Little Secret 20

580 6 0
                                    

Namalayan ko na lamang ang sarili ko na nasa harap  na ako nang bahay ni Karalina. Hindi ko alam pero kusa akong ipinunta nang mga paa ko 'rito. Gulong gulo na ako sa nangyayari, hindi ko gusto ang pakiramdam na lalayuan na ako ni Karalina.

Parang paulit ulit na pinipiga ang dibdib ko sa twing naiisip ko ang naging usapan namin kanina. Kahit na gusto nang isipan ko, ngunit alam kong sa puso ko na hindi pa ako handang lumayo sa kanya nang tuluyan.

I want to see her right know! Wala na akong pakialam kahit na magtaka pa siyang narito ako ulit sa bahay niya.

Inilabas ko ang duplicate key nang bahay niya, nang mabuksan ko ang gate ay dire diretso akong pumasok sa loob. Mabilis akong nagtungo sa kwarto niya ngunit bigo akong makita sya 'ron. Chineck ko ang bawat kwarto at ilang maaari niyang puntahan ngunit hindi ko siya nakita. Isa na lang ang hindi ko napupuntahan, iyon ang pool. Halos patakbo akong lumakad patungo rito. Ganon na lang ang panlalaki ng mata ko sa gulat nang makita ko siyang nakalutang sa swimming pool.

Ang bilis nang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
Kaya sa taranta ko ay agad akong tumalon upang sagipin siya. Nanginginig ang mga kamay kong nakayakap sa kanya, hanggang sa maramdaman ko ang pagkilos niya at pagdilat nang kanyang mga mata.

Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha "Elli! A-anong ginagaw--
hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sinasabi at wala sa sariling nahalikan ko siya sa labi.

Naramdaman ko naman ang mabilis niyang pagtugon sa halik ko, nang maramdaman kong lumalim ang aming halikan ay ako na ang kusang nagputol nito at seryoso akong humarap sa kanya.

"N-nababaliw kana ba Kara!" Naiinis kong asik sa kanya.

P-paano kung hindi ako dumating? at balak niya bang magpakamatay? Dis oras nang gabi, nasa pool siya.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya "A-ano bang sinasabi mo Elli? Ikaw na lang ang basta sumulpot dyan at nangistorbo sa paliligo ko" bigla siyang lumayo sa akin.

Hindi ko alam tila napahiya ako matapos kong marinig ang kanyang sinabi.

"B-bakit ka ba kasi nakalutang? at dis oras nang gabi, masyadong malamig para maligo ka dito. May banyo ka naman sa kwarto mo" mas lalo namang kumunot ang noo niya sa sinabi ko, umiwas lang ako ng tingin 'rito.

"Hindi kita maintindihan. Tsaka bakit ka ba narito?" bumuntong hininga ako at tsaka siya seryoso ko siyang tinignan.

"May ilan pa akong araw para matapos ang linggong 'to Kara"

"And?" patuloy niya sa sinasabi ko. Imbis na sagutin ko siya ay marahan ako muling lumapit 'rito at niyakap ko sya. Tila nanigas siya sa ginawa ko, pero maya maya lang ay naramdaman ko ang mga kamay  niyang pumupulot sa katawan ko.

Ilang saglit pa ay muli akong humarap rito at seryoso akong tumitig sa mga mata niyang nangungusap.

"Let's enjoy our moment for the last time Kara" i whispered to her. Nakita ko ang pagngiti niya at marahang naglalapit muli ang aming mga mukha at naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko.

Hindi ko maiwasang mapapikit habang dinadama ang marahan naming paghahalikan. Naramdaman kong pumulupot ang kanyang mga pata sa bewang ko, kaya habang naghahalikan kami ay lumakad ako hanggang sa makarating kami sa edge ng pool. nang maiupo ko siya sa gilid ay huminto kami sa paghahalikan, upang lumanghap nang hangin dahil halos maubusan kami ng hininga. Walang namutawi sa aming mga labi at nakuntento kaming titigan ang isa't isa kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

Umahon ako at tumabi ako sa kanya. "Hindi ka pa ba nilalamig?" tanong ko sa kanya, nakabikini lamang siya at hindi ko maiwasang titigan ang kanyang katawan. kaya napalunok at muling umiwas nang tingin 'rito.

Doctor Series 1: The Neurosurgeon Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon