Hindi ko mapigilan ang mapangiti matapos kong makita ang ayos ko sa harap ng full length mirror size.
"Anak napakaganda mo, naging kamukha at halos mamana mo ang magandang mukha ng mommy mo" lumitaw bigla si Manang ces sa kwarto ko, nakatingin sya sakin habang may ngiti din sa mga labi.
Hindi ko naman maiwasang matawa sa kanyang sinabi.
Inialis ko ang tingin sa salamin at humarap ako rito na siyang nakaupo sa kama ko
"Kayo naman po nambola pa po kayo, alam mo naman po na hinding hindi po mangyayaring magiging kamukha si Mrs.Kataryn dahil ampon niya lang ako" halos sumimangot naman ito sa aking sinabi.
"Anak, hindi mo ba alam ang kasabihan nila na kapag matagal mong nakakasama ang isang tao, eh kalaunan nagiging magkamukha na kayo at ganon na ganon kayo ni Mrs.kataryn" ngumiti na lang ako sa sinabi niyang 'to.
Kaya siguro kapag inihaharap ako ni Mrs.Kataryn sa mga kaibigan niya ay hindi ako napagkakamalang ampon nito, dahil siguro nga may pagkahawig kami nito katulad nang sinasabi ng ilan, lalo na kapag nakaayos kami parehas ni mommy.
"Si Kuya boy ba ang maghahatid sa iyo sa party?" biglang tanong ni Manang ces, habang inaayos ko ang maliit na shoulder bag na dadalhin ko.
tumango ako "Opo, hinihintay ko lamang si Ellison na dumating"
"Ganon ba, sya pala ang date mo?" nang tumingin ako sa ginang ay nakita ko ang ngiti niya sa labi.
"As usual po Manang ces, wala naman pong iba"
"Mukhang nagkakamabutihan na talaga kayo nang binatang 'yon ha?" paguusisa nito
"Sana nga po" tanging naisagot ko na lamang rito.
I want to try to confess him, pero palagi akong nauunahan nang kaba. Dahil ramdam ko naman na mababalewala lang iyon kapag nagkataon. Katulad nang advice sa akin ni Marky nasa huli ang pagsisisi.
Kahit na sa saglit na panahon ko lamang na kasama si Ellison, I'm become happy. Kahit papano ay naramdaman ko na naging mahalaga ako sa kanya. Wala akong pinagsisihan sa mga naging desisyon ko.Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Karalina are you ready?" narinig ko ang boses na iyon ni Ellison kaya napangiti ako.
"Oh sya nandyan na ang prince charming mo, kaya mabuti pa ay lumabas na tayo" tumayo si manang ces at siya na ang nagbukas ng pinto.
"Hello po Manang Ces" pagkatapos na batiin ni Ellison ito ay nagmano siya rito.
"Magiingat kayo, sana maenjoy niya ang party" ito lamang ang sinabi ni Manang at tuluyan syang lumabas ng kwarto ko kaya pumasok naman si Ellison habang may ngiti sa kanyang labi.
Tinignan ko sya mula sa kanyang ulo hanggang paa. Ang gwapo niya sa suot niyang black suit.
"You look handsome, at saan naman galing 'yang suit mo?" pinasadahan niya naman ng tingin ang kanyang suot, pagkatapos ay muli siyang bumaling sa akin.
"Nahiram ko ito sa ka-trabaho ko, ayos ba?" umikot pa ito, pagkatapos ay nagpogi sign pa ito na siyang ikinahalakhak ko.
"Your so funny Ellison!" naiiling ko namang komento rito habang nakangiti. Marahan naman itong lumapit sa akin, nang nasa harapan ko na siya ay tumigil siya bigla atsaka ako pinasadahan nang tingin nito.
Halos kuminang ang mga mata nito sa mangha sa nakita nitong ayos ko. "You're gorgeous Kara"
I was wearing a long fitted black dress, it's an off shoulder with a slit on the side of my leg down to my foot and partnering a silver stilletos heels with ankle strap pumps.
BINABASA MO ANG
Doctor Series 1: The Neurosurgeon Little Secret
RomanceDra Karalina Carillo is a famous neurosurgeon because she was a monster when she's in her operation. Wala yata itong hindi napagaling na pasyente at mga successfull operation na nagawa nito. Ngunit sa likod nang kanyang laboratory gown, she was expe...