Little Secret 14

480 6 0
                                    

"Happy birthday Bennie!" masayang bati ni Karalina sa anak ng driver niyang si kuya boy, kakarating lang nila ni Ellison sa bahay nito dala ang regalo nila para sa bata.

malaki ang ngiti ng batang si Bennie "Thank you po ate doktora" natawa naman ang dalaga sa itinawag nito sa kanya, matapos non ay iniabot nya ang kanyang mamahaling laruan at damit na regalo dito.

"Hi Bennie. i'm Ellison, kaibigan ng papa mo. ito ang regalo ko sayo, pasensya na kung 'yan lang ang nakayanan ko" ani naman ng binatang si Ellison nang maiabot nya ang regalong sapatos dito.

"okay lang po ito kuya Elli. Salamat po nang marami"
nakangiting sambit ng bata sa kanya na siyang ikinangiti ni Elli. kaedad ito ng kapatid niya, kung gising at malakas lang ito ngayon ay malamang naisama niya ang kapatid sa kaarawan ni Bennie.

"Elli, Ma'am Kara!" naagaw naman ng atensyon nila si Kuya boy na tumatawag sa kanila. Nasa maliit na bakuran sa tapat ng bahay ni kuya boy sila ngayon at dito nga idinaraos ang kaarawan ng anak nitong si Bennie.

"Kuya boy! pasensya na po kung medyo nahuli po kami" si Elli nang makalapit sa kanila ang matanda

"Naku ayos lang. Ang mahalaga ay nakadalo kayo, halina sa loob nang makakain na kayo" pumasok sila sa loob ng bahay at naabutan nila ang maybahay ni Kuya boy na nagaasikaso sa iba pang bisita. ngunit nang makita sila nito ay lumapit ito sa kanila

"Magandang tanghali po ma'am" bati ni Ellison sa ginang. ngumiti naman ang ginang.

"Salamat sa pagdalo iho at doktora"

"Walang anuman po Mrs. Martinez" nakangiting sagot pa ni Karalina rito.

Habang kumakain ay nakakwentuhan nila ang magasawa kaya mas nakilala nila Elli at Karalina ang mga ito. Nang matapos naman sila sa pagkain at magsawa sa pagkekwentuhan ay nag-aya si kuya boy na lumabas, kung saan naabutan nila ang mga bata na siyang busy sa pakikilahok sa larong inihanda ng pamilya martinez.

"Simple lang pero hindi ko akalain na ganito kasaya rito" masayang komento bigla ni Karalina habang nakaupo sila sa isang gilid at pinapanuod ang mga batang tuwang tuwa sa palaro at premyo.

"First time mo bang magpunta sa ganitong pagtitipon?" napatango si Karalina sa tanong ng binata.

"You know that perk of being rich family, malayong malayo ang kasiyahang ito sa mga mayayamang nagcecelebrate ng kanilang kaarawan." napatango si Ellison bilang pagsangayon rito.

"Hindi naman mahalaga kung bongga or simple ang pagcecelebrate ng kaarawan, ang mahalaga ay kumpleto kayong pamilya. iyon na siguro ang maituturing kong pinakamagandang regalo para sa isang tao" Nang lumingon at ngumiti si Karalina ay  nakita niyang tumingin din sa kanya si Ellison pagkatapos ng sinabi nito.

Ramdam ni Kara ang malakas ng tibok ng puso niya, nang makatitigan niya ang lalaki ng segundo.

"Y-yeah y-you're right!" aniya at mabilis na umiwas rito agad at muli syang nanuod sa mga batang patuloy na naglalaro.

Hanggang sa tumigil ang mga bata at gumilid ang mga ito ng panandalian. sa anunsyo ng tagapagsalita at nagpapalaro sa mga bata ay magpapa 'bring me' game naman ito, kaya excited ulit ang mga bata.

"Okay listen kids, here's my bring me. Bring me a magjowang maganda at gwapo. Go!" sa anunsyong iyon ng babaeng mc ay agad na nagsitakbuhan ang ilang bata, kabilang si bennie. papunta ang mga ito sa pwesto ni Kara at Elli.

"Ate doktora, kuya Elli tara po"
Gulat ang namutawi sa mukha nag dalawa nang hilahin ni Bennie at ilang bata ang mga kamay nila, upang magpunta sa gitna.

Napatingin siya kay Elli na umiiling at di rin makapagreact, hanggang sa madala sila ng mga ito sa gitna.

For pete sake! Nagpakamalan silang nitong magboyfriend at girlfriend.

Doctor Series 1: The Neurosurgeon Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon