Little Secret 4

708 13 1
                                    

Halos hindi mapakali si Ellison sa kanyang upuan. Pababalik balik ang lakad niya sa labas ng operating room. Nasa waiting area sila ngayon ng kanyang kasintahan na si Bianca. Magdadalawang oras na rin ang lumipas simula nang maipasok ang kanyang kapatid sa operating room upang operahan ito.

Kahit na hindi niya nakakalimutan ang sinabi nang nurse na nasa 'maswerteng kamay' ang kanyang kapatid ay hindi niya pa rin maiwasang kabahan.
Hindi niya nakita ang doktorang magoopera dito, dahil bago pa man niya ihatid ang kapatid sa operating room ay nasa loob na daw ito, upang maghanda sa operasyon nang kanyang kapatid at hindi siya nagkaroon ng tyansang makausap ito bago man lang umpisahan ang operasyon ni Eon.

"Elli kumalma ka? Magiging sucessfull din ang operasyon ng kapatid mo" pagpapalakas ng loob nito sa kanya. Kaya natigil siya sa paglalakad at naupo sa tabi nito.

"Sana nga Biancs" malungkot niyang sambit pa rito at napahilamos ng kanyang mukha.

Humawak naman ang babae sa kanyang braso at idinantay nito ang ulo sa kanyang balikat.

"Elli you must trust Eon, di ba nangako siyang kakayanin ang operation?" Tumango siya sa sinabi nito.

Kaninang umaga habang kinakalbo ito, bilang paghahanda sa operasyon ay wala itong tigil sa pagsabi sa kanya na kakayanin nito ang lahat, ala alang sa kanya. Natouch si Ellison sa kapatid, buti pa ito ay may lakas ng loob. Tinalo siya nito dahil wala man lang siyang nakita dito na takot ni kaba ay hindi niya nakitaan ang kapatid. Kahit papano ay napatanag siya kahit kaunti, ngunit muling bumalik ang kaba niya habang tumatagal ang oras nang kanilang paghinintay.

"Well done!" Anunsyo ni si Dra. Karalina at napangiti siya. Maayos niyang naisagawa ang operasyon ng batang si Eon. Pinapanuod na lamang niya ang anethesiologist na nagtatahi sa biyak sa ulunan nito, aaminin niyang hindi naging madali sa kanya ang operasyong ngayon, gayong hindi naman niya first time magopera ng isang bata na may medulloblastoma'ng sakit. May napansin siyang kaonting blood clot sa utak nito kaya kinailangan niya pang lunasan ito ng Thrombolytics na isang drug kung saan may kakayahang makapagdissolve ng blood clot and she use a catheter in vein, which will allow them to deliver the drug directly to the site of the clot, upang maiwasan din ang stroke. Good thing dahil kung nagkataong nastroke ito gawa ng blood clot nito ay hindi niya maitutuloy ang operasyon dahil tumatagal ang treatment ng blood clot within a weeks.

Nang matapos ni Karalina paglilinis sa kanyang sarili ay ipinaubaya na niya sa mga kasama ang pasyente upang maibalik na rin agad ito sa panibago nitong kwarto. Tumagal din ng tatlong oras mahigit ang kanyang operasyon.

Kailangan niyang makipagkita sa kuya nito. Hindi niya pa balak na magpakita dito ng tuluyan but she have no choice, karapatan nitong malaman ang kalagayan ng kapatid nito at siya lang ang tanging makakapagexplain dito nang lahat.
Habang suot parin ang isang disposable surgical cap at bagong mask ay tuluyan siyang lumabas ng operating room.

Ganon na lang ang pagkakunot ng noo niya nang makita ang ayos ng mga ito. Nakaupo si Elli habang nakapatong ang isang babae sa balikat nito at kulang na lang ay ikulong nito ang kamay sa braso nang lalaki.

Hindi siya makapaniwala, nagawa pa nitong makipagPDA sa girlfriend habang nasa loob ang kapatid nito at malakas na nakikipaglaban sa operasyon!

Nang makita siya ng mga ito ay agad na sumeryoso ang kanyang mukha, mabilis na naghiwalay ang dalawa at dali dali siyang sinalubong nang mga ito.

Ipinamulsa ni Karalina ang mga kamay sa kanyang surgical pants.

"Doc kumusta po ang kapatid ko?" As expected hearing her to him.

"I'm Dra. Karalina Carillo. Your little brother is now on stable state and if he awake, Eon needs to take a radiation and chemo theraphy as continuation of his treatment" her explanation, habang sinasalubong niya ang maganda nitong mga mata. Dito lang ang kanyang tingin, at hindi sa babaeng nasa tabi nito. Hindi niya naman maiwasang lihim na mapangiti nang makita sa mukha nito ang kaginhawaan na para bang nakahinga ito ng maluwag, matapos marinig ang kanyang mga sinabi dito.

Doctor Series 1: The Neurosurgeon Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon