Little Secret 19

492 6 0
                                    

Nasa entrance pa lamang ako nang hospital, tanaw ko na ang tingin kong magpapasira ng araw ko ngayon. It was Hailem and Dr. Delhimino, nagtatawanan ang mga ito na para bang ang saya saya nila sa kanilang mga buhay. Bigla lamang natigil ang kanilang tawanan nang makita nila ako.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangisi
"Oh bakit? May dumaang anghel?"

Napangisi din naman ang bruhang si Hailem

"Hindi, demonyita!" sabay ang pagngisi 'rin ni Dr. Delhimino sa sagot nito. Bagay talaga ang dalawa na 'to na magkakampi? I mean naisip ko nga minsan, sya yata ang nawawalang ama ni Hailem. Parehas kasi sila ng budhi nito, maiitim tsk!

"Coming from you huh Hailem?" umirap lamang naman ito sa akin.

"You know what Dra. Karalina, i don't tolerate those employee who leave their work suddenly, lalo na kung walang pasabi"

katulad nga nang balita sakin ni Dra. Gina kahapon, nandito ito. Kaya siguro napansin ako nitong absent kahapon and it doesn't matter. Di ko naman din responsibilidad na magreport dito.

"Oh you miss me Hailem?" pang-aasar ko 'rito na siyang ikinataas niya nang kilay

"Like yuck! Hindi porket ampon ka eh may karapatan ka nang gawin ang gusto mo."  halos mapaikot ako nang mga mata ko rito.

Ano ba kasing problema nang bruhang 'to? Trip ba lagi ako nitong uratin. Mamamatay ba ito kapag hindi niya nasira ang araw ko. Hangga't maaari ayaw kong makasalamuha ito, pero i had no choice.

"At hindi 'rin ikaw ang boss ko para sabihin 'yan sakin, may i excuse myself" pagkatapos kong sabihin iyon  ay tinalikuran at iniwan ko na silang dalawa.

Nang maisuot ko ang aking lab gown ay saktong bumukas ang pinto nang aking opisina. It was Dra. Gina, Nakasimangot naman syang pumasok.

"I thought kakaladkarin mo siya simula kahapon, bakit nandito pa rin 'yon?" komento ko rito nang makaupo sya sa harap ko.

Umikot naman ang kanyang mga mata "Masyado akong busy kahapon, hindi niya deserve mabigyan ng time ko"

"She's a waste! Ginugulo niya lang ang mga tao rito sa hospital" sambit ko pa habang inoopen ko ang aking pc.

"Bakit ba kasi umuwi pa ang gagang yan dito?"

Batid kong walang pasyente ito, kaya nandito sya sa opisina ko para makichika.

Nagkibit balikat ako rito "Maybe she wants that position" tukoy ko sa papalit na chairman nang hospital na 'to.

"Tss. At balak niya pang makipagkumpetensya sayo, kahit saang anggulo niya pa tignan. Never siyang mananalo, sa patapon niya pa lang na ugali. Hinding hindi niya deserve ang posisyong 'yon. At kapag siya ang naging chairman nang hospital na 'to, mas gugustuhin ko na lang na magresign at lumipat nang hospital"

"And i'm also not interested in that position either Gina" Hindi ko alam kung nakailan na ba akong sabi sa mga tao na hindi ako interesado sa kung anong mataas na posisyon. Ayoko nang pakumplikaduhin ang buhay ko, tama na 'to.

Nangulumbaba naman siya sa harapan ko. "Alam mo, ang hirap maging maganda. Laging hinahabol ng gwapong papa" pag-iiba niya nang topic namin.

Tumaas ang isa kong kilay dahil sa kanyang sinabi.

"So fan ka na pala ngayon ng mga daddy sugar" nakangisi kong sambit dito.

Sumimangot siya "Gaga! Of course not. I'm saying na mahirap kapag habulin ng mga lalaki"  Halos matawa ako sa sinabi niya. Gaano kaya kalaki at kabigat ang binubuhat niya?

"Ganon ba? Nakakaawa ka naman pala, siguro hirap na hirap kana sa buhay mo" Sinakyan ko ang trip niya.

"Oo girl! Malapit na ako madepress, hindi ko na alam kung sino ba pipiliin ko? Yung malaki ba or yung may abs?" bumuntong hininga pa ang gaga na akala mo talaga stress na siya sa buhay. Sana nga lahat nang tao ay ganyan ang sitwasyon, yung tipong mamimili ka na lang nang gusto mo.

Doctor Series 1: The Neurosurgeon Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon