyang tumingin sa akin "Para saan? Hindi ka na iba sa akin Kara, Kung may problema ka nandito lang naman kami. Hindi maganda ang itago ang lahat, mas mabuti nang may paglalabasan ka nang sama ng loob." malungkot akong napangiti rito.

Ngapapasalamat ako kay Manang Ces at Kuya boy, dahil inirespeto nila ako. Ayoko na kasing mamoblema rin sila sa pinagdadaanan ko ngayon. Sapat nang ako na lang ang umayos sa lahat, tutal kasalanan ko naman at ako lang 'din ang may kakayahang isaayos ang mga naging pagkakamali ko. Narealize kong walang mapapala ang pag-iyak at pag-ubos ko ng luha sa buong magdamag.

"Okay na po ako Manang Ces maraming salamat po sa lahat. H-hinding hindi ko po kayo makakalimutan." kusang kumunot ang noo niya matapos marinig ang aking sinabi.

"Aba'y parang magpapaalam ka naman sa lagay na iyan anak." tila nagbibiro niyang untag, ngumiti lamang ako sa kanya at nagtungo na sa lamesa upang kumain nang agahan na inihanda niya.

"Nga pala anak, pupunta ang mommy mo ulit dito. Sana'y maharap mo na siya" ani Manang Ces habang inilalagay sa table ang huling bacon na iniluto niya.

Nilingon ko sya "Pakisabi Manang na hintayin po ako  kapag dumating siya. Dadaan lang po ako sa hospital"

"Sige sasabihin ko" sagot niya pa at tumango.

Wala pa ang Chairman kaya napagdesisyunan ko munang magtungo sa opisina ko, para isettle ang lahat nang gamit ko na naiwan. Kinuha ko sa ilalim ng table ko ang isang maliit na box. Isa isa kong inilagay sa loob non ang mga personal kung gamit. Hanggang sa madampot ko ang aking name plate sa ibabaw ng table ko.

Hinagod ko ang pangalan kong nakaukit doon at malungkot akong napangiti. Ilang taon kong pinaghirapan ang titulong ito, hindi ko alam na sa isang iglap ay mawawala lang ang lahat dahil sa isang pagkakamali.

Tinapos ko na ang paglalagay nang gamit ko sa kahon. sakto namang kinontak na ako ng head nurse upang ipaalam sa akin na dumating na opisina niya ang dating Chairman.

Kinuha ko na ang mahabang puting sobre sa ibabaw nang table ko at inilagay ko iyon sa loob ng laboratory gown na suot ko.

Huminga ako ng malalim, bago tuluyang lumabas nang opisina ko.

I think this is the best decision i've made. Para matigil na rin ang lahat at matahimik na din ang mga taong naging sangkot sa lahat nang problemang ito.

Kumatok ako ng dalawang beses sa opisina niya, nang walang sumagot ay tuluyan na akong pumasok sa loob. Naabutan ko siyang busy sa kung anong papel na nasa ibabaw ng table niya.

Hindi ako nagsalita nagtuloy tuloy lang akong lumapit sa kanyang table. Hindi pa rin siya nagaangat nang tingin kaya inilabas ko na rin ang puting sobre na naglalaman ng aking resignation letter at marahan iyong inilapag sa ibabaw ng table niya dahilan para umangat ang kanyang tingin sa akin

"Ito ba ang solusyon mo?" nakakunot ang noo nitong sambit.

Marahan akong sunod sunod na tumango rito bilang sagot.

I'm willing to do this!

For the sake of everyone and epecially for myself. Kahit na bigyan nila ako nang tyansa hindi na maibabalik pa non ang mga naganap. Makalimutan man nila ang nangyari pero alam kung tatak sa kanila ang mga nagawa. Hindi rin ako ipokrita para pilitin ang sarli kong maging masaya o kalimutan ang lahat na parang walang nangyari. Alam kong sa sarili kong matapos man ang lahat nang pinagdadaanan ko ay hindi na ako magiging komportable pang pakisamahan sila.

Doctor Series 1: The Neurosurgeon Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon