Naalimpungatan ako bigla nang maramdaman kong may mabigat na pumatong sa aking tiyan, nang maidilat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang nakadantay na braso ni Elli sa akin kaya hindi ko naiwasang mapangiti habang nakatagilid rito at tinitigan itong mahimbing na natutulog.
Bakit ang gwapo pa rin nito? Wala ba akong mailalait sa mukha nito?
Sinadya ko talagang putulin ang pakikipagtalik 'rito kagabi. hindi dahil pagod na ko, it was my alibi to him. Gusto ko lang bitinin ito upang lalo itong maexcite sa mga susunod na pagtatalik namin, knowing him that this is Elli's first time experience. Actually hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi nitong virgin pa ito? Sa nakakaakit nitong katawan? ewan ko na lang kung hindi pa maglaway ang girlfriend nito sa kanya. Kung ako nga na hindi naman nito kasintahan ay naakit na unang tingin ko pa lang dito. And i must say his girlfrend is too weak. Nakahain na sa kanya, hindi niya pa tinuka. Poor her! Ako pa yata ang makakauna dito sa lalaking 'to.
Nakita kong bahagya itong gumalaw at unti unti nitong naidilat ang mga mata. Nang makita niya naman ang posisyon niya sa akin ay agad niyang naialis ang kanyang kamay sa nakayakap sa bewang ko.
"S-sorry" aniya na para bang nahiya bigla.
Napangiti ako "it's okay! Kailangan mo nang masanay Elli" umupo naman ito sa aking kama.
"K-kailangan ko nang umalis, susunduin ko pa si Bianca para ihatid" napakunot ako ng noo nang marinig ko ang sinabi niya.
Ang aga aga babanggitin niya ang babaeng 'yon!
Hindi ko naman maiwasang mainis. Mukhang masisira pa yata ang araw ko.
"C'mon Elli hindi ka man lang ba magbebreakfast bago umalis" sinusubukan ko itong pigilan habang nagsisimula na itong magbihis sa harapan ko. Hindi ko naman maiwasang mamangha sa maganda nitong katawan, lalo na sa matigas nitong abs na kagabi lang ay paulit ulit kong dinama.
Ramdam kong ang pagiinit ng katawan ko ngayon. I think i want him right now!
"S-sorry Karalina hindi ko na kailangang gawin pa iyon, bilang s-sex buddy lang ang usapan natin" naiiwas nito ang tingin sa akin, parang bang awkward ito kapag pinaguusapan ang tungkol sa kasunduan namin.
Sa kabila nang pagkainis ko rito ay lalo lang nag-init ang katawan ko nang matapos siyang magbihis sa harapan ko. Damn! Ako yata ang natalo sa sarili kong pakulo na pambibitin dito kagabi, kung alam ko lang na aalis ito agad sana sinagad ko na kagabi.
"Fine! You leave Elli! Basta h'wag mo lang kakalimutan na akin ka tuwing gabi" hindi ako sinagot nito bagkos ay mabilis itong lumabas nang kwarto ko.
Naitapon ko ang isang unan sa sobrang inis ko, sakto namang tumama iyon sa kakasara lang na pinto.
Damn you Elli! Kung hindi ka lang gwapo tsk.
Kaya nang pagtapak ko pa lang nang hospital ay masama na ang timpla ko. Kung noon ay binabati ko pabalik ang mga taong naggegreet sa akin ng 'goodmorning' ngayon ay nilalagpasan ko na lang sila na para bang wala akong nakita. Kasalanan ito ng Elli'ng 'yon, humanda siya sa akin mamaya. Sisiguraduhin kong makakalimutan niya ang pangalan ng girlfriend niya!
"Oh ilang graba ang bumagsak dyan sa maganda mong mukha?" hinarangan ako ni Dra.Gina nang makita ako nito.
Tinaasan ko siya ng kilay "Magpaanak ka na lang 'don, wag mo na akong pansinin pa" asik ko rito. Tumawa naman ito nang nakakaloko at para bang mas nangaasar ito dahil sa malawak na pagkakangisi nito sa akin.
Mukhang may balak pa itong dagdagan ang pagkasira ng araw ko tsk!
"Tell me hindi ka nakaisa 'no?" tinaasan ko ito ng kilay.
BINABASA MO ANG
Doctor Series 1: The Neurosurgeon Little Secret
RomanceDra Karalina Carillo is a famous neurosurgeon because she was a monster when she's in her operation. Wala yata itong hindi napagaling na pasyente at mga successfull operation na nagawa nito. Ngunit sa likod nang kanyang laboratory gown, she was expe...