Sa unang pagkakataon ay naabutan ko na sobrang tahimik ang lahat ng mga doctors at ilang board sa loob nang conference room nang makapasok kami, kasabay ko ang dating Chairman. Ngayon ang meeting na ipinatawag niya para klaruhin ko sa lahat ang naging issue kong kumalat sa buong hospital.
Matapos nila akong batiin at si Mr.Carillo ay nagsimula nang magsalita ang dating Chairman
"Ipinatawag ko ang lahat para klaruhin nang Chairman ang inyong agam agam. Nawa'y pakinggan at maintindihan niyo sya" sumenyas sya akin matapos ang kanyang sinabi, hudyat na ako na ang susunod na magsasalita.
Inilibot ko ang aking tingin ko sa kanila. Pansin ko na tahimik lang silang nakamasid sa akin at seryoso ang kanilang mga mukha, hinihintay na magumpisa akong magsalita.
Huminga ako nang malalim bago ko napagpasyahang magsalita. "I'm s-sorry to cause a trouble about what happened. It is true, h-hindi ko kinakaila ang balitang iyon sa akin...
Nang marinig nila iyon ay samo't saring bulungan ang naganap at halos wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila dahil sa sabay sabay silang nagbubulungan. Ngunit may iba pa din namang mas piniling tumahimik at hindi magreact, katulad nang grupo nila Dra.Zharmaine na seryoso lamang ang mga tingin sa akin.
"But i don't owe you an explanation about what happen to me at kung bakit ako nagkaroon nang ganong sakit. I hope you respect my privacy, i want you to know that i fully recover at hindi ito magiging hadlang para hindi magampanan ang tungkulin ko sa bago kong position. I want you to give me a chance"
Tumango tango ang ilan sa sinabi ko. May isang nagtaas nang kamay, isa siya sa mga board at may malaking shares sa hospital na ito.
"I trust you Dra. Kara, dahil hindi ka naman magiging isang magaling na doktor kung hindi mo nalagpasan. We doctors, we're also a human. Hindi lang ang mga pasyenteng pinagsisilbihan natin ang maaring magkasakit. Isa ka Dra. Karalina sa taong dapat hangaan nang mha pasyente dahil sa pagiging matibay mo." saktong bumukas ang pinto at bumungad ang bruhang si Hailem.
taas noo siyang nagpunta sa harap.
"Hangaan? I think you don't want to say that Mister Acosta after you see the new issue of her!""Hailem!" may pagbabantang ani nang dating Chairman.
"What are you waiting for? Go on check your phone and the headline today!" bagama't naguguluhan ay nagsisunuran sila sa utos nito at chineck nila ang kani-kanilang cellphone.
Pansin kong may binabasa sila at maya maya lang ay isa ang kanilang mga naging reaksyon. Gulat at dismayadong mukha ang aking nakita.
Tumingin ako kay Hailem at sinamaan siya ng tingin. ngunit ngumisi lang ang bruha na para bang sya ang nagtagumpay.
Ano bang gusto niyang mangyari? ganito na ba sya kadesperada sa buhay!
Biglang napatayo si Dr.Delhimino at sya ang unang nagreact. "This is absorb! What a shame Dra.Karalina!"
"Watch your words on ny grandchild Dr.Delhimino!" halos ang boses ng chairman dito, ngunit ngumisi lang ito at hindi pinansin nito.
"Bakit hindi niyo din icheck ang phone niyo at malaman niyo ang nakakasukang balita ngayon tungkol sa magaling niyong apo" bigla na lang may isang doctor na nag-abot nang tablet niya sa dating chairman. agad naman niya iyong kinuha at nakita ko ang panlalaki nang mata niya sa gulat.
Hindi ko alam kung bakit this time ay kinabahan ako nang makita ko na ang kanyang reaksyon.
"K-kara" mahinang tawag sa akin ni Gina atsaka iniabot niya rin sa akin ang kanyang sariling phone.
Hindi ko alam kung bakit madali kong tinanggap ito at tinignan ang balitang sinasabi nila.
BINABASA MO ANG
Doctor Series 1: The Neurosurgeon Little Secret
Любовные романыDra Karalina Carillo is a famous neurosurgeon because she was a monster when she's in her operation. Wala yata itong hindi napagaling na pasyente at mga successfull operation na nagawa nito. Ngunit sa likod nang kanyang laboratory gown, she was expe...